Kabanata 9

91 4 0
                                    

Plan

Nang magising ako sa umaga ay isang note na lang mula may Elli ang nakita ko dahil nakaalis na siya. Mukhang seryoso itong si Elli sa group meeting nila ah.

Napag desisyonan kong maglinis ng buong kwarto namin. Tinali ko ang aking buhok at inalis ko ang aking salamin para maging maayos ang aking paglilinis. Marami akong nakitang kalat at kulang na gamit sa kwarto kaya naman medyo natagalan ako sa paglilinis. Nang matapos ay tagaktak ang aking pawis lalo na dahil medyo makati ang wig na suot ko at ang bangs sa aking noo. Kahit matagal ng ganito ang ayos ko ay hindi pa rin ako nasasanay!

Pinagmasdan ko ang aking ayos sa salamin, ang aking buhok na wig ay magulo pati ang bangs! My white spaghetti strap are now full of sweat! Madumi na rin ang suot kong short! Bumuntong hininga ako at nagdecide na maligo na para maglinis ng sarili.

Nang matapos ay pinili ko ang isang black shirt na medyo hapit sa aking katawan, isang jeans at pinaresan ko ito ng aking sneakers. Inayos ko sa salamin ang aking buhok at salamin, napanguso tuloy ako sa itsura ko, I look like a nerd! My white skin is very highlighted because of my black shirt.

Kinuha ko ang aking wallet at cellphone para makaalis na. Nagpara ako sa isang tricycle patungo sa pinakamalapit na mall. Binuksan ko ang aking cellphone at hindi ko inasahan ang maraming text ni Hercules!

Hercules:
Good morning! What's your plan for today?

Hercules:
Hey!

Hercules:
What are you doing?

Hercules:
Damn it Sky! Why are you not texting back?!

Hercules:
Nawala lang ako ng isang araw snob ka na?

Kumunot ang noo ko sa mga text niya? The hell?! Bakit ang drama naman yata ni Hercules? Seriously?

Halos mapairap ako habang tinurn off ko ang aking cellphone.

"Bayad po." abot ko sa bayad ko sa driver ng makarating na kaming mall.

Naglakad na ako papasok at agad pumasok sa supermarket. Kinuha ko ang isang cart at tinulak na yun sa vegetable area.

"So it's your plan for today." Isang pamilyar na boses ang narinig ko sa aking likod. Kinabahan agad ako kaya agad akong lumingon and there I saw Hercules wearing a black mask and bull cap in his head, and he's so handsome with his blue long sleeve shirt and a maong pants with his top sider. Para matakpan ang kaba ay umirap na lang ako sa kaniya.

Damn! Paano niya nalaman na nandito ako?

Nagulat na lang ako ng inagaw niya sa akin ang cart at siya na ang nagtulak nun! Aba!

"Hoy! Akin na yang cart!" inis kong habol sa kaniya. At kahit mata lang ang nakikita ko sa kaniya ay kitang kita ko ang masama niyang tingin sa akin.

"I'll be the one who'll push it and if you refused tatanggalin ko ang bull cap na suot ko at ang mask na ito." He said in a dark tone. I rolled my eyes,

"Ano namang pake ko?" Mataray kong tanong.

"And I will kiss you here...and boom! Your face will be printed in the whole tabloid." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Bastos ka talaga!" Sabi ko at nilampasan siya. Pumunta ako sa meat section. Habang siya naman ay nakasunod lang sa akin. Nang kukuhain ko na ang isang karne ay bigla niya itong inagaw.

"It's not fresh Sky!" Saway niya. Kunot noo ko siyang tiningnan. What the?! Kinuha niya ang isang karne at yun ang nilagay sa cart.

"Tss. Marunong ka ba talagang mamili ha?" He asked mockingly. Tumaas ang kilay ko. Well, tama naman siya hindi ako magaling sa mga ganitong gawain. Kaya nga lagi kong kasama si Elli.

To Break the Chains (TCB#5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon