Kabanata 40

196 6 0
                                        

New more things

"Mommy!" Nagising ako sa maliit na tinig na yun. At dahil kilalang kilala ko ang boses na yun ay agad akong napaupo sa kinahihigaan ko.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko dahil nasa harapan ko ngayon si Noah!

"Noah.." nanginig ang boses ko at agad ko siyang hinagilap upang mahagkan. Mahigpit ko siyang niyakap. Damn! Takot na takot ako kagabi! Akala ko may nangyari na sa kaniyang masama!

"Mommy are you fine?" He asked. Pinakawalan ko siya sa yakap at agad hinawakan sa balikat. Tinitigan ko ang mukha niya kung may sugat ba sya o ano.

"Saan ka ba nanggaling?! I was so worried about you!" I said a bit frustrated! He pouted at my reaction.

"I was just strolling around mommy! And then I saw a truck with fire!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Damn!

"N-Nasaktan ka ba?" Nag aalala kong tanong. Mabilis siyang umiling.

"No mommy! Because daddy was there!" Nagulantang ako sa sinabi niya. Napatitig ako sa kaniya ng matagal. Unti unting kumabog ang puso ko.

Daddy?

Noah doesn't knew Hercules face kaya paano niya malalaman? Kumunot ang noo ko. Baka naman nagloloko lang itong si Noah.

"Are you making funny to mommy?" I asked a bit nervous. Sumimangot si Noah.

"No mommy! Actually we're here in his condo!"

Halos mabilaukan ako sa sinabi ni Noah. Then biglang nag flash back sa akin ang nangyari kagabi! I fell asleep in Hercules door!

Nilibot ko ang aking paningin sa buong kwarto at halos malaglag ang puso ko sa nakita. It's Hercules room!

Damn!

Bumaba ang tingin ko kay Noah na ngayon ay nakasimangot dahil hindi ko pinaniniwalaan ang sinabi niya.

Nalaman na ba ni Hercules? Paanong nakita ni Noah si Hercules? Anong nangyari? Bakit...parang....ang gulo?!

Magsasalita na sana ako kay Noah ng bigla na lamang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Hercules. Parang lumabas ata ang puso ko sa pagkakataong ito. Sa sobrang kaba ko ay daig ko pa ang aatakihin!

"Daddy!" Hiyaw ni Noah na para bang tuwang tuwa sa kaniyang ama. Kinagat ko ang pang ibabang labi at iniiwas kay Hercules ang mata dahil kitang kita ko doon ang dilim.

I sighed heavily when I heard his step towards us.

"Daddy, Mommy is now awake!" Noah said excitedly. Kumunot ang noo ko. How did Noah found Hercules?

Napalunok ako ng umupo sa kama si Hercules, I tried to glance at him but he's looking at me intently. Tiningnan ko naman ang aking anak dahil alam ko na ang mangyayari. Hercules and I need to talk. Kahapon ko pa dapat ito sasabihin pero mukhang ako pa ang nahuli sa balita.

"A-Ah...N-Noah...di ba...ngayong oras na yung paborito mong cartoon sa tv. You should watch it na." Sabi ko para umalis si Noah sa kwarto at para makapag usap kami ni Hercules.

Damang dama ko naman ang matatalim na tingin ni Hercules.

"Okay mommy!" Noah said in a very energetic voice before he jump out in the bed. Napatili pa ako dahil sa ginawa ng anak. Hercules immediately held Noah's hand.

"Anak! Don't do that again!" I warned him. Si Noah naman ay mabilis ng tumakbo palabas para hindi na marinig ang mga sasabihin ko.

Napabuntong hininga ako at napatingin kay Hercules na nasa harapan ko.

To Break the Chains (TCB#5)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon