Kabanata 14

90 5 0
                                    

Mercy

Halos hindi ko na alam kung anong dinadaanan ko dahil sa paglipad ng utak ko. Sa mga sinabi ng librarian, sa damdamin ko para kay Hercules. Bumuntong hininga ako at wala sa sariling umupo sa bench. Iniintay ko na lang kasi si Elli, tapos na ang klase namin.

"Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah!" Natigil ang aking pag iisip ng umupo sa tabi ko si Elton. Ngumiti ako sa kaniya.

"Wala naman.." sabi ko. Inayos ko ang aking salamin bago bumaling kay Elton na nakatitig sa akin.

"May pinapasabi si Elli..." he said. Kumunot ang noo ko.

"Ano yun?" I asked immediately.

"Ang sabi niya may group meeting siya kaya...medyo matatagalan siya.." tumango ako sa sinabi niya. May isang oras pa naman bago ang trabaho kaya ayos lang.

"Ayos lang, may oras pa naman." Sabi ko. Nag iwas ako ng tingin sa kaniya, Hercules is jealous with him, hindi ko alam ko matatawa ba ako sa isipang yun o gagawin ko lang biro yun. Elton is just a friend, he's kind and good to me.

"K-Kung gusto mo...sasamahan na kita sa pag iintay." He suggested. Napatingin akong muli sa kaniyang mukha, ngayon ay namumula na siya at mukhang nahihiya.

"Ayos lang Elton, kaya ko namang mag isa.." sabi ko para makaalis na siya. Ayaw ko rin namang makaabala sa kaniya. I can manage myself.

"P-Pero-"

"You don't have to accompany her, I will." Isang pamilyar at baritonong boses ang narinig namin. And when I looked at him I saw Hercules with his clenching jaw. Kinabahan na naman ako. Hindi ko alam kung bakit naghuhurumentado talaga ako kapag kasama ko siya.

"S-Sige...Sky...a-alis na ako." Mabilis na sinabi ni Elton bago umalis. Kunot noo ko siyang tiningnan habang naglalakad palayo. Hindi ko na napansin ang pag upo ni Hercules sa aking tabi. My heart beat so fast. At katulad ng inaasahan nakita ko ang maraming pagsulyap sa amin ng mga estudyante marahil ay nagtataka kung bakit kami magkasama sa isang bench!

"Maraming makakakita sa atin Hercules." I try so hard to whispered.

"So what? Is that what you afraid of?" He asked sarcastically. I bit my lower lip, this man is really mad, damn!

"Ano ba Hercules?" Hindi ko na mapigilan ang magtaas ng boses sa kaniya. Wala akong panahon sa katigasan ng ulo niya, marami akong iniisip at naguguluhan na ako!

Halos mapatalon ako ng lumingon siya sa akin na may galit sa mga mata.

"Akala ko ba nagkaintindihan na tayo?" I asked almost pleading. I want him to realize that he needs to stop!

"I will never understand you Sky." He said with a gritted teeth. Bumuntong hininga ako.

"I'm not a good guy like you wanted but I am trying hard to be, pero ang hirap pala kung ayaw mong maniwala." He said before he stand and left me.

Para akong sinaksak sa mga sinabi niya. Nanghina ako. His eyes was soft and tender, I almost saw how he begged. Pero ano bang dapat kong gawin? Hindi naman kasi talaga madali. I like Hercules but I have other things to do! Would he realize that?

Kaya naman wala ako sa sarili habang nagtatrabaho, hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Wala na akong maintindihan sa sarili ko. Pero totoo ba ang lahat ng ito? Hindi ba ako naloloko? Parang ang hirap paniwalaan dahil nagsimula ito sa mabilis na paraan. Hindi kaya nagkakamali lang si Hercules? Hindi kaya nagkakamali lang ako?

Nang dumating ang alas otso ng gabi ay ni lock na namin ni Elli ang restaurant, pero bago kami makakakuha ng tricycle ay may tumigil na kulay itim na kotse sa aming harapan. Kitang kita dito ang karangyaan,

To Break the Chains (TCB#5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon