Conservative
Agad naming inayos ang gamit namin ni Elli nang makahanap kami ng Dorm na medyo malapit sa University, malapit naman ito pero kailangan pang sumakay ng jeep. Pero okay lang naman ang kaso lang mahirap daw makasakay dahil sa traffic kaya napag desisyonan namin ni Elli na laging magsabay sa uwian para hindi hassle sa pagsakay sa tricycle. Yes, magtatricycle na lang kami.
Share kami ni Elli sa isang kwarto, bale limang kwarto ang meron dito at puro babae lang ang pwede, at may malaya kaming access sa mga kagamitan sa ibaba.
"Pagkatapos ng isang linggo maghahanap ako ng pwedeng part time, sasama ka?" Sambit ni Elli habang inaayos namin ang mga damit at gamit namin.
"Oo naman! Mas maganda yun para hindi na mamroblema si Nay Elma." Sabi ko kaagad.
It's a good idea actually because we will earn money!
"Alam mo...dala ko yung mga papeles sa bank account ng dati mong pangalan." Nabigla ako sa sinabi niya. Kumunot ang noo ko at tumigil sa ginagawa.
"Hindi mo na dapat dinala...hindi ko yun gagalawin, baka ito pa ang maging dahilan ng ikapapahamak natin." I said.
Doon sa binigay ni Mamà na envelope nakalagay dun ang mga papeles ko nilang Sky Valentino, pero bukod doon nandun din ang isang bank account na nakapangalan sa Precious Sky Echavaria at naglalaman yung ng malaking halagang pera. Pero ayaw ko yung galawin dahil baka matuntun ako kung bubuksan ko yun. It's not safe.
"Alam ko naman, for emergency purposes lang hehe." Umiwas siya ng tingin sa akin. Naiitindihan ko naman siya dahil hindi ko malilimutan ng maisugod ako sa hospital noong grade 9 ako. Hindi ko alam na sasama ang tiyan ko sa ilang filipino dishes dahil hindi ako sanay doon. Kinailangan akong i-confine dahil namumutla na ako. Tandang tanda ko kung paano sila nangutang para lang may ipangbayad sa hospital and I was very bad for myself dahil naging pabigat na naman ako sa pamilya nila.
Buti na lang at nakabawi. Kaya simula noon hindi ako basta basta kumakain ng mga filipino dishes, ang kinakain ko lamang ay yung madalas ihanda sa akin ni Nay Elma na hindi ako sinamaan ng tiyan. Kaya naman minemorya ko na ito sa isipan ko. Eggs, frozen foods, tinola, fried fish and chicken, breakfast foods, and ginataan.
Nakatulog ako sa araw na iyon dahil sa sobrang pagod. Nang dumating ang pasukan ay agad kaming nag ayos ni Elli. Naka civilian pa kami dahil hindi magpapasukat pa kami ng uniform sa school ngayong araw. Okay lang naman yun since unang araw pa lang ng pasukan.
I wear my simple white shirt, jeans and sneakers. Pinuyod ko sa pony ang aking wig na maayos kong nilagay sa aking ulo, my bangs is down and my thick eye glasses is already on my eyes. Napangiti ako sa aking hitsura. Hindi man ako sobrang pangit sa aking ayos pero walang walang magkakainteres sa akin dahil sa ayos ko. Maputi man ako at may pinong kilos muka pa rin akong nerd sa maraming mata ng tao.
"Tara na?" Napalingon ako kay Elli na simpleng simple rin sa kaniyang suot, she's wearing a long sleeve shirt, jeans and sneakers.
"Sige."
Katulad ng nasa plano namin, sasakay kami sa tricycle patungo sa school. At katulad ng inaasahan kitang kita ko ang maraming estudyante na papasok sa eskwelahan. Some are wearing their beautiful uniforms and they are look pretty with their clothes. Lalo na ang mga nasa elementary. They look cute!
Papasok pa lang kami ni Elli ay maingay na ang mga estudyante. They are talking about random stuffs. Iba iba ang mga nakikita ko. Marami akong nakikitang magagandang babae at mga mukhang artistahing lalaki.
"Hindi yata uso sa school na ito ang panget ah?" Natawa ako sa bulong ni Elli sa tabi ko. Tama siya dahil wala pa talaga akong nakikitang tagilid. Kahit ang mga bakla o kaya'y tomboy ay magaganda ang hitsura, kahit nga mga nerdy type ay talaga namang may ibubuga ang hitsura!
BINABASA MO ANG
To Break the Chains (TCB#5)
Romansa"Sufferings, hatred and loneliness is like a chains that lock you in a dark place, it forbid you to see the light, but there's someone who will break those chains and let you see the light freely." -Precious Sky Echavaria
