Enjoy
Katulad ng plano namin ni Elli ay naghanap kami ng part time job nang dumating ang weekends. Maswerte kami dahil agad kaming nakahanap ng isang restaurant at natanggap kami bilang waitress.
"Anong oras ba ang labas ninyo sa school?" Tanong ng manager. Babae ang manager at maganda. Halatang marami ng narating. She has a friendly smile to us.
"Alas tres po ng hapon." Sagot ni Elli. Tumango ang manager.
"Edi ibig sabihin magiging night shift kayo. Magsisimula kayo ng 4 pm at matatapos kayo ng alas otso ng gabi, kayo ang pagkakatiwalaan kong magsarado ng restaurant. Okay?" She said.
"Sige po Ma'am maraming salamat!" Maligayang sinabi namin ni Elli. Ngumiti yung manager sa amin.
"By the way, tawagin niyo na lang akong ate Genny, so ito yung magiging uniform niyo dito ha. Good Luck!" Sabi nito bago umalis.
Masayang masaya kami ni Elli dahil hindi namin inaasahan na agad kaming matatanggap. Pero alam kong hindi ito magiging madali. Nag part time job na rin ako noon pero magaan pa ang oras namin dahil high school pa lang, now that we're a college students I don't if it will be more easy or more difficult.
Nang dumating ang lunes ay suot na namin ni Elli ang puting puti naming uniform. Sa lahat ng college student syempre uniform namin ang pinaka iba dahil sa course na pinili namin. Ang kaso lang hindi ako gaanong sanay dahil mas maiksi ito sa nakasanayan kong uniform noong high school.
"Sige mauna na ako Sky!" Paalam sa akin ni Elli ng makarating kami sa school. Sanay na akong maglakad ng mag isa sa first class ko, at katulad ng inaasahan ang isang katulad ko ay hindi naman talaga pansinin. Syempre iniiwasan ko rin ang mapansin dahil mas magiging mahirap yun para sa akin. Matagal ko ng inaalagaan ang personalidad ko at hindi ko hahayaang masira yun ngayon.
Naging maayos naman ang mga klase, yun nga lang parami ng parami ang mga gawain. Inaasahan ko na ito kaya alam kong masasanay din ako. Nang dumating ang break time ay agad akong lumabas ng ng classroom pero agad akong napatigil ng may humarang sa aking dalawang lalaki. Kumunot ang noo ko habang tinitingnan silang dalawa.
"Kailangan mong sumama sa amin." Sabi nung nasa unahan. Huminga ako ng malalim. Ramdam ko ang pagsulyap ng mga estudyante sa akin. Ito ang kinaayawan ko ang pagtinginan! Sino ba sila?! Ano bang kailangan nila?!
"Sino ba kayo?" Tanong ko sa mahinahon na boses. I have a hint kung sino ang nasa likod nito at unti unting nag iinit ang ulo ko sa tuwing iniimagine ang nakangisi niyang mga labi.
"Nautusan lang kami Miss, mas mabuti pa ay sumama ka na lang sa amin." He said. I sighed before I nodded, mas mabuting sumunod na lang ako kaso pag tinginan. Habang sumusunod sa dalawa ay inilabas ko ang cellphone ko.
Ako to Elli:
Elli hindi ako makakasabay ngayon sayo, I have an important errands to do.
At ngayon nakapagsinungaling pa ako kay Elli dahil sa lintek na pangyayaring ito.
Nagngitngit ang bagang ko ng makita ko ang isang lalaking prenteng nakaupo sa isang couch ng pumasok kami sa Music Room. Hindi ko na nalibot ang paningin ko sa buong paligid pero kitang kita ko ang mga instrumento dito.
"Salamat! Makakaalis na kayo!" Sabi ni Hercules sa dalawang lalaking kasama ko. Naningkit ang mata ko sa lalaking kaharap ko ngayon. He is smirking evilly. Lalo pa akong naasar ng tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Oh that look!
"Sexy mo ah!" Sabi niya habang nakangisi.
"Bwisit ka ah! Ano bang kailangan mo!?" Sigaw ko sa galit. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nakaramdam ng pangbabastos ng sinabihan niya akong sexy. Madalas kasi ay nakakaramdam ako ng ganun sa tuwing sinasabihan ako. Because I have a phobia with those man who has perverted mind. And this man...I don't if I'm being comfortable but...even though he has this perverted mind...I didn't feel offended.
"Whoa! Galit ka kaagad! Halika sabayan mo ako kumain." Sabi niya at itinuro ang lamesa sa harapan. Hindi ko namalayan ang lamesa na punong puno ng pagkain. Huminga ako ng malalim. Hindi ako makakapayag na makakasabay ko siya sa pagkain.
"Ayaw kong kasabay ka sa pagkain." Mariin kong sinabi. Ngumisi naman siya.
"Edi ikaw muna ang kumain bago ako." He said playfully. Kumunot ang noo ko.
"Tapos ano? Pagmamasdan mo ako?!" Naiirita kong sinabi. Humalakhak siya.
"Sabi mo ayaw mo akong kasabay? What do you want then?" He asked with huge smile on his face. That damn face is a killer, a killer for everybody's heart!
"Aalis na ako! Wala kang kwentang kausap!" Sigaw ko at akma ng aalis ng pigilan niya ako sa aking pulso, agad ko naman itong binawi at humarap sa kaniya.
"Wag mo akong hawakan!" Naiirita kong sinabi. Hindi ko alam kung bakit hindi nawawala yung ngisi niya sa kaniyang labi.
"If you continue to reject me I will touch you Sky, do you want that then?" He asked a bit serious. My heart suddenly affected in his statement. I've been living in this cruel word with this cruel people, and this man is no exception!
"Ito ang una't huling sasabayan kita sa pagkain! Hindi na ito mauulit!" Sigaw ko at padabog na umupo sa harap ng lamesa. Sumunod siya sa akin at umupo sa harapan ko. Mabilis kong kinuha ang kanin at ulam, habang siya ay pinagmamasdan ang ginagawa ko. Sumulyap ako sa kaniya at nakita ko ang kunot niyang noo sa ginagawa ko.
"Bakit puro omelette ang kinuha mo?" He asked curiously. Tumaas ang kilay ko.
"Ito ang gusto ko, pakielam mo?" Mataray kong sagot bago sinimulan ang pagsubo. Sinadya ko talagang bilisan ang pagkain. Humalakhak siya sa ginagawa ko.
"Bakit ka nagmamadali?" Natatawa niyang tanong.
"Para maiwanan ka na dito!" Sabi ko habang puno ang bibig ng pagkain. Natigilan naman siya at natigilan ako ng mabilis din niyang sinimulan ang pagkain.
"Fuck!" He cursed.
What is his problem? This boy is making me confused all day! Of all girls....why me? I don't get you. I really don't.
Nang matapos akong kumain ay mabilis akong uminom ng tubig, siya naman ay halos habulin ng aso sa pagnguya ng pagkain sa bibig niya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa ginagawa niya o ano! Mukha siyang tanga sa ginagawa niya! Seriously?
Tumayo na ako kaya naman nakita ko ang mabilis niya ring pag inom ng tubig napangiwi pa ako ng makita ko ang pagsabog ng tubig sa polo niya doon na ako bumunghalit ng tawa.
Damn it!
"Shit!" He cursed before he looked at me with his dangerous look. Tumaas ang kilay ko at tumigil sa pagtawa.
"Sige mauna na ako!" sabi ko at tatawa tawa pang naglakad patungo sa pintuan.
"Bakit ba kasi nagmamadali ka?!" Rinig kong sigaw niya pero hindi ko na sinagot dahil late na ako sa next class!
Buti na lang at nakahabol pa ako! Pero hindi ko namalayan na may ngiti na sa aking mga labi habang inaalala ang nakakatawang pangyayari kanina.
Looks like I getting to enjoy this game of him. But will I win this? I don't know anymore.
BINABASA MO ANG
To Break the Chains (TCB#5)
Romance"Sufferings, hatred and loneliness is like a chains that lock you in a dark place, it forbid you to see the light, but there's someone who will break those chains and let you see the light freely." -Precious Sky Echavaria
