Kabanata 15

111 4 0
                                        

One month

Dahan dahan siyang umupo kaya nagpanic ako paano kung mabinat siya?!

"W-Wag ka munang umupo!" Mabilis kong sinabi pero hindi niya pinakinggan. He just gave me an evil smirk and he grab my hand to make me come nearer to him.

"You're worried?" He asked smirking. Kumunot ang noo ko dahil para bang tuwang tuwa pa siya sa reaksyon ko, kaya namab agad ko siyang hinampas sa kaniyang braso, agad naman siyang ngumiwi sa ginawa ko.

"Sa tingin mo magandang makipag away ha!" Naiinis kong sinabi. Lalo pang lumaki ang ngisi niya. Hindi na talaga ako natutuwa sa mga ngisi ng lalaking ito!

"I'm sorry I made you worried." He said playfully. I rolled my eyes. How could he talk lightly after what happened?

"Hindi ako nag aalala sayo." Iritado kong sinabi. Hindi na siya nagsalita at tinitigan niya lang ako ng malalim. Unti unti naman akong kinabahan sa mga titig niya, ramdam ko rin ang marahan niyang paghaplos sa aking kamay na kaniyang hawak.

"Just give me one month after that I'll leave you alone." He said after the awkward silence. I stared at him for a moment at hindi ko maintindihan kung bakit nakaramdam ako ng kirot sa aking puso. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Nakakapanghina.

"Noong nakikipagsuntukan ako sa mga lalaking yun ikaw ang...naalala ko." He said. Hindi ko alam pero nasasaktan talaga ako sa mga sinasabi niya ngayon. Umiwas ako ng tingin sa kaniya dahil natatakot akong makita niya kung gaano ako kahina ngayon.

"Sinabi ko sa sarili ko na siguradong magagalit ka...na mag aalala ka. Then I realized...you will not be worried for me...imagination ko lang pala." Hindi ko akalain na maririnig ko sa kaniya ang mga salitang ito.

The man that always have those funny tricks and moves, the man who's always talk like he never lost of topic is now vulnerable in front of me. Hindi ko kayang makita siyang ganito. How come? How come he felt that feelings towards me? I'm not his ideal girl for sure! We don't know each other! He don't know me! Kaya paanong ganito siya ngayon? I just saw him kissing another girl in my first day of school but right now he's confessing to me!

"So while waiting for you here in my hospital bed I decided to erase this damn feeling and I need one month to do that..."

Naramdaman ko ang paghigpit ng kaniyang kapit sa akin kaya wala sa sarili akong napatingin sa kaniya. His eyes are serious it's different from his usual eyes.

"...can you stay by my side while I do that?" He asked softly.

Ramdam ko ang panginginig ng labi ko kaya paniguradong mauutal ako kapag nagsalita ako kaya wala sa sarili akong tumango. Nakita ko ang malungkot niyang ngiti.

"I hope it works." He whispered.

Kaya naman puyat na puyat ako pagkagising kinabukasan. Hanggang ngayon parang sirang plaka na nagpapaulit ulit ito sa aking isipan. At hindi ko mapigilan ang masaktan. Maybe...ito talaga ang tama. One month to forget him. One month starts today.

Tahimik kami ni Elli na naglalakad patungo sa aming first class at hindi ko maintindihan kung bakit maraming tao ngayon sa gate. At halos ay kababaihan. Nagkukumpulan sila doon na para bang may tanawin doon na nakakabighani.

Nang tuluyan na kaming makapasok ay na realize ko na kung bakit! Hercules is leaning to the wall while his both hands is inside his pocket!

"Maayos na pala siya?" Elli whispered. Dinagundong na naman ako ng kaba. Lalo na ng magtama ang mata namin ni Hercules, napansin kong may band aid pa siya sa noo pero hindi yun naging hadlang sa kagwapuhan ng kaniyang mukha.

Literal akong napatigil lalo na ng maglakad siya patungo sa akin. Halos mabingi ako sa katahimikan ng buong paligid. Pakiramdam ko ay kami lang ang tao. Kanina lamang ay nag iingay ang mga fans niya, ngayong naglalakad siya patungo sa akin ay para akong nabuhusan ng malamig na tubig.

"Oh my gosh!" Si Elli lang ang narinig kong sinabi niya ito habang lumalapit sa akin si Hercules.

Nang nasa mismong harap ko na siya ay natulala talaga ako sa kaniya. He is smiling ear to ear while looking at me. At halos malaglag ang panga ko ng hinawakan niya ang aking pulso, narinig ko ang singhapan ng mga tao na nanunuod sa eksena ni Hercules!

Damn it! Gustong gusto niya talagang gumawa ng sarili niyang eksena!

"Elli can I borrow your friend for a second?" He asked Elli. Si Elli naman ay halos malaglag ang panga.

"O-Oo naman!" Agad na sagot ni Elli para siyang nawala sa sarili. At hindi pa ako nakakabalik sa wisyo ay naramdaman ko na lang ang sarili na hinihila ni Hercules kung saan!

Ramdam na ramdam ko ang tingin ng lahat sa amin! They are whispering at halatang halata naman na ako ang pinag uusapan! Shit talaga! Ano bang iniisip ni Hercules?!

Tumigil kami sa cafeteria. Hindi ako makaimik ng inilahad niya sa akin ang upuan. Wala sa sarili akong naupo doon. Umupo din si Hercules sa tabi ko, nagtataka akong tumingin sa kaniya ng inilagay niya sa harap namin ang mga pagkain.

He answered me with his evil grin.

"We'll eat our breakfast together Honey.." he said.

Umawang ang labi ko sa sinabi niya. Ramdam ko rin ang pag init ng pisngi ko. H-Honey?

What was that? I thought we'll try to forget our feelings in just a month but...why the hell is he doing this?!

To Break the Chains (TCB#5)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon