Kabanata 17

89 4 0
                                    

Soft lips

Pinilit kong alisin ang takot sa akin. Pero hindi ko pa rin maiwasang magpalinga linga sa paligid kapag nalabas. Sinusubukan ko ring intayin kung magpapakita ba ulit ang sasakyan na yun. Whoever that is I know it is something about me. Imposibleng nagkataon lang na magkaparehas ang symbol na nakita noon ni Elli at sa nakita niya ngayon. Pero kinakabahan ako. Ibig sabihin kilala niya ako kahit...naka disguise ako?

Paano niya nalaman ang dormitory na yun?

"What are you thinking?" Halos mapatalon ako sa paglalakad dahil sa boses na yun, matalim kong tiningnan si Hercules.

Bwisit!

"Ginulat mo ako!" Sigaw ko sa kaniya, ngumisi lang siya at inakbayan ako, agad ko naman itong inalis pero inilagay niya ulit kaya masama ko ulit siyang tiningnan.

"Ang lalim kasi ng iniisip mo. I'm wondering...is it about me?" He asked huskily. Tumaas ang kilay ko. At ang lakas din naman ng loob ng lalaking ito!

"Bakit naman kita iisipin!" Iritado kong sinabi. Ang bigat naman ng braso nito! Inalis ko ulit ito pero makulit siya inilagay niya ulit!

"Sky..ako lang dapat ang iniisip mo. Bawal kang mag isip ng ibang lalaki naiintindihan mo?" He said threatening me. Umirap ako.

"Pwede ba? Hindi ako nag iisip ng mga lalaki! Palibhasa ikaw puro babae lagi ang iniisip mo!" Bintang ko. Natigil kami sa paglalakad dahil tumigil siya. Hindi ko namalayan na nasa gitna pala kami ng pathway at ang dami na sigurong nanunuod sa amin ngayon! Nag init ang pisngi ko pero hindi ko na tiningnan ang paligid dahil paniguradong mahihiya lang ako!

"You jealous honey?" He teased. Nag init pa lalo ang pisngi ko sa sinabi niya. Hinila ko siya sa isang bench kung saan walang makakita sa amin pareho, pinaupo ko siya doon at sinunod naman niya. Nang tingnan ko siya at malaki na ang kaniyang ngisi.

"Hindi ako nagseselos!" Sigaw ko sa kaniya. Ngumiti siya ng nakakaloko at hinagilap ang aking kamay, he pulled me towards him at nanlaki ang mata ko ng bumagsak ako sa dibdib niya! Muntikan pa akong mapaupo sa lap niya buti na lang sa tabi niya ako napaupo!

"A-Ano ba?!" Angal ko sabay hampas sa dibdib niya kahit ako rin naman ang masasaktan dahil sa tigas nito! Nag gigym pa nga ata ang gago!

"Don't worry honey..you are the only girl I was thinking everyday...since the day I met you." He whispered.

"O-Oo na! B-Bitawan mo na ako!" Damn it! Why am I stuttering?!

"Okay honey.." he said but my eyes widened when he kissed me on my lips! Agad din naman siyang humiwalay, at sa sobrang bilis nito ay pakiramdam ko dampi lang ito ng hangin. Natigilan talaga ako sa ginawa niya! He kissed me in a public place! Paano kung may makakita! And damn! Why did he steal my first kiss?!

Nang makabalik sa wisyo ay agad kong hinampas ang braso niya, siya naman ay kitang kita ko ang tuwa sa kaniyang mukha!

"Bwisit ka!" Sigaw ko kahit na sobrang nag iinit na ang aking pisngi!

Pero ang sira ulo tumakbo palayo at ngumisi sa akin.

"See you later honey!" He shouted while he's running away! Napatingin ako sa paligid at napahinga ako ng maluwag ng wala akong nakitang tao. Napabuntong hininga ako at naalala na naman yung halik! Damn it Hercules!

Hindi na yata maaalis sa utak ko yung nangyari kanina kaya hanggang sa matapos ang klase ay ramdam ko pa rin ang kahihiyan! Kaya naman ng makita ko si Hercules na nag iintay sa akin at agad ko siyang sinimangutan. Pero nairita na lang ako ng nginisihan niya lang ako! Pinagsalikop niya pa ang kamay naming dalawa!

"I texted Elli, sinabi ko sa kaniyang ihahatid na lang siya ng driver ko patungo sa trabaho niya, kaya akin ka ngayon." He said while we're walking towards the parking lot.

"Anong-"

"May isang oras pa naman bago ang trabaho mo kaya...magda date muna tayo." He said.

"D-Date?!" Halos isigaw ko ito. Hercules chuckled and I can't helo but to be irritated!

"Yes honey, we'll date." He said and then winked. Pinagbuksan niya ako ng pintuan sa front seat, siya naman ay pumunta sa driver seat. Sumulyap siya sa seat belt ko pero bago niya pa yun maayos ay inayos ko na yun. Alam ko kasi nasa isip nito ni Hercules eh! Mananantsing lang yan kapag siya ang nag seat bealt sa akin!

Ngumisi ako kay Hercules at nakita ko ang kaniyang pagsimangot.

"Tara na!" Angil ko sa kaniya kaya agad niyang pinaandar ang sasakyan.

"Are you hungry?" He asked.

"Hindi ako gutom, ikaw lang naman ang laging gutom." Sabi ko sabay irap. Tumawa pa siya sa sinabi ko.

"Fine. We'll have our extreme rides then." He said evilly.

Nagtaka naman ako sa sinabi niya pero bago pa ako makapag isip ng maayos ay tumigil na ang sasakyan sa isang perya! The hell?!

"Anong ginagawa natin dito?!" Gulat kong tanong. Hindi siya nagsalita, lumabas siya ng sasakyan para pagbuksa ako kaya ng lumabas ako ay napansin kong walang tao dun!

"We'll do extreme rides honey.." he said. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang mga extreme rides na sinabi niya.

Hindi nga?! Shit! Ngayon lang ako makakasakay sa ganiyan!

"I rented this place for our special date." He said while chuckling. Hinila niya ako papasok sa loob, at may nakita akong mga trabahador, hindi ako makapaniwala na makakapunta ako sa ganitong klaseng lugar.

At katulad ng sinabi ni Hercules ay sumakay kami sa mga rides na yun at hindi ko akalain na makakasigaw ako ng ganung kalakas sa tanang buhay ko!

Halos mahilo ako ng makababa kami and Hercules is just laughing beside me!

"Bwisit ka talaga!" Sabi ko habang nahihilo pa.

"Kaya nga extreme rides di ba? Ganun talaga!" He said laughing. This guy is making fun of me!

Maya maya lang ay sinakay niya ako ferris wheel. Feeling ko naman ay hindi ito nakakatakot dahil protektadong protektado ang loob. Ang gagawin mo lang sa loob is to look at the beautiful view of the stars above and the city light of the whole Manila for this night.

"Wow.." i said when the ferris wheel started to move. Hercules do the same with me, tumingin din siya sa ibaba kung saan kitang kita ang mga buildings at ilaw na nagmumula sa syudad ng Manila.

"This is the first time you did this right?" He asked. Natigil ako sa pagtingin at pinagtuunan na lang ng pansin si Hercules. Mas wala pa ring tatalo sa tanawin kapag tinitingnan mo na si Hercules. All of his features are like heaven's gift.

"Oo...unang beses ko ito.." tugon ko. Ngumiti siya sa akin.

"And you're with me.." he said. Hindi ako nagsalita. I just stared at him. Gusto ko siyang titigan ng titigan dahil natatakot akong hindi ko na ito magagawa kapag dumating na ang panahon na hindi na pwede.

"I want you to spend all your first time with me Sky." He said. My heart pounded so fast. His words are making me tremble. His eyes are glittering reflecting the city lights. This is the best scenery I will look up and remember.

Hinila niya ako papalapit sa kaniya agad akong kinabahan sa mga kilos niya. He held my hand softly, bumaba ang tingin ko dun. Pero mas lalo akong kinabahan ng hinawakan niya ang aking baba para magtama ang aming mga mata, nanlalambot ako sa uri ng pagkakatingin niya sa akin. He remove my eye glasses, napakurap kurap ako habang tinitigan ko ang kaniyang mukha.

Para akong lumulutang sa langit habang nagkakatitigan kami.

"I knew I'll see you again...and now you're here..." he whispered. Hindi ko naintindihan ang sinabi niya. Kumunot ang noo ko. Kinabahan ako kaya medyo umatras ako pero agad niya akong hinila papalapit muli sa kaniya. I swallowed hard as he stared at me.

"H-Hercules..." I called out his name pero hindi niya ito pinansin.

And before I react and think I felt his soft lips against mine.

To Break the Chains (TCB#5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon