Only love
Pagkatapos kong magsalita sa harap ng maraming hukom ay parang may naalis na tinik sa aking dibdib. Pero hindi naging madali ang lahat. Habang inaalala ko ang mga masasakit na alaala ay mas lalo akong nasasaktan. Mas doble ang sakit na nararamdaman ko. Lalo na ng makaharap ko ang lalaking sumira ng pamilya ko.
Damian Fernandez.
"It's alright hija, it's time to go." Bulong sa akin ni Don Geodencio pagkatapos kong magsalita sa unahan. Pinalis ko ang aking luha sa aking pisngi at matalim na tinitigan ang mukha ng pumaslang sa magulang ko. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko dahil sa sari saring emosyon.
Remembering the most tragic moment of my life makes me weak and hurt.
"Precious Sky!" Narinig kong tawag sa akin ni Don Geodencio nang mabilis akong lumapit sa harapan ni Damian Fernandez. Nakita ko ang seryoso niyang mukha. Nagngitngit ako sa galit ng makita ko ang kaniyang ngisi sa mga labi.
Bodyguards tried to block me from coming towards him but my hatred and my over flowing anger made me so high.
Narinig ko pa ang tawag sa akin ng mga hukom gamit ang salitang espanyol na pamilyar na pamilyar sa akin pero hindi ako nagpatinag. Bago pa ako mapigilan isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa mukha na Damian Fernandez. Pumaling ang kaniyang ulo to the left side. Tumulo ang aking luha.
"Fuck you Damian Fernandez! You'll pay for the damned things you did!" I shouted in anger.
"Precious Sky stop it!" Hinawakan ako ni Apollo sa balikat para ilayo kay Damian. Nagkagulo sa loob ng trial court pero wala akong pakielam. Hinding hindi matatawaran ng kahit ano ang galit ko sa lalaking ito.
"You will rot in jail and hell once you're already dead!" I shouted in pain. Kada sigaw ko ay kirot ang pait ang nararamdaman ko sa aking puso.
"You have no conscience!...you have no right to take away their life in the most tragic way! Y-You..." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sa malakas na paghagulhol.
Ramdam na ramdam ko ang tingin ng lahat sa akin. Now they couldn't see the beauty in me because of my pain and sorrow. I hate this beauty, I really hate this beauty!
"Please....Precious...stop it." Apollo whispered.
Hindi ko na alam ang nangyari dahil biglang nagdilim ang paningin ko. Sa sobrang pagod at sakot ay hindi na nakayanan ng katawan ko. Nagising na lang ako sa isang hindi pamilyar na kwarto. It's white. Dahan dahan akong umupo at nakita ko si Don Geodencio na nakaupo sa tabi ko. Kitang kita ko ang awa sa kaniyang mga mata.
Tears formed in the corner of my eyes.
"D-Did it...go well?" I asked shaking. Unti unti siyang tumango. Ngunit nakita ko sa kaniya na parang may sasabihin pa siyang iba. He tapped the top of my head and I saw how his eyes looked at my blonde hair.
"H-Hija...I have something to tell you.." he said.
Hindi ko alam kung ano yun. He looks nervous. Kinakabahan din tuloy ako. Then suddenly Hercules came into my mind. The nervousness came into my system.
"M-May problema ba?! S-Si Hercules?!" Kinakabahan kong tanong. Umiling siya sa sinabi ko bago ako tiningnan ng mabuti.
"Precious Sky....you're..." hindi niya matuloy ang kaniyang sasabihin. Kumunot ang noo ko. Ano bang problema?
"A-Ano?" I asked nervous.
"...pregnant." he continue.
Umawang ang labi ko sa kaniyang sinabi. Parang nawalan ng kislap ang utak ko dahil sa hindi pagproseso nito sa narinig. Para akong nabingi. Hindi ko alam kung mararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
To Break the Chains (TCB#5)
Romansa"Sufferings, hatred and loneliness is like a chains that lock you in a dark place, it forbid you to see the light, but there's someone who will break those chains and let you see the light freely." -Precious Sky Echavaria
