Kabanata 21

90 3 0
                                    

Campbell

Hindi ako makapaniwala sa narinig. Kahit kailanman ay hindi ko alam na may Pilipinong kaibigan si Papà at Mamà. I have so many things I don't know and I need to figure out. This is something I need to know.

"Nasaan si Elton?" Elli asked. Bumuntong hininga ako.

"Ginagamot pa ng mga nurse." Sagot ko sa mahinang boses. Nanghihina ako sa mga naiisip. Una ang kaguluhan kanina between Hercules and Elton and now my father's friend. Damn! Why do I have a messed up life?!

"Nakita ko kanina si Hercules bago ako pumunta dito sa clinic, may sugat at pasa din siya. Hindi ko akalain na aabot sa ganito." Elli said in a worried tone. Bumuntong hininga ako. Hindi ko rin akalain. Nasasaktan ako sa mga nangyayari. Nasasaktan ako sa mga nalaman ko kay Hercules pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kailangan niya pang saktan si Elton. Is he jealous? He accused me of having someone else pero hindi niya ba nakikita na siya itong meron ng iba?

Or is it just his ego? Hindi siya makapaniwala na mabilis ko siyang mapapaltan kahit naman ito totoo.

"After this, I need to talk to my father's friend." I said. Elli nodded.

"Sige." She answered.

Nang matapos ang mga nurse ay lumapit agad kami ni Elli kay Elton. Nakaupo siya sa kama at agad tumama ang tingin sa akin.

"I'm sorry Sky-"

"Hindi Elton, ako dapat ang humingi ng tawad, nadamay ka pa sa gulo." I cut him off. Nakita ko ang malungkot niyang mata. He has a little cut on his side of his lips may bandage din siya sa kaniyang noo. Bumuntong hininga ako habang pinagmamasdan ang kaniyang mukha.

"Sorry Elton.." i said sincerely. Tumango siya.

"Ayos lang. But I guess you need to talk to Hercules. I know he's just jealous kaya niya nagawa yun. I guess...the playboy of the year has change." He said now a bit playfully. My eyes narrowed at his statement.

"Ego niya lang ang nasaktan Elton, kaya siya ganun kagalit-"

"I think you're not just a rebound. There is something he likes about you. I saw it when he punched me. I saw it personally." He cut me off.

Doon ako natahimik. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kirot. Nalungkot sa katotohanan na baka totoo ang nararamdaman sa akin ni Hercules na baka totoo ang lahat ng ito. Pero para saan pa gayong aalis din naman ako? I have other plans. Mas importante pa dito. Mas importante ang hustisya sa mga magulang ko kaysa sa namumuong damdamin sa puso ko.

"Susubukan ko Elton." I assured him.

Nang dumating na ang sundo ni Elton ay napagdesisyonan namin ni Elli na umabsent muna sa trabaho dahil kakausapin ko pa yung kaibigan daw ni Papà.

Nag iintay daw ito sa dormitory namin. Nang makarating kami ay nakita ko ang isang matandang lalaki na nakaupo sa couch ng living room. Nang lumingon siya sa aming pagdating ay agad kong nakita ang kaniyang mukha. He's old. Moreno and a little bit intimidating. Para bang may sinasabi siya sa buhay. Tumayo siya ng makalapit na kami ni Elli. Sumulyap ako sa kasama biyang binata na palagay ko ay kasing edad ko lang. May pagkakahawig ito sa matanda.

"Good evening Precious Sky...it's nice to finally meet you." The old man greet. Tinanggap ko ang kamay niyang nakalahad. He called me in my full name. Si Elli lang ang tumatawag sa akin ng ganiyan pero ngayong may iba na, kakaiba pala sa pakiramdam.

Nang maghiwalay ang kamay namin ay ngumiti siya sa akin, I smiled a bit bit it's short live. I couldn't give him my trust. Kailangan kong mag ingat.

To Break the Chains (TCB#5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon