Kabanata 31

125 4 0
                                        

Missing

Nakaramdam ako ng kung ano sa aking tiyan. Halos hindi ako makahinga sa sobrang kaba. Pakiramdam ko ay gusto ko na lang maglaho na parang bula dito sa kinauupuan ko.

Everyone give him a hand shake, he humbly take it before he sat down on his seat. Tumungo ako at kinagat ang pang ibabang labi. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

Pumikit ako ng mariin. Damn this! Kaya ba ganun yung sinabi ni Apollo? Damn bakit hindi niya sa akin kaagad sinabi?

"Miss President?" One of board ask for my attention. I wear my most plastic smile on her. Pinigilan ko ang aking kaba at umakto sa kanilang harapan.

Hindi dapat akong magpahalata okay?

"Good afternoon Mr. Campbell." I greeted. Shit! I should gave myself a medal! Sumulyap ako kay Hercules na seryosong seryoso sa kaniyang inuupuan. He greet me with his serious eyes and I almost out of breath at that! I swallowed hard before I speak again.

"Since I already sign the contract this meeting is now adjourned." Mabilis kong sinabi.

"Congratulations!" Narinig kong sinabi ng iba. Kung sila ay natutuwa ako yata ay natatae na sa sobrang kaba. Lalo na ng magtama ang mata namin ni Hercules. Agad akong umiwas. Ibang iba na talaga. His gray is now more intense and serious. His handsome face is now very defined. His built become mature and manly. At sa palagay ko ay tumangkad siya!

He is so damn attractive on his black coat and red neck tie, hindi ako sanay. Madalas ko siyang makita noon na naka casual lang and now he's a business man!

"Ma'am picture taking na!" Halos tumalon ako sa sinabi sa akin ni Diana, hindi ko namalayan na nasa tabi ko na siya!

"H-Huh?" Mukhang nagtaka siya sa tugon ko. Ako ay pinagmasdan ang paligid na masayang nagkakamayan dahil sa successful na partnership. Nakita ko ring humahanay sila sa harap ng isang photographer! Wait! Mag papapicture?!

Damn! I should've not signed that contract!

"Ma'am picture taking na with Sir. Campbell. Shocks! Ang gwapo!" Tili pa ni Diana.

Para akong nakalutang habang dahan dahang naglalakad sa picture taking, may tumulak pa sa akin sa tabi ni Hercules. Para tuloy ako ditong constipated.

Halos hindi ako gumagalaw sa tabi ni Hercules habang pinipictura, tama nga ang hinala ko. Mas tumangkad siya dahil ngayon ay hanggang leeg niya na lang ako! Naka heels pa ako nan ha!

"Ayos na po!" Sabi nung photographer. Tumango ako.

Aalis na sana ako pero natigilan ako ng maglahad ng kamay si Hercules sa akin. Sa sobrang kaba ay parang tumigil ang oras ko. Ano mang oras ay tatakbo na ako palabas. Unti unting naglakbay ang paningin ko pataas patungo aa kaniyang mga mata. And his serious and dangerous eyes made me nervous.

"Congrats." His baritone voice made me shiver. Peke akong ngumiti at mabilis na tinanggap ang kamay niya.

"Thanks." Mabilis kong sinabi. Hindi ko tinanggal ang kamay ko dahil ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin. Iniiwas ko ang mata ko sa kaniya ng hindi ko na makayanan, bibitaw na sana ako pero natigilan ako sa huling salita niyang sinabi.

"And...long time no see too." He said before he let go of my hand. Tinalikuran niya ako at dire diretso ang labas sa conference room.

Para akong ipinako sa aking kinatatayuan. Gumalaw lang ako ng makita ko ang aking anak na tumatakbo patungo sa akin. Parang nawala ang bigat ng pakiramdam ko dahil kay Noah. Mabilis ko siyany binuhat at niyakap.

"Why mommy?" He asked dahil ngayon ko na lang ulit siya binuhat and he's so heavy!

"I love you baby." I whispered.

To Break the Chains (TCB#5)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon