Kabanata 27

94 5 0
                                    

Nervous

Nagising ako dahil sa maliliit na kamay na humahaplos sa aking mukha. Agad akong nagmulat at napangiti ng makita ang mukha ng aking anak na nakangiti rin sa akin.

"Good morning baby!" I greeted.

"Mam!" He laughed. Napangiti ako at agad siyang binuhat.

"You little monkey...you made me sleep late last night!" I said joyfully but my two years old son just laughed.

Binuhat ko siya patungo sa kaniyang crib dahil mag aayos muna ako ng sarili bago ihanda ang gatas niya. Pero umatungal siya ng iyak ng ibinaba ko siya. Sumimangot ako sa aking anak.

"Ang arte mo ha!" Natatawa ako habang pinagmamasdan ang kaniyang pisngi na may luha. Binuhat ko siyang muli at isinama na lang sa loob ng CR. Niliguan ko na rin siya habang nagshoshower ako. Hindi ko mapigilang ngumiti habang pinagmamasdan ang aking anak na masayang nagtatampisaw sa tubig.

Pero agad ring nawala ang aking ngiti ng maalala sa kaniya ang mukha ng kaniyang ama.

I named him Noah Schuyler. Sanggol pa lang siya alam ko na kung sino ang magiging kamukha niya. He looks like his father. Halos walang nakuha sa akin. Ibang iba. Para ngang hindi ko siya anak dahil sa layo ng hitsura! Like his father his eyes are gray, pati ang kaniyang mata, kilay, ilong at labi ay kamukhang kamukha ng ama. The only thing that I think that came from me is his fair color.

After I gave birth to him dito na kami nanirahan sa Spain. Binibisita kami ni Apollo at lolo Dencio na nakikinita ko na ang pagiging spoiled ng anak ko sa kanila.

"Mommy! Duck!" His small finger pointed at the duck. I kissed his soft cheeks.

"Okay baby!" Maligaya kong inabot sa kaniya ang duck na madalas niyang laruin kapag naliligo.

Hindi naging madali ang pagpapalaki ko sa kaniya. Lalo na kapag nagkakasakit siya buti na lang nandito si Lolo Dencio para alalayan ako. Simula rin ng lumabas si Baby Noah sa buhay ko...madalas ulit bumalik sa alaala ko ang kaniyang ama.

Maraming tanong ang sumagi sa utak ko.

Galit ba siya? Kamusta na kaya siya ngayon? Mapapatawad niya pa ba ako? Matatanggap niya kaya ang anak namin? O baka may sarili na siyang pamilya?

Thinking of it, hurt me so much. Pero hindi ko siya masisisi kung magmamahal siya ng iba. Ako ang may kagustuhan nito kaya wala akong karapatang masaktan.

Ang huling narinig ko kay lolo Dencio about Hercules ay patuloy pa rin daw ang banda nila. He's now managing his father's company, the Campbell Telecom. Wala na rin daw tauhang pakalat kalat si Fernandez kaya malaya na ako at ang aking anak. Pero hanggang ngayon ay hindi ko binibisita ang social media accounts or mag internet, kahit nga mga magazine ay iniiwasan ko dahil natatakot akong malaman ang katotohanan.

Natatakot ako na baka masaktan lang ako sa kung anong merong buhay siya ngayon. I am very scared that he already have someone else. Gusto kong matawa sa sarili ko.

Of course! Siguradong meron na siyang iba! Hindi porke't fiancee ko siya noon ay mananatili yung ganun hanggang ngayon! Promises is meant to be broken ika nga.

Nang nabihisan ko na ang aking anak ay dinala ko siya sa garden ng mansion para doon siya hayaang maglaro. Marunong na siyang maglakad kaya hinayaan ko siyang magtatakbo sa garden. Ito ang madalas niyang gusto. He wants to run and play all over the place. Pinanuod ko ang kaniyang buhok na nag bobounce sa bawat takbo niya. Napasimangot ako. Even the hair nagmana pa rin kay Hercules! Hindi man lang niya nakuha ang blonde kong buhok. Like Hercules, his hair is color brown and a bit wavy!

Kinabahan ako bigla. I'm sure, isang tingin lang dito ni Hercules malalaman niya agad!

"Noah Schuyler!" Naisigaw ko ang pangalan niya ng madapa siya tatakbo na sana ako pero nahinto rin ng makita kong kaya niyang iangat ang sarili! At hindi siya umiyak!

Lumapit ako sa kaniya at pinagpagan ang kaniyang damit.

"You okay baby?" I asked worriedly. He laughed at me. Parang may humaplos sa aking puso ng marinig ko ang kaniyang maliit na paghalakhak.

"Noah's..alwayt mommy!" Natawa ako dahil sa pagkakabulol niya.

"Baby it's alright...alright." i corrected him. He just laughed and continue running. Napangiti ako. Sa dalawang taong edad ay maliksi at bibo na siya, naalala ko tuloy si Hercules. Kahit ugali yata ay mana sa kaniya.

Mabilis na lumipas ang panahon at parang kay tagal na simula ng makilala ko ang kaniyang ama. Naaalala niya pa kaya ako? Si Elli kaya? Kamusta na kaya siya? I hope she's alright. I hope so. Alam kong naiintindihan ako ni Elli dahil nasabi sa akin ni lolo Dencio na naipaliwanag niya rito ang kalagayan ko bukod nga lang sa pagbubuntis ko.

"Precious Sky!" Nasa kitchen ako ng marinig ko ang boses ni lolo Dencio. Mabilis akong lumabas at yumakap sa matanda.

"Kamusta na kayo lolo?" I asked.

"Ayos lang, where's my apo?" Tanong niya agad. Natawa ako dahil mukhang namiss ng matanda ang anak ko.

"Noah! Come here! Lolo daddy is here!" I shouted to call my son. At hindi lang nagtagal ay lumabas na ang limang taong gulang na si Noah Schuyler sa aming harapan.

"Lolo daddy!" Sigaw niya at hinagkan ang ang lolo. Napangiti ako.

"How's my apo?" Lolo Dencio asked like a child.

"Still handsome lolo daddy! Look at my face!" Pagmamayabang ni Noah. Bigla tuloy nawala ang ngiti ko. Those lines...madalas rin itong ipagmayabang sa akin ni Hercules noon. Akalain mong mamamana pa ng anak niya yun?

"Tsk! Because of that..here's your new toy!" Inilabas ni lolo Dencio ang isang remote control car.

"Yehey! Te amo lolo daddy!" My son giggled. Tumakbo ito paalis ng makuha na ang laruan. Tumingin sa akin si lolo Dencio.

"Damn! He looks like just his father!" Natawa ako sa sinabi ni lolo.

"Kaya nga po.." sabi ko.

"Precious Sky...we need to talk about something." He said now serious.

Umupo kami sa living area at doon nag usap.

"It's been six years since you left Philippines right?" He asked. Tumango at agad kumunot ang noo.

"Hija...natatandaan mo pa ba yung...nasabi ko sayong kompaniya ng ama mo?" He asked.

"What about it?" I asked confused.

"Apollo managed it at sa loob ng anim na taon ay bumalik ito sa dati. At para mangyari yun ay ginamit namin yung pera mo na natitira na mula pa sa mga magulang mo. It means that you have a fifty percent shares in that company." Paliwanag niya.

Is he asking me to lead that company?

"Apollo is getting married hija...kaya hindi niya na maaabyan ang kompanya, samantalang ako naman ay pinapamahalaan ang sariling kompanya. Can you...check the company?" He said.

"Apollo...is getting married!" Bulalas ko. Hindi ako makapaniwala.

"Yes hija, isa pa may sarili ring kompanya na inaabyad si Apollo kaya wala na talagang mamumuno dito, ikaw na lang ang inaasahan ko." He explained.

Huminga ako ng malalim. Tama. Ito na rin siguro ang oras para buhayin ko ng mag isa si Noah. Kailangan kong mag sariling sikap. That company will give me salary! Noah's future is in that company! Hindi habang panahon ay mananatili ako kina lolo Dencio, nakakahiya naman. At isa pa ngayon lang siya nanghingi ng favor sa akin! I should accept it alright?

"So...it means I need to go back in the Philippines? Is it safe?" I asked.

"Of course, wala ng panganib but don't worry maglalagay ako ng bodyguards para kay Noah at sayo." He said. Tumango ako at pumikit ng mariin.

Hercules is in the Philippines! Damn! I'm nervous!

To Break the Chains (TCB#5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon