Tigilan
Hindi ko maintindihan kung bakit sa dinami daming babae ang meron dito sa school ay ako pa ang napag tripan ng lalaking yun!
Bakit hindi yung kahalikan niya? Bakit hindi yung nga girlfriends niya? Is he that bored? Atsaka hell! Is he blind? I am nerd! I'm not his type!
"Tulala ka na naman Sky?" Natigil ako sa pag iisip ng mag salita si Elli. Papunta kami ngayon sa faculty para kunin yung uniform namin. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako sa mga sinabi ni Hercules kahapon. He's playing around and I don't know why he's using me as his toy! Damn! First week of school and I'm already in hell!
"Wala lang...may iniisip ako." Sabi ko. Hindi na siya nagsalita dahil alam niyang hindi ako nag shashare ng iniisip. Nang pumasok kami sa faculty ay agad naming hinanap ang uniform namin, yun nga lang nahanap na ni Elli yung kaniya ay hindi ko pa rin mahanap yung akin!
"Mag tanong na kaya tayo sa teacher?" Tanong ni Elli habang patuloy akong naghahalungkat. Huminga ako ng malalim. Tumango ako sa sinabi ni Elli.
"Sige." pagsang ayon ko. Nang makita kaming teacher ay agad lumapit si Elli para magtanong.
"Ma'am, may iba pa po bang lagayan ng mga uniforms? Hindi po kasi namin mahanap yung kay Sky Valentino." Sambit ni Elli.
"Ahh Sky Valentino? Nasa kabilang faculty!" Agad nitong sinabi na para bang inaasahan na ang pagkakataong yun. Kunot noo ko namang pinagmasdan ang teacher.
"Sige po salamat!" Pag papaalam ni Elli.
"Ang kaso lang isang estudyante lang ang pwedeng pumasok dun at medyo isolated yun." Sabi nang teacher.
"Ah ganun po ba..sige po salamat!" Agad na sinabi ni Elli.
Bumuntong hininga ako habang palabas kami ng faculty. Bakit naman nasa kabila yung akin? Magkasabay lang naman kami ni Elli na nagpasukat!
"Sige Elli...dito ka na lang muna mag intay." Sabi ko.
"Sige." Tugon niya.
Naglakad na ako patungo sa itinuro nung teacher. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako habang tinitingnan ang pinto. Hindi naman siguro ito gawa gawa ni Hercules di ba? Dahan dahan kong binuksan ang pinto at agad bumaba ang balikat ko ng makita ang isang tao doon.
"Ang tagal mo naman!" Si Hercules. I gritted my teeth as I looked at him. He's sitting comfortably in the couch habang ang binti ay naka dekwatro. Sinarado ko ang pinto at malamig siyang tiningnan. This boy is getting on my nerves.
"Nasan yung uniform ko?" Tanong ko. Ngumisi siya at tumayo sa kaniyang kinauupuan. Pumunta siya sa isang cabinet at may inilabas doon, then I saw my uniform.
"Tsk! Puting puti!" Sabi niya habang pinagmamasdan yun. I sighed in annoyance. Wala ba talaga siyang magawa sa buhay?
"Ibigay mo na sa kin ang uniform ko." Malamig kong usal. Lalo lang siyang ngumisi ng nakakaloko. Naglakad siya papalapit sa akin at hindi ko maintindihan kung bakit ako kinakabahan.
"Alam mo naman siguro ang kapalit di ba?" He's grinning ear to ear when he said that. I crossed my arms as I looked at him with my dagger eyes.
"Bakit mo ginagawa to? Hindi ako ang tipo mo Mister Campbell." Sarkastiko kong sinabi. Lalo pa siyang ngumisi at iwinagayway ang uniform ko, nang aasar talaga.
"Bakit hindi ikaw? Hindi ka naman pangit, nakasuot ka lang ng salamin pero hindi ka naman pangit. Atsaka ayaw mo ba sa akin? Gwapo, mayaman at talented ako Miss Valentino, lahat ng babae ay inaasam asam ang lalaking katulad ko. Aayaw ka pa ba?" He asked while smiling like idiot.
Tumaas ang kilay ko habang nakatingin sa kaniyang mukha na sa totoo lang ay walang maipipintas. His eyes are deep gray, his nose are pointed and perfect engrave in his face, his lips are red and playful, even his jaw is shouting of perfectness and confidence, tama nga naman ang sinabi niya. Yun nga lang hindi niya ako madadala sa mukha niya. Hindi ako narito para sa love life, I'm here to study and not to entertain playboys!
"Narito ako para mag aral Mister Campbell, hindi ako narito para aliwin ang isang playboy na katulad mo. Marami diyang iba. Sila na lang hindi ka pa mahihirapan dahil willing sila." Sabi ko.
Lumapit siya sa akin. Gustuhin ko mang umatras pero ayaw ng pride ko. If I stepped back it's a sign that he can affect me and I don't want him to see that. I don't want him to feel that he has an affect to me. Nakalapit siya hanggang sa isang dangkal na lang ang lapit namin. He crouched so our eyes would level. Damang dama ko ang init ng kaniyang hininga. Pinilit kong maging matapang dahil walang tao ang nakakapagpatiklop sa akin. Simula nang matapos ang madilim kong nakaraan, tinapos ko na rin ang aking kahinaan. At hindi pwedeng ang lalaking ito ang magsisilbi kong kahinaan. I am trying to escape that chains but I couldn't, but this man is really trying my feelings.
"But I want you.." he whispered. Damn! Nangilabot ako sa kaniyang bulong. My heart pounded so fast! My knees are slowly trembling. Precious Sky stop it! You need to stand bravely and do not let him affect yourself!
Tinulak ko siya ng malakas kaya napaatras siya. Tinitigan ko siya gamit ang galit kong mga mata. Yun nga lang hindi ko malaman kung bakit seryoso na siya ngayon. Pahablot kong kinuha ang uniform ko sa kaniyang kamay at hindi na naman siya umalma.
"Tigilan mo na ito Mister Campbell." Mariin kong sinabi at tumalikod na sa kaniya.
Mabilis akong naglakad paalis at napahinga ako ng malalim! Hindi ko man lang napansin na hindi pala ako humihinga nung nasa loob ako! Damn it!
BINABASA MO ANG
To Break the Chains (TCB#5)
Romance"Sufferings, hatred and loneliness is like a chains that lock you in a dark place, it forbid you to see the light, but there's someone who will break those chains and let you see the light freely." -Precious Sky Echavaria