Kabanata 1

186 4 0
                                        

Journey

Everything in the past feels like dream. A bad dream. A nightmare. At hindi yun gugustuhin ng ibang malaman pa, at ayaw ko na ring ipaalam pa.

Elli guided me. Gamit ang mga papeles na hawak ko nagsimula akong muli sa bansa ni Elli. Philippines gives me hope, a hope for a new beginning. Maraming nangyari ay hindi naging madali sa akin ang bumangon. Dala dala ang sakit at pangungulila sa mga magulang ko ay kinaya kong magsimulang muli.

Iniwanan ko ang pagiging Precious Sky Echavaria, a heiress and beautiful lady from Spain, I am now Sky Valentino, a normal girl from Quezon Province kung saan naninirahan si Elli.

Malaki ang naging pasasalamat ko kay Elli dahil tinulungan niya ako sa lahat, maging ang pamilya niya tinuring rin akong pamilya maybe because naging mabuti rin ako kay Elli noon. Sobra ang pagpapasalamat ko sa kanila.

Pero hindi naging madali ang mga unang taon ko dito sa Pilipinas. Because of my fascinating beauty everyone looks at me with their sparkling eyes at alam kong delikado ito para sa sarili ko pati na rin kay Elli. Minsan nang ginulo si Elli ng mga kapitbahay mostly ay lalaki about sa akin kaya naman walang nagawa ang pamilya niya kundi ang lumipat kami sa Lucena City.

"Paumanhin Señorita sa nangyari.." malungkot niyang sinabi. Nakaharap ako ngayon sa salamin habang tinitingnan ang aking repleksyon.

"Elli don't call me señorita anymore. From now on I am a normal girl, Sky Valentino." I said seriously. Sa totoo lang isinusumpa ko na ang aking mukha, nagagalit ako. Dahil dito para akong nakakulong sa isang hawla walang mapuntahan at laging nagtatago. And I hate it. Pati ang mga mahal ko sa buhay ay nadadamay!

"Meron akong naisip actually." Sabi ko. Nakita ko ang gulat sa kaniyang mata ng marinig niya akong gamitin ang kanilang wika. I smiled. Hindi man sa nagmamalaki but I am very intelligent when it comes to language and academics.

"A-Ano yun kung ganoon?" she asked.

"I will disguise myself. To hide my golden hair I need to dye it, for my green eyes I need to wear contact lenses, maybe in that way the danger would be lessened." I said. Umiling agad si Elli kaya kumunot ang noo ko.

"Pero...di ba iniingatan ng Mamà mo ang buhok mo?" She asked.

Bigla akong nalungkot ng maalala ang aking ina. It hurts so much whenever I think of them. Para bang tinutusok pa rin ng maraming karayom ang puso ko habang inaalala ang malagim na nangyari sa mga magulang ko.

"Siguro...mag wig ka na lang kasi alam ko kung gaano kahalaga sayo ang ina mo, sa mata mo naman ay mag eye glasses ka na lang. Hindi ka gaanong mapapansin kapag ganun." She suggested.

Nahimasmasan ako sa sinabi niya. At medyo nakahinga rin ako ng malalim. Siguro nga ay mas tama si Elli. Hindi ko na kailangan baguhin ng sobra ang buhok ko dahil pwede naman itong itago. Bumuntong hininga ako habang iniisip kung paano gagalaw ang makikihalubilo sa mga Pilipino. Naalala ko noon ang mga katulog sa amin ay mga Pinoy kaya medyo may alam ako sa kultura nila pero mahirap pala kapag nasa mismong bansa ka na nila. But I admire their hospitality, they are kind and thoughtful.

And in that very moment my life change. I always put a black wig with a bangs on my hair and also a thick eye glasses whenever we go to school with Elli. And I can say it's effective! Nobody notices me! At kakaiba sa pakiramdam na hindi ka agaw pansin. My skin is always porcelain and very soft kaya naman pinipilit kong magpa tan at sinusubukan ang mag part time job lalo na ang tumuntong ako ng Senior high School dahil ayaw ko namang magpabigat pa sa pamilya ni Elli.

Elli says that I don't have to do that but I insist and also I want to learn things, to be independent.

"Ang kinis kinis mo talaga Sky!" Puna sa akin ni Cess, katrabaho ko sa aking part time job sa isang boutique. Ngumiti na lang ako at bahagyang inayos ang eye glasses ko.

"Namana ko yata sa mama ko." Sagot ko na lang. Ngumiti siya sa akin at tinitigang mabuti ang aking mata sa kabila ng aking makapal na salamin, kinabahan ako. Hindi ito ang unang beses na napupuna ang aking magandang kutis kaya nga gusto kong magpa tan kaso lang hindi ko yun naaachieve.

"Wow! Feeling ko kung mag aayos ka lang ng sarili mo sobrang ganda mo ano?" Namamangha niyang sinabi. Umiling na lang ako at natawa at umiwas na sa usapan. When it comes to this I always feel so nervous because my beauty isn't ordinary and it scares me a lot.

Sa totoo lang habang tumatagal mas naging maayos ang buhay ko dito sa Pilipinas, bagama't tago ang tunay kong pagkatao mas komportable ako doon, hindi na rin ako nag abala pa na usisain pa ang mga nangyari sa mga magulang ko dahil ayaw ko ng balikan ang pait ng nakaraan. I want to move on and live normally like what my parents wanted.

At tuwing ipipikit ko ang aking mga mata sa gabi upang matulog I always cry because I always see my parents when I closed my eyes. Kahit matagal na hindi ko pa rin maiwasang masaktan. Hindi ko na yata kakayaning bumalik sa España, dahil pakiramdam ko ang pagbalik dito ay isa ng kahibangan.

Nagising ako dahil sa malakas na boses ni Elli sa labas ng kwarto. Medyo puyat ako dahil nagkaroon ng kaunting salo salo sa kahapon dahil grumaduate na kami ni Elli sa Senior high, I am the Suma cum laude and Elli is the Magna and Nanay Elma is very happy for the both of us, nanay Elma is Elli's mother na itinuring ko na ring magulang.

Mabilis kong kinuha ang aking wig at maayos itong isinuot sa akin I also wear my eye glasses.

"Anong nangyayari?" I asked Elli. Nakita ko siyang malaki ang ngiti sa labi habang hawak hawak ang isang envelope. Si Nanay Elma ay malaki din ang ngiti.

"Nakatanggap tayo ng Scholarship sa Fredrickson College University!" maligayang maligaya ang pagkakasabi ni Elli. Nanlaki ang mata ko dahil sa kasiyahan! It's Elli's dream school! At hindi ko akalain makakatanggap kami ng scholarship!

Napag usapan kasi namin ni Elli na dito mag college dahil ito ang gusto niyang school, ako naman ay ayos lang kahit saan basta maligaya si Elli ay doon na rin ako. Kaya naman nag apply kami sa scholarship dito at tanggap kami! Ang kaso lang ay kailangan naming mag dorm dahil sa Manila ito!

"That's good!" I said excitedly. Agad namang sumimangot sa akin si Elli, si Nanay Elma naman ay napangiti sa reaksyon ni Elli,

"Sky kailangan mo ng tigilan ang magsalita ng ingles." Puna ni Elli. Agad naman akong tumango. Madalas niya akong pinagsasabihan na wag ng magsalita ng ingles dahil halatang halata daw ang accent ko at dito raw mag sisimula ang maraming tanong mula sa mga tao sa paligid ko. Mas mabuti na raw ang tagalog dahil wala akong accent dito at mas lalo raw na wag akong gumamit ng Spanish language dahil mas lalong malilintekan.

Ayaw ko naman talagang gamitin ang orihinal kong linggawahe na Español. I hate it!

"Alam ko Elli wag kang mag alala!" Sabi ko habang natatawa.

Parehas kaming tuwang tuwa habang pinag uusapan ang plano namin patungo sa Manila para makapag enrol na sa enrolment.

Elli wanted to pursue Nursing, ako naman ay Med Tech, I want to be a doctor someday.

Napangiti ako habang iniimagine ang mga gusto kong mangyari sa future.

"Elli..salamat." usal ko habang nakaupo kami sa bus. Ngayon na ang araw para pumunta kaming Manila, maghahanap kaming dorm dahil sa darating na lunes na ang pasukan.

"Para saan?" She asked while looking at me.

"For helping me to have a normal life. You're my saviour Elli." I said never minding the english words I uttered. I cannot help to speak that way, maybe it's in me, and it will never erase that easily.

"Pamilya tayo Precious.." nangilid ang luha ko sa binanggit niyang pangalan. Everyone called me Sky. At ngayong narinig ko ulit ito kay Elli ay para bang pinaaalala sa akin nito kung sino ako dati. Pero sa pagkakataong ito ay para bang natanggap ko na kung ano ako ngayon.

"Thank you." I said.

Bumaling ako sa bintana ng bus at inayos ang wig kong buhok, inayos ko rin ang aking bangs at ang aking salamin atsaka huminga ng malalim.

It will be all worth it. Mamà....Papà...this is all for the both of you. I live for the both of you. And I will continue this journey for the both of you.

To Break the Chains (TCB#5)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon