Kabanata 20

91 4 0
                                    

Father's friend

Mahirap pala talagang takbuhan ang bagay na gustong gusto mo. Mahirap iwasan ang mga bagay na nakakapagpasaya sayo. At ngayon ito ang nangyayari sa akin. Pilit ko mang iwasan pero sa huli ako pa rin ang nasasaktan.

"Matagal ko ng gustong sabihin sayo ito.." Elton said in a concerned tone. Nasa loob pa rin kami ng campus pero hindi ko na alam kung saang part ito. Ito siguro ang area ng mga junior high school. I dried up my tears on my cheeks. Hindi ko na alam kung nasaan si Elli hinayaan ko na lang na hilahin ako ni Elton kung saan.

"Ano yun?" I asked.

"It's about Hercules and Bernadette history." He said. Tumungo ako sa sinabi niya. Sa totoo lang wala na akong pakielam kung ano ba talaga ang naging istorya nila ni Bernadette. Ayaw ko na sanang malaman pero ngayong sinasabi ito ni Elton ay hindi ko na alam kung masisikmura ko pa ba ito.

"They are in a relationship for about...three years when they are in a junior high. All the students in FCU knows it. Bernadette Cruz was just like you...with an eye glasses and hair like that Hercules fell for her. But unfortunately her love for Hercules made her change. She change her styles and became a model. Hercules doesn't like it. And it was the reason why they broke up. It was a headline, everyone didn't believe it because Hercules was so in love with her."

Hindi ko alam kung mas masasaktan ba ako o ano. Anong ibig niyang sabihin? Hercules came to me because he saw me as Bernadette Cruz? Na isa nga lang akong rebound dahil halos parehas kami ng characteristic nung babaeng yun? Kaya ba noong una pa lang kaming nagkita ay madalas na niya akong sundan at kulitin? Yun ay dahil nagpapaalala ako sa ex niyang si Bernadette?

That's very bullshit! Hindi ko akalaing maloloko ako ng gagong yun?! Damn it!

Alam kong gago siya pero hindi ko akalaing ganito na siya kalala? How dare him made me his rebound?!

"I'm sorry Sky." Elton said when he saw my tears. Pumikit ako ng mariin dahil sa galit na nararamdaman. Galit para sa aking sarili dahil nagpaloko ako. Hinayaan kong yakapin ako ni Elton, doon ako umiyak sa dibdib niya. Kahit papaano ay naging maayos ang pakiramdam ko.

Pero isang malakas na pwersa ang naging dahilan ng pagkakalagapak ni Elton sa sahig kaya napahiwalay ako sa kaniya. Nanlaki ang mata ko ng makita kong sinuntok siya ni Hercules!

"Hercules!" Gulantang kong tawag sa kaniyang pangalan. Bumaba ang tingin ko kay Elton na may dugo sa labi. Kaba ang naramdaman ko lalo na ng makita ko ang galit sa mukha ni Hercules.

"You bastard!" Sigaw ni Elton kay Hercules at sinugod niya ito ng suntok but Hercules is way stronger than him kaya si Elton ang bumulagta sa sahig at doon nagpambuno ang dalawa.

"Elton! Hercules!" Sigaw ko para mapigilan sila. Hindi ko na alam ang gagawin!

Bakit bigla na lang sumugod si Hercules? Anong problema niya?!

"Fuck you!" Sigaw ni Hercules ng makaisa si Elton ng suntok sa kaniya. Nanlaki ang mata ko ng mas sinuntok pa ni Hercules si Elton. Takot ang gumambala sa puso ko! Shit! Baka mapahamak si Elton!

"Hercules ano ba!" Sigaw ko at pilit kong pinatigil si Hercules pero sadyang galit na galit siya kaya mas lalo niya pang sinunggaban si Elton! Si Elton naman ay pilit ding lumalaban! Damn! Hindi sanay si Elton sa ganito!

Hindi ko na alam ang gagawin hanggang sa dumating sina Aries at Leo para patigilin si Hercules.

"Hercules stop it!" Leo shouted. Inayos ko ang aking salamin at agad tumakbo kay Elton para gabayan ito sa pagtayo. Nag aalala ako sa itsura niya dahil marami siyang sugat sa mukha! Galit akong humarap kay Hercules na ngayon ay may dugo din sa labi, his anger is still there. Hindi ito natutupok.

"Ano bang problema mo?! Bakit bigla ka na lang sumusugod dito ha!" Sigaw ko sa galit. Nakita ko ang pagdating ni Perseus at Orion kasama si Bernadette na mukhang gulat sa mga nangyayari. Humakbang si Hercules patungo sa akin pero agad siyang pinigilan ni Aries at Leo.

"Ikaw ang problema ko! We're not done with our deal but you already have someone else!?" Sigaw niya rin. Nawala na ang Hercules na kilala ko bilang patawa at madaldal, all I can see in his eyes are anger and something else. Is it jealousy?

Lalong nag init ang ulo ko ng makita kong lumapit si Bernadette sa kaniya at hinawakan ang kaniyang braso. Ako? May someone else? Eh anong tawag sa kaniya? Damn him! Siya itong may someone else at mukhang niloko ako siya pa ang galit?! Aba ang kapal naman ng mukha niya?!

"Ha! Talaga? Bakit hindi mo tingnan ang sarili mo? I'm not a playgirl as you are! You are a damn playboy so don't accused me of your wrong doings!" Hindi ko na mapigilan ang pagsigaw sa lenggawahe na iniiwasan ko.

Madilim na ang titig sa akin ni Hercules pero sina Aries, Leo, Orion, Perseus at Bernadette ay nakatingin na sa akin gamit ang kanilang kuryusong mga mata. Marahil ay narinig nila ang kakaibang accent sa aking mga salita. Pero ng ibalik ko ang tingin kay Hercules ay ganun pa rin ang kaniyang mata, na para bang walang nakakagulat sa mga narinig niya.

"Umalis ka na Hercules dahil hinding hindi mo ako maloloko!" Pahabol ko at bumaling na kay Elton para alalayan ito patungong clinic.

"Hercules!" Narinig kong tawag nina Aries sa kaibigan nila, yun pala ay nasa likod ko na para hilahin ako pabalik. Nabitawan ko si Elton at napaharap muli kay Hercules, he's holding my arm tightly, nag angat ako ng tingin sa kaniya at nakita ko ang sakit doon, nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib. Sumusungaw na ang luha sa tabi ng aking mga mata.

"Tell me...do you like that boy over me?" He asked painfully. Hindi ko maintindihan kung bakit tinatanong niya ito. Niloko niya lang ako di ba? Nandito na si Bernadette sa tabi niya kaya...bakit nagtatanong pa rin siya ng ganiyan?

"I..will always...choose other boys over you!" Mariin kong sinabi at tinulak ko siya sa kaniyang dibdib at humarap muli kay Elton ng mabitawan ako ni Hercules.

"Sky.." Elton whispered when he saw my tears.

Nang makarating kami sa clinic ay agad inasikaso si Elton ng mga nurse ako naman ay tulalang binabalikan ang mga pangyayari kanina. Natigilan lang ako ng makita ko si Elli na humahangos na pumasok sa clinic.

"Anong nangyari Sky?" Elli asked. Hindi ako nakapagsalita. Elli sit beside me.

"Sorry Elli but...I wanna leave this school.." i said. Nakita ko ang pag aalala sa kaniyang mukha.

"I know how much you love to study in this school and I will not ask you to come with me but I want to leave and start all over again in the other school." I said.

Niyakap ako ni Elli.

"Hindi mo na kailangang lumipat ng school Sky. Aalis ka talaga." Elli said in a shaking voice.

"Kailangan mong bumalik sa Madrid Sky..." she said. Nanlaki ang mata ko.

What?! A-Anong ibig sabihin nun? She looked at me with her worried eyes.

"May kailangan kang kausapin...nasa dorm natin siya."

Natulala ako sa sinabi niya.

"Wh-Who is it?" I asked nervously.

"It's your father's friend." She said.

To Break the Chains (TCB#5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon