Kabanata 16

110 4 0
                                        

Chains

Kabado akong naglakad papasok sa aking first class, ramdam ko agad ang mga kuryuso nilang tingin sa akin pero walang nag lakas loob na magtanong o magsalita. Tahimik akong naupo sa aking upuan hanggang sa dumating ang professor.

Gusto kong makausap si Hercules dito! Paano kung makalabas ito ng school? Paano kung malaman ng media?! He will probably damned! Ano kayang iniisip nina Aries? Shit!

Nang dumating ang break time ay para na akong maiihing ewan lalo na ng makita ko si Hercules na nag iintay sa akin. Narinig ko ang singhapan ng mga babae na nanunuod sa amin! Nakangising tumingin sa akin si Hercules, inayos ko ang aking salamin at matalim ko siyang tiningnan. We should keep it a secret not like this!

"What?" He asked innocently nang makalapit na ako sa kaniya, I sighed in annoyance.

"Anong..ginagawa mo? Sigurado akong pag uusapan na naman tayo-"

"Don't worry Sky, I already talked to them, lagot sila sa akin kapag nakalabas ito o may sabihin silang masama sayo." He said and the he winked. Hinawakan niya ako sa kamay at hinila kung saan.

Gusto ko sanang umalma pero kapag si Hercules na bakit parang nahihirapan ako?

Kumunot ang noo ko ng pumasok kami sa elevator ng College building. He pressed the roof top button. Doon ba kami pupunta?

"Ano namang gagawin natin dun?" I asked. Sumulyap siya sa akin at ngumiti.

"Doon tayo kakain." He answered. Bumuntong hininga na lang ako dahil sa mga kakaiba na naman niyang iniisip. Nang bumukas ang elevator ay bumungad sa akin ang magandang roof top. Ngayon lang ako nakarating dito at hindi ko akalain na ganito pala rito! It's not an ordinary roof top, mahangin dito at maganda ang tanawin! Kitang kita ang kabuuan ng Makati! Mas namangha pa ako ng puno ang roof top ng mga uri ng bulaklak! Nakatanim ito sa makukulay na pot!

"S-Sinong nagtanim ng mga ito dito?" I asked amazed by the scenery. Hinila niya ako sa isang bangkuan at nakita ko sa lamesa ang maraming pagkain.

"Aries mother did it. She loves flowers kaya ginawa niya ito dito." Sabi niya. Napatango ako. Umupo siya sa tabi ko kaya napabaling ako sa kaniya, binaba niya ang kaniyang bag at kinuha ang pinggan at nilagay sa harap ko. He put rice in it and egg dishes they way how I like it.

"So...ito pala ang gusto mong mangyari sa one month?" Tanong ko habang pinagmamasdan ang ginagawa niya. Natigilan siya sa sinabi ko at bahagyang nagseryoso. Kinabahan na naman ako sa pagbabago ng kaniyang ekspresyon.

"Yes and for now on...don't ever mention me that stupid one month all right?" He said a bit irritated. Ngumuso ako. Hindi ko akalain na seseryosohin nitong lalaking ito ang mga sinasabi ko. Hindi ko akalaing maapektuhan siya nito.

"Bakit?" Makahulugan kong tanong. Tumigil siya sa ginagawa at tuluyan ng ibinigay sa akin ang buong atensyon kaya ngayon nanlalambot na naman ako sa kaniyang mga mata. His full attention is too much!

"Anong bakit?" He asked, his eyes is now furrowed.

"B-Bakit..ako?" I asked nervously. Nakita ko ang bahagya niyang pag iisip sa aking tanong, and when he look at me I felt like my world is shaking, kahit kailan hindi ko na yata kayang labanan ang kaniyang mga mata.

"Bakit hindi ikaw?" Balik niyang tanong. Medyo napaatras pa ako dahil bahagya siyang lumapit sa akin.

"H-Hindi ako...mayaman, hindi ako kagandahan...malayong malayo ako sa mga tipo mo Hercules." I said those in a slow manner. Kumunot ang kaniyang noo na para bang hindi maintindihan ang mga sinabi ko pero maya maya ay nakita ko na ang munting ngisi sa kaniyang labi na lalong nagpakaba sa akin.

"I just felt I like you so I really don't understand...why you." He whispered. Napalunok ako. Sana ay matapos na ang oras na ito para hindi na ako kabahan ng sobra. Kapag nasa harapan ko siya para akong nalulunod. Hindi ako makahinga.

Buti na lang ay agad din naman siyang umayos ng upo at nagsimula ng kumain. Napahinga ako ng malalim at katulad niya ay nagsimula na rin akong kumain.

Nang matapos kami ay inihatid niya ako sa next class ko at katulad ng sinabi niya sa akin walang nagtangkang magsalita o umangal man lang. Hindi ko alam kung magiging normal pa ba ang buhay ko rito ang alam ko lang...mabubuksan na ang panibagong yugto ng buhay ko.

"Sky.." narinig kong tawag sa akin ni Elli habang nakaupo kami sa aking kama, kauuwi lang namin sa trabaho at pagkauwi ay agad nag aral dahil may quiz kami bukas, si Elli rin yata ay ganun.

"Bakit?" I asked. Sumulyap siya sa akin na para bang nag aalangan.

"May nakita akong kakaiba kaninang umaga noong naliligo ka.." doon na ako napatigil. Buong atensyon ko ang nakuha ni Elli. Kunot noo ko siyang tiningnan.

"Anong kakaiba?" I asked a bit nervous.

"Sumilip kasi ako sa bintana at may nakita akong itim na van na naka park malapit sa dorm natin...hindi ko alam pero kinakabahan ako doon. Pamilyar kasi yung symbol na nakadikit sa van." Kitang kita ko ang kaba kay Elli. Pati ako ay kinakabahan sa sinasabi niya..

Simula ng umalis kami ng España ay wala na akong balita sa mga lalaking nanloob sa amin noon at ang nagsamantala sa aking ina at ama.

"Anong symbol?" Tanong ko. Nakita ko ang pag iisip niya.

"Noon kasing naninilbihan pa ako sa mansion niyo madalas kong makita ang mga itim na van na nakapark sa mansion niyo ang sabi ng mga gwardiya niyo bisita raw ng ina at ama mo, tapos nakita ko ang symbol na para bang...pakpak ng agila?" She explained.

"Eagles wings." I whispered.

"Pero...naalala ko sa kwento mo na ang tattoo ng lalaki na pumatay sa ina at ama mo ay dragon? Kaya...baka hindi naman yun di ba?" Nag aalala ang boses ni Elli.

Pumikit ako ng mariin dahil kahit pilit kong kalimutan ang nakaraan pilit pa rin nitong kinukulong at itinatali ang aking isip.

"P-Paano kung..hanggang ngayon hinahanap pa rin nila ako?" Kinakabahan kong tanong. Nakita ko rin ang takot sa mukha ni Elli pero agad niya akong niyakap.

"Wag kang mag alala hindi...ka nila masasaktan Precious.." she whispered my name. Pumikit ako ng mariin.

Alam ko. Gusto lang ni Elli na wag akong matakot pero hindi pwedeng habang buhay ay nagtatago ako sa dilim, hindi pwedeng habang buhay ay nakatali ako sa nakaraan! I need justice for my parents! I need peace of mind! I can't let myself be tied up in that damn chains anymore!

To Break the Chains (TCB#5)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon