Kabanata 7

86 4 0
                                    

Too much

Nang mag alas tres na ay sabay kaming nagtungo ni Elli sa restaurant na pagtatrabahuhin namin. Hindi na nagtanong si Elli kung anong ginawa ko kanina. Pero hanggang ngayon natatawa pa rin ako sa tuwing naalala ang nangyari kanina.

"Buti na lang nandito na kayo!" Sabi ni ate Genny ang manager.

"Hello po!" Bati ko, ganun din ang ginawa ni Elli. Nakapagbihis na kami ng uniform bilang waitress dito. It's a color black with a collar shirt and a pants, meron din kaming mini hat sa ulo, it's cute though.

"Sige, magsimula na kayo." Sabi niya sa amin kaya pumunta na kami sa aming mga pwesto. Hindi naman gaanong madaming customer kaya ayos lang. Inayos ko ang aking salamin bago lumapit sa bagong customer na pumasok. Medyo madami silang order kaya medyo matagal. After that I posted their order para magawa na iyon.

Nang dumating ang alas syete ay ramdam ko na ang pagod. Si Elli naman ay ganun din. At hindi ko akalain na makakaramdam na ako ng antok sa ganitong oras. Tumayo ako sa counter para doon magpahinga dahil wala pa namang bagong customer. Humikab ako pero agad akong napamulagat ng may boses akong narinig sa harapan ng counter.

"Sleepy?" A man with his gray eyes is now looking at me, he's wearing a black mask but I know who's this person behind that mask.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko at biglang tumuwid ng tayo. Nakitaan ko naman ng tuwa ang mga mata ni Hercules.

"Bakit? Bawal bang umorder dito?" He asked sarcastically. Nakangiwi ako sa kaniyang tumingin. Bakit ba kung nasaan ako ay nahahanap ako ng lalaking ito? Stalker ba siya?

"Stalker ba kita? Lagi ka nang sumusulpot kung nasaan ako ah!" Pinilit kong wag tumaas ang boses dahil baka marinig kami ni Elli o ni ate Genny.

"Ang gwapo ko namang stalker. Hindi ako stalker, hindi ka pangit pero wala ka sa standards ko para i-stalk pa kita." Natatawa niyang sinabi. Aba't nagawa pang manlait!

"Edi lumayas ka na dito! Para namang gustong gusto kitang makita!" Inis kong sinabi. Tinitigan ko siya. And I know behind his mask is a evil smirk.

"Bakit hindi ba?" Nanunuya niyang tanong. Kung pwede lang sana kanina ko pa siya nasipa sa mukha. This man is really confident!

"Anong order mo?" Iritado kong tanong. Padabog kong kinuha ang order list para isulat ang kaniyang order. At hindi ko malaman kung bakit sa counter siya nag oorder! Dapat nasa isang table siya eh!

"Isang Sky Valentino." He said with amusement on his face. Natigil ako at matalim siyang tiningnan. Makapal talaga ang mukha.

"Sorry, hindi available ang order mo." Naiinis kong sinabi.

"Ganun ba? Patawag na lang ng manager niyo." Sabi niya habang titig na titig sa akin. Talaga namang kung nakakamatay ang titig ko kanina pa siya nakahandusay!

"At bakit Mister?" Nangalumbaba siya sa counter at tinitigan ako. Kanina pa talaga ako kinakabahan pero pilit ko itong nilalabanan.

"I will report how I was treated by his employee, that's sad." He said with a bit of disappointment.

What?!

"Hindi ka ba titigil?!" Malapit na akong sumabog. Konting konti na lang.

"Hinding hindi ako titigil." He said in a more dangerous way. Doon na kumalabog ang puso ko, nagkatitigan kami ng matagal, natigil lang ng biglang sumulpot si Ate Genny sa tabi ko,

"Sir Hercules?" Mangha nitong tanong. Kumunot naman ang noo ko,

"Good evening Miss Genny." Maligaya nitong bati, sabay sulyap sa akin.

"Oh my! Ba't di niyo sinabi na..bibisita kayo?" Gulat pa rin na tanong ni ate Genny.

"It's surprise Miss Genny!" Sabi ni Hercules at ang kapal ng mukha dahil sumulyap na naman sa akin.

"Excuse me ate Genny.." sabi ko at umalis na doon.

Lintek na lalaking yun! Surprise? So sinurprise niya si Ate Genny? Huh! Si ate Genny naman pala ang tipo niya bakit inasar niya pa ako ng ganun?!

Walangya! Playboy! Bwisit!

"Anong nangyari sa mukha mo?" Natatawang tanong ni Elli habang inaayos ko ang mga cups para sa coffee.

"Wala, may malaking ipis kasi kanina na dumating, badtrip tuloy ako." Malamig kong sinabi. Itinawa lamang iyon ni Elli.

Hindi na ako lumingon sa aking likod dahil alam kong umukupa na ng table sina Hercules at ate Genny para doon mag usap. Hah! Kung bakit ba kasi ang daming pumapatol diyan sa Hercules na yan gayong babaero naman! Sus! Hindi ka niyan seseryosohin ate Genny!

Maya maya lang ay kinulbit ako ng kung sino sa likod dahil sa inis na nararamdaman ay asar ko itong binalingan.

"Ano ba?!" Iritado kong sinabi.

"Bakit ba lagi kang galit sa akin?" Natatawang tanong ni Hercules na siyang kumulbit sa akin. Bakit hindi ako magagalit? Araw araw niya na lang sinisira ang buhay ko!

"Kung ayaw mo akong magalit wag mong ipakita ang mukha mo!" Sabi ko at nag walk out na doon.

Buti na lang at hindi ko na siya nakita pa. Nang dumating ang alas otso ay nag out na kami. Pagod na pagod ako habang nakahiga sa kama ko. Si Elli ay mabilis na nakatulog ako naman ay pinipilit pa ang sariling makatulog.

Kaya lang ay tumunog ang cellphone ko dahil sa isang tawag. Hindi ko na inabalang tingnan ang caller, sinagot ko ito ng walang pagaalinlangan.

"Can't sleep?"

Buong sistema ko ang nagising ng marinig ko ang pamilyar na boses na iyon! It's Hercules! Tiningnan ko ang caller at unknown ang nakalagay doon! Seriously? Kahit sa pagtulog?! Mabilis akong lumabas ng kwarto dahil ayaw kong magising si Elli.

"Pati ba naman sa pagtulog ay bibwisitin mo pa ako?!" Pabulong kong tanong. Tumawa siya sa kabilang linya.

"Akala ko hindi ka na magagalit. Hindi mo na kita ang mukha ko ah?" He chuckled. At talaga namang sineryoso ang sinabi ko?!

"Kahit boses mo ay naiirita ako Hercules!"

"Grabe ka naman! Alam mo bang tuwang tuwa ang mga babae kapag naririnig nila ang boses ko lalo na sa kama-"

"Tumigil ka! Bastos!" Shit! Damn it! Pati ba naman yun ishashare niya?! Narinig ko ang tawa niya sa kabilang linya.

"Wag ka ng mahiya. Alam ko naman na gustong gusto mong marinig ang boses ko. Alam mo bang sa banda namin ay ako ang may pinaka magandang boses? Pinagbigyan ko lang si Aries na mag vocalist dahil naaawa ako. Masyado kasi akong talented kaya ako ang nagpaparaya." He laughed after he said all of that.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa sa kaniya. Seriously? Ang alam ko walang paparating na bagyo! At hindi ko akalain na malakas ang hangin niya sa utak!

"Hindi ako interesado! Bahala ka sa buhay mo! Tutulog na ako!"

"Good night honey-" bago niya pa matapos ang sasabihin ay tinapos ko na ang tawag.

Napasandal ako sa pader at napahawak sa dibdib ko. At ramdam na ramdam ko dito ang mabilis na tibok ng puso ko. Hercules is too much. Mukhang mahihirapan ako ngayon ah.

To Break the Chains (TCB#5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon