Kabanata 38

143 5 0
                                        

Lovingly

Patuloy kong naiisip lahat ng nangyari sa amin ng anak ko kahapon. Nasasaktan ako sa mga tanong at luha niya. Kaya naman kahit ngayong nasa trabaho na ako hindi pa rin ako maka focus. My son is everything to me. Kung pwede ko lang gawin ang lahat ng gusto niya gagawin ko. Pero...masyadong komplikado ang gusto niya. Hercules didn't know about him.

Hindi ko nga alam kung tanggap niyang may anak na siya. At nasasaktan ako sa tuwing naiisip kong ayaw niya.

"Ma'am, may meeting po kayo." Napatingin ako kay Diana. Agad akong tumango sa sinabi niya.

"Ngayon na ba?" I asked.

"Yes po ma'am." She answered.

I sighed heavily before I stand up and fix myself. I stared at myself from my mirror and I think ayos na naman ako. Ayaw kong mahalata nila na marami ako ngayong iniisip.

Nang makapasok na ako sa conference room ay diretso ang lakad ko sa aking upuan, hindi na ako nag abala na tingnan ang paligid. Pero ng sandali kong makita ang mga tao sa paligid ay nanlamig ako. Lalo na ng makita ko si Hercules sa mismong harap ko.

Hindi ko man lang namalayan na sa E-TECH pala ako may meeting! Damn!

"Start...the meeting." I said slowly. Nang magsimulang magsalita ang presenter ay nakinig na lamang ako. I tried so hard not to look at Hercules. Pero ramdam na ramdam ko ang titig niya sa akin. Kumunot ang noo ko. Why is he staring at me now? Hindi ko alam kung anong problema niya. Naalala ko tuloy yung huli naming pinag usapan. At halatang halata naman ang matindi niyang galit sa akin. And I understand him. I hurt him too much at ayaw kong...mas pilitin pa ang sarili ko sa kaniya gayong nasasaktan siya dahil sa akin.

Hindi ko na namalayan ang pagtatapos sa meeting. Dahil wala na namang gaanong tanungan ay tumayo na ako para mag ayos ng gamit. Habang nag aayos ay may naramdaman akong tumayo sa gilid ko,

"You didn't work yesterday." Kinabahan ako ng marinig ko si Hercules. I carried my laptop and I face him, matangkad siya kaya kailangan ko pang itaas ang titig ko.

"N-Nagpadala naman ako ng shifting kahapon kahit wala ako. Bakit? M-May naging problema ba?" I asked.

Lumingon ako sa paligid at nagpapasalamat akong busy pa ang lahat kaya hindi nila napapansin ang pag uusap namin ni Hercules.

"Never mind." He said and he turned my back on me. My brows furrowed. Ano yun? Napailing na lang ako.

Nagpatuloy ako sa pagtatrabaho kahit minsan ay lumilipad ang utak ko.

And when the clock strikes at 3 pm I immediately went out to go to the E-TECH to consult the boxes. Buti na lang ayos na ang van kaya yun na yung sinakyan ko, dala ko rin ang aking ipad para mag take note.

Kasama ko ang dalawa kong bodyguards patungo sa production room at ng makapasok ay hindi ko inaasahan na nandun si Hercules! Anong ginagawa niya rito? Huminga ako ng malalim at dumiretso na lang sa mga boxes at nag counting doon.

"We need four boxes in the Last Production." Hercules said. Nasa likod ko siya at medyo nacoconcious ako sa kaniya! Ano ba yan!

"S-Sige...ah...sasabihin ko na lang sa team." I said. Nagpatuloy ako sa pagbibilang, maya maya pa ay nabigla ako dahil biglang kinuha ni Hercules ang isang micro chip sa loob ng box! Kaya naman napasunod ako sa kaniya ng tingin.

"We didn't order for this." He said. Nanlaki ang mata ko. Shit! May mali na naman ba? Nataranta ako bigla.

"A-Ah sorry. U-Uhm....hindi siguro na check kahapon...wait lang...tatawagan ko lang ang team." I am now panicking. Hindi ko alam kung anong reaksyon niya pero kitang kita ko ang pag kunot ng noo niya. Damn!

To Break the Chains (TCB#5)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon