Kabanata 23

99 4 0
                                    

Honey

Halos manghina ako ng humiwalay ang labi niya sa akin. Nagkatinginan kami at nakita ko ang kaniyang seryosong mukha. My heart pounded so fast, my knees trembled and my system get haywire.

"Let's go." He said before he dragged me outside the room. Lutang pa ako habang mabilis kaming naglalakad sa pathway. Ilang beses na kaming naghalikan pero hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay nasisindak ako.

Nagulat na lang ako ng lumabas kami ng school. Hindi pa tapos ang klase ah!

"W-Wait! H-Hercules!" Sigaw ko at pilit na inalis ang kamay sa kaniyang hawak. Napatingin siya sa akin.

"Saan mo ba ako dadalhin?!" Kinakabahan kong tanong. Bumuntong hininga siya at humarap sa akin.

"Sa labas tayo kakain." He said. Kumunot naman ang noo ko.

"We can just eat in the cafeteria." I said, ngayong alam naman pala niya ang katauhan ko hindi ko na kailangang magtago sa kaniya.

"At makakasabay mo yung Elton na yun? It's a freaking no Sky, ako lang ang pwede mong makasabay." Sabi niya at hinigit ako patungo sa sasakyan niya.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya o ano. I know Hercules is possessive and very jealous man, napansin ko sa kaniya ito habang magkasama kami.

Tahimik na lang akong sumabay sa kaniya. Nag seat belt ako at hinayaan siyang magdrive kung saan. Alam kong hindi pa maayos ang lahat. Hercules family is in danger. And in a span of one week I need to leave. Kailangan kong lumayo sa kaniya. I don't know if it is a play of games or what but even in a different circumstances we're always forbidden.

And I feel so mad at myself. I always hurt Hercules. He's in pain because of me. Hindi ko alam kung makakaya ko bang mawala siya sa buhay ko. Pero kung para sa kaniyang ikabubuti kaya kong lumayo at harapin ang lahat ng mag isa.

Kumain kami sa restaurant ng mommy niya. We're silent the whole time, kakaiba sa mga dati naming pagkain sa labas. He never run out of topic, ngayon lang. He's mad at me because he thought I'll choose other boys over him. Pero ang totoo siya lang naman talaga, I was so jealous and angry that time kaya ko yun nasabi.

Bakit siya? May Bernadette siya di ba?! He started it first! Gusto kong magalit na naman sa kaniya pero...Precious Sky you only have one week to be with him kaya wag mo na itong sayangin.

Nang matapos kumain ay dinala niya ako sa isang mall, naka mask siya habang hinahayaan niya akong mamili sa mga boutique. Hindi ko alam kung anong trip niya ngayon at ganito siya. I thought he's mad?

"Hindi ko kailangan ng mga bagong damit Hercules." Sabi ko habang nakaharap kami sa mga damit at inuutusan niya akong mamili ng gusto ko, namulsa siya sa harap ko at tiningnan ako.

"Ako ang masusunod ngayon Sky. You will do what I want. Remember I'm not just a random guy here, I'm your fiancee." He said. Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Seriously? Hindi pa nga kami kasal ay ganito na siya?! At kasal? Damn it! Hindi ko nga alam kung mangyayari pa yun eh!

"Fine!" Padabog kong sinabi at mabilis na namili ng dami na gusto ko. Nang matapos kami ay halos madilim na ang kalangitan sa labas. Hindi na kami nakapasok sa school dahil sa katigasan ng ulo ni Hercules!

Nang sumakay na kami sa kaniyang sasakyan ay napabaling ako sa kaniya. At nanlaki ang mata ko ng makitang nadugo ang tabi ng kaniyang labi!

"Hercules your bleeding!" Gulat kong sinabi. Hindi ba siya nagpatingin? Alam kong hindi naman sanay si Elton sa pagsuntok pero nasuntok pa rin siya!

"Shit!" Sabi niya at mabilis na pinalis ang kaniyang dugo. I bit my lower lip, he's driving towards my dorm pero hindi ko siya kayang iwanan ng ganito!

To Break the Chains (TCB#5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon