Kabanata 25

122 4 0
                                        

Forever be Promised

"Gusto ka ulit makausap ni Geodencio Castillo, Sky." Paalala sa akin ni Elli ng makarating ako sa dorm. Hinatid ako ni Hercules dito kahit gusto niya akong dalhin sa kaniyang condo unit pero tumanggi ako dahil sa text ni Elli na gusto nga akong kausapin ni Geodencio Castillo.

"Oo, saan ba niya gustong makipag usap?" I asked.

"Iintayin ka raw niya dito." Inabot niya sa akin ang isang papel. Tiningnan ko ito at tumango.

"Nagbigay na rin ako ng resignation letter mo sa Restaurant." Sabi pa ni Elli. Tumingin ako sa kaniya at niyakap.

"Salamat Elli." I said to my dear best friend.

"Wala yun." Nabasag ang kaniyang tinig. Naiiyak din ako kapag naalala kong maiiwan ko siya dito. Mamimiss ko talaga siya.

"S-Sige mauna na ako." Paalam ko at lumabas na. Nag para ako ng tricycle at sinabi kung saan ako pupunta. Bumuntong hininga ako ng makarating ako dito. Nagbayad ako sa driver bago pinagmasdan ang malaking mansion sa aking harapan. May mga security guards dito at kitang kita ang karangyaan.

Naalala ko tuloy ang mansion namin sa Spain. I sighed before I walk towards the gate.

"Sino po sila?" The security asked.

"Sky Valentino.." i said. Hinanap ng security ang pangalang yun sa kaniyang log book pero mukhang walang mahanap kaya nagsalita akong muli.

"Precious Sky Echavaria." I said once again.

"Ay pasok po Ma'am." Sabi niya ng mahanap ang pangalang yun. Pumasok ako sa malaking gate at may nag guide sa aking isang tao na maghahatid sa akin sa mismong mansion. The double doors of the mansion opened.

"Nasa office po si Don Geodencio." Sabi ng isang babae ba mukhang kasambahay ata sa mansion. Nang makarating kami dito ay agad itong bumukas. At doon nakita ko si Geodencio Castillo na nakaupo sa kaniyang swivel chair. He stand up and smiled at me widely.

"Upo ka hija." Sabi niya at inilahad ang upuan sa harap niya. Tumango ako at umupo doon. Sabay kaming naupo.

"Ano pong sasabihin niyo?" I asked.

"You need to pack your things right now." Nagulat at kinabahan ako sa sinabi niya.

"A-Ano? Pero hindi pa tapos ang isang linggo ko!" I said. Umiling ang matanda sa akin.

"My men spotted some Damian's people, and I bet those person are on the way to find you. Kaya kailangan mo ng umalis hangga't maaga pa. And also I bet hindi lang ikaw ang target niya, Campbell family is on his list too kaya nandito sila sa Pilipinas." Paliwanag niya.

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Ang kaba ko ay unti unting sumiklab. Nanginig ang kamay ko dahil sa kaba at takot.

"W-What?..." nanlumo ako sa lahat. Ibig sabihin nasa panganib ang buhay naming lahat! Tumayo ako at akmang aalis ng magsalita ang matanda.

"Hindi mo pwedeng lapitan si Hercules ngayon, pag ginawa mo ang iniisip mo ngayon mapapahamaka kayong dalawa-"

"Then tell me what I need to do! I want him safe! I want everyone to be safe!" Bumuhos ang mga luha ko ng humarap ako sa kaniya. Kumikirot ang dibdib ko sa halo halong emosyon. Sakit at takot. Takot para kay Hercules at para sa sarili ko. Sana lang ay wag madamay si Elli!

"Ako na ang bahala sa mga Campbell. I will make sure that they will be safe. Kailangan mong umalis ngayon din Precious Sky. Ako na ang bahala kay Hercules at sa pamilya niya." He said.

Damn! Wala akong nagawa kundi ang umiyak at maupo sa isang couch. Lumapit sa akin si Don Geodencio.

"I'm sorry hija. Matatapos din ang lahat ng ito." He assured me.

Dala dala ang sakit at sama ng loob sinunod ko ang gusto ni Don Geodencio Castillo. Kasama ko si Apollo Castillo na sumakay sa kanilang private airplane patungo sa Spain. Sa sobrang bilis ng pangyayari parang nasa isang panaginip lang ako. Parang kahapon lang ay masaya ako kay Hercules tapos ngayon biglang nawala ang lahat. Biglang bumagsak ang lahat.

Tahimik ako hanggang sa makarating sa mansion ng mga Castillo sa Spain. Tahimik din na nakasunod si Apollo sa akin. Nagkulong ako sa kwarto at doon umiyak mag isa.

Bumalik ang takot sa akin, takot na naranasan ko noong wala pa si Hercules sa buhay ko. Hindi ko akalain na si Hercules ang magpapalaya sa akin sa takot ko pero ngayong wala si Hercules sa tabi ko unti unting bumabagsak at namumuo ang takot ko.

"You need to eat Precious...magsisimula na ang pagdinig sa kaso next week, kailangan mong maging malakas." Apollo said while giving me the tray of foods. Hindi ko namalayan na dalawang linggo na akong nagmumok sa kwartong ito. Huminga ako ng malalim.

"Anong balita sa Pilipinas Apollo?" I asked for the first time. Huminga siya ng malalim at tinitigan ako ng mariin. I'm not wearing my disguised kaya kitang kita niya ang totoo kung mukha. Somehow I feel uncomfortable.

"Nahihirapan si lolo sa pagtatago sayo kay Hercules. Hercules is so determined to find you for those two weeks." He said. I bit my lower lip. Bigla ay nakaramdam ako ng sakit habang naiisip si Hercules.

"He's very mad at hindi ko alam kung anong kaya niyang gawin para hanapin ka. Pero alam mong delikado pa ang lahat. Kahit nakatakda kayo sa isa't isa hindi kayo pwedeng magsama hangga't hindi natatapos ang kaso ni Damian Fernandez. Lalo si lolo nag alala ng makitang puntirya talaga ng mga tauhan ni Damian ang fiancee mo! Ayaw ko sanang sabihin sayo ito pero muntikan ng maaksidente si Hercules."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. No! Hindi pwede!

"I-Is he okay?" Nag aalala kong tanong. Tumango siya. Doon ako nakahinga ng maluwag.

I need to be brave right now. For Hercules. For me. For my parents.

Saktong araw ng hearing ay dumating sa mansion si Don Geodencio. Nakabihis na ako para mag salita at idiin si Damian Fernandez. Hindi ko alam kung handa na ba akong makita ang hayop niyang mukha pero habang naiisip ko ang aking mga magulang at nagkakaroon ako ng lakas ng loob.

"Meron tayong problema Precious Sky." Malamig na sinabi ni Don Geodencio. Kumunot ang noo ko.

"Ano po yun?" I asked.

"Nasa Spain and fiancee mo." Nanlaki ang mata ko. Damn it! Mas lalong delikado si Hercules dito!

"B-Bakit?!" Gulantang kong tanong.

"Hindi siya naniwala sa mga alibi ko, he believes that I hidden you here in Spain kaya nandito siya ngayon." Nakita ko ang frustration sa kaniyang mga mata. Napapikit ako ng mariin.

Shit! Bakit ba ang tigas ng ulo ni Hercules?!

"A-Anong gagawin natin?" Kinakabahan kong tanong.

"Bilisan mo ang pagbibigay testimonya. Alam kong isang salita mo lang ay pakikinggan ito ng mga hukom dahil ikaw ang witness sa kasong ito. Pagkatapos ay kailangan mong lumipad patungo sa Hong kong."

"Ha? Bakit? After I testify I know it will be fine again!" I said irritated. Bakit kailangan ko ulit magtago? Ayaw ko ng magtago!

"No Precious Sky..hindi ibig sabihin na nasa kulungan na si Damian ay tapos na ang lahat! His men is just around trying to kill you kaya kailangan mong magtago! Hangga't hindi pa tapos ang lahat ng ito!" He explained.

Umiling iling ako. Magtatago na naman ako? Am I back to square one? Hanggang kailan ba matatapos ito?

"Hangga't nakikita kanilang buhay delikado ang buhay ng fiancee mo. Hercules life is important for the Eleazar, do you wanna risk his life for your freedom?"

Pakiramdam ko yun ang pinakamasakit na tanong na narinig ko. Nanuot ito sa aking puso. Sa sobrang sakit ay para akong mamatay. Tumulo ang aking mga luha sa sobrang sakit na nararamdaman. I felt so down and helpless. I felt so weak. Pakiramdam ko ay hindi ko kaya.

"I-Importante rin ang buhay ni Hercules sa akin.." i sobbed. Naramdaman ko ang yakap ni Don Geodencio sa akin.

"Alam ko hija...alam ko." He whispered while caressing my hair to comfort me.

"The Eleazar clan is helping me to solve this kaya hindi rin magtatagal ay maaayos ito. For the mean time...you need to hide. Walang may gusto ng lahat ng ito. At alam kong darating ang panahon ay mapapatawad ka rin ni Hercules, maiintindihan niya rin ang paglayo mong ito. You are forever be promised to him. Remember that."

To Break the Chains (TCB#5)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon