Kabanata 30

123 5 0
                                        

Done deal

Kanina pa nag aalburuto si Noah dahil hindi niya matanggap na hindi ko siya isasama sa pupuntahan ko ngayon. Ngayon na ang araw para pumunta sa kompanya pero malalate ata ako dahil kay Noah.

"Noah don't be stubborn, lolo daddy will take care of you." Pagkukumbinsi ko sa anak. Nandito kami sa mansion ni lolo Dencio dahil dito ko pansamantalang iiwanan si Noah.

"Gusto kong sumama mommy!" Pagpipilit ni Noah. Napabuntong hininga ako. Ang kulit talaga nito ni Noah.

"Noah, mommy will get mad if you are like this, do you want that?" Seryoso kong tanong. Noah pouted and I saw tears forming in his eyes, naaawa na tuloy ako sa anak. Damn it!

"Hijo babalik din naman si mommy eh, mabilis lang siya." Pagkumbinsi ni lolo Dencio. Pero nagulat ako ng padabog na umupo sa couch si Noah at doon tahimik na umiyak.

Hayy. Noah is very stubborn. Mabait naman siya pero...damn! Manang mana sa ama! Bwisit! Bumuntong hininga ako.

Wala tuloy akong choice kundi isama si Noah. Tuwang tuwa naman siya nang pumayag ako. Agad ko siyang binihisan at isinakay sa van patungo sa kompanya.

"Promise me that you'll stay behave while I'm at work, understand?" Pangaral ko sa aking anak habang nasa van.

"Yes mommy!" Energetic niyang tugon. Bumuntong hininga ako.

Nang makababa na sa van ay agad kong sinulyapan ang isang bodyguard para siya ang humawak sa kamay ni Noah habang papasok kami sa kompanya.

Hindi na nagreklamo si Noah ng hawakan siya ng bodyguard. Ako naman ay seryosong pumasok sa kompanya, sinalubong naman ako ng tingin ng maraming tao o empleyado. This company is about electronics, it means that this company is the one who provided the parts of every technology. Nakita ko pa ngang ang madalas na ka sosyo ng kompanyang ito ay mga kompanya ng mga brands ng technologies.

"Good morning Ma'am." Bati sa akin ng isa babae na sa tingin ko ay isang sekretarya.

"Where's Apollo?" I asked.

"Hindi po makakarating si Sir Apollo, si Ma'am Rioz po ang mag gaguide sa inyo sa araw na ito." She said.

"Alright, by the way what's your name?" Kuryuso kong tanong. I saw how she examined my whole face. Natawa ako ng makita kong medyo nahiya siya.

"I'm Diana Montero Ma'am, I will be your secretary." She answered. Tumango ako at sumunod na sa kaniya sa loob ng elevator. She said that my office will be in the 10th floor. Kinakabahan tuloy ako. Kaya ko kaya?

"Mommy.." lumingon ako kay Noah na ngayon ay buhat buhat na ng bodyguard, he looks amazed but irritated dahil nakakunot ang kaniyang noo. Ayaw niya kasi na binubuhat dahil madalas niyang sabihin na binata na raw siya. I signed him to keep quite kaya ngumuso siya sa akin.

"Anak niyo po pala siya?" Tanong ni Miss Diana. Ngumiti ako sa kaniya at tumango,

"Ang gwapo ma'am ng anak niyo! Gosh kung hindi lang siya bata papatusin ko yan!" Biro niya. I chuckled in what she said. Nailing na lang ako.

Nang makapasok kami sa office ay namangha ako dahil sa laki nito. Nakita kong napalitan na rin ng pangalan yung nakalagay sa table.

It says...President Precious Sky Echavaria

Hayy, hindi ko akalain na pagkatapos ng lahat ay magbabago ng ganito kalaki ang buhay ko.

"Hello po Ma'am, I am Jewel Rioz, secretary of Sir Apollo Castillo." Nakipagkamay ako sa babae na maganda, she's still young and pretty.

To Break the Chains (TCB#5)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon