Kabanata 3

137 5 0
                                        

Dream and Fantasy

Tama nga yung lalaki kanina, nasa tabi lang pala ng mini park ang Med Tech building. Buti na lang at nakaabot pa ako sa oras. Naupo agad ako sa bakanteng upuan. Ramdam ko ang ilang estudyanteng nakatingin sa akin pero agad ding nag iwas ng tingin sa akin na para bang narealize nilang wala namang interesante sa akin.

Nang magsimula na yung professor ay pina introduce niya lang kami sa unahan nang matapos ay agad niyang pinaliwanag ang mga magiging requirements namin para sa sem na yun.

Nang matapos ay agad akong nag text kay Elli na hihintayin ko siya sa bench malapit sa main gate, medyo tago kasi dito kaya ito ang napili ko. Wala akong nagawa kundi ang maghintay kay Elli kahit pa pinapatawag na lahat ng freshmen sa gymnasium, balita ko'y kasama rin ang mga higher levels kaya kasama lahat ang buonh college department para sa orientation na gaganapin.

Pinagmamasdan ko ang bawat ekspresyon ng tao na nakikita ko habang nag hihintay. Hindi ko alam kung bakit natutuwa ako. Kasi para sa akin napaka swerte nila. They born without problems, meron man ay kaunti lang. I couldn't help but pity myself. Bigla lang nawala ang aking pag iisip ng may naramdaman kong may tumabi sa akin. Kunot noo ko itong tiningnan at nakita kong naka mask na lalaki ito.

Pero ng makita ko ang kaniyang abong mga mata at pamilyar na pigura ay nakilala ko kaagad siya.

"Waiting someone?" He asked playfully. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing nagsasalita siya ay para bang nagbibiro pa rin siya.

"Oo." Maikli kong sagot. Pinakita ko sa kaniya na tamad akong magsalita. Bakit ba nandito ang lalaking ito? At bakit siya naka mask? Ano yun outfit? Tss.

"Ang sakit ng sampal mo grabe! Nag martial arts ka ba?" Natatawa niyang tanong. Halos mapairap ako.

"Oo." Seryoso ko pa ring sinabi. Bakit ba wala pa rin ngayon si Elli?!

"Seriously?!" Ngayon mukha siyang gulat. Tumayo pa siya sa harapan ko dahil hindi ko siya tinitingnan. Kumunot ang noo ko. What is his problem?! Ano bang trip niya?! Gwapo sana eh mukha lang nakulangan sa aruga kaya ngayon mukhang timang. Napailing ako.

"Oo." Walang emosyon kong sinabi. Lumapit siya sa akin at hindi ako natinag kahit pa sobra sobra na ang tahip ng pagtibok ng aking puso. Tiningnan ko siya at mukha na siyang iritado.

"What's with your mouth?! Wala ba yang alam na salita kundi Oo? Nakakapagsalita ka naman kanina ah?!" Kahit iritado ay may ngisi pa rin sa labi. He have tha characteristics of a qualified and certified playboy aura! Pasadong pasado!

"Oo?"

Ngayon nawala na ang kaniyang ngisi, galit na talaga siya sa ginagawa ko. Napatingin ako kay Elli na ngayon ay papalapit na. Tumayo ako kaya biglang napaatras yung lalaki.

"Tara na!" Sabi ko kay Elli at nilampasan ang lalaki.

Agad akong tinanong ni Elli.

"Sino yun?" She asked.

"Wala." I said while seriously looking to our pathway.

"Ngayon ko lang ikaw nakitang may kausap na lalaki at ganun kalapit.." she said.

Umiling na lang ako sa sinabi niya. Hindi ko rin maintindihan. Noong una ko siyang nakita kanina nagkaroon ako ng takot pero hindi ko alam kung bakit bigla yung nawala ng masulyapan ko ang kaniyang mata. There's something in his eyes that's comforting. I don't know what I'm thinking but I am slowly asking myself.

Nang makarating sa gym ay maingay na ang mga estudyante. At katulad ng mga nangyayari sa mga orientation, ipinaliwanag lang ang mga rules at regulation, nalaman ko rin na may rules dito na bawal lumabas ang lahat ng nangyayari sa isang sikat daw na banda dahil umiiwas sa maraming issue.

Maya maya lang ay nabigla ako ng tumayo sa unahan ang makisig na lalaki, gwapo at mapungay ang mata. Naghiyawan at tilian ang mga kababaihan, syempre pinaka malakas ang sa mga bakla.

"Quiet students!" Saway ng Dean sa mga estudyante bago magsalita yung lalaki. Ngumiti yung lalaki bago nagsalita.

"So I wanna introduce myself though I know you all knew me but for the sake of the freshmen my name is Aries Psalm Fredrickson."

Fredrickson? So he's the owner then?

Marami pa siyang sinabi tungkol sa school. Nagpasalamat pa siya. Ang mga babae naman ay parang sinisilihan ang pwet sa kanilang upuan dahil sa kagustuhang makita si Aries.

"My friends, band mates are also here to stand in front of you."

Mas nagtilihan ang mga babae ng pumunta sa stage ang apat na lalaki pero nangunot ang noo ko ng makita ko ang pamilyar na lalaki. At unti unting nanlaki ang mata ko ng makilala! The gray eyes man!

Kasali siya sa banda?! At...isa siya sa may ari sa school!?

Kung ganun hindi pala basta basta ang lalaking yun.

"I'm Leo David Gardner, nice to meet you all." Pakilala ng isang lalaki. They all have the foreign features. Lahat sila ay gwapo at talaga namang hahangaan ng lahat.

"I'm Orion Hunter MacHale." Seryoso naman itong lalaking ito, he has a blue eyes at kapansin pansin ang gwapo nitong mukha.

"Perseus Samuel Williams, the most handsome of all." Lahat ay tumili sa lalaking yun. Natawa ako dahil totoo naman ang sinabi nung lalaki. Maya maya pa'y yung lalaking may abong mga mata na ang mag papakilala. At hindi ko alam kung guni guni ko ba o talagang tumingin siya sa direksyon ko?

"I'm Hercules Noah Campbell, every girls dream and fantasy.." his husky voice envelope the whole gym at isang malakas na tilian ang sumabog sa buong lugar.

To Break the Chains (TCB#5)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon