Kabanata 12

82 4 0
                                    

Painful nightmare

Gulong gulong ako. Hindi ko malimutan lahat ng nangyari. Hanggang sa pagtulog ko mga mata ni Hercules ang nakikita ko. Hindi man si Elli nagtanong ng diretso sa akin alam kong nagtataka na rin siya kung bakit ganun na lang ang titig ni Hercules sa akin. And everyone in the school is also asking about me, kung anong relasyon ko kay Hercules at kung para sa akin ba yung mga sinabi ni Hercules.

Damn! My mind is never been this clouded!

"Sky!" Narinig kong tawag sa akin ni Elli, lumingon ako sa kaniya at nakita kong may itinuturo siya sa aking bagong customer. Tumango ako at lumapit na doon para kuhain ang order nila.

Inayos ko ang aking salamin bago lumapit, ngumiti ako sa dalawang babae na halos kasing edad ko.

"Ano pong order niyo?" I asked politely. Bumaling sa akin ang dalawa. They both look beautiful and sophisticated, halatang galing sa kilalang pamilya, pero agad bumilis ang tibok ng puso ko ng mapansin ang kanilang uniform! They are from FCU!

"Dalawang banana split please." The girl with the red lipstick said. Tumango ako at pilit na itinatago ang mukha.

Simula noong araw na iyon ng mapansin ng ilan kung gaano kasama ang tingin sa akin ni Hercules ay medyo naging matunog ang pangalan ko sa college department, lalo na sa Med Tech at Business. Nakarating na rin ito sa higher grades! Especially in the fourth year college where Hercules came from.

"Okay po, dadalhin-"

Naputol ang sinasabi ko ng nakita ko ang titig sa akin nung dalawa.

"Sky Valentino?" They both asked. Kinabahan ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Ayaw kong magsinungaling. Hindi ko alam kung bakit nangyayari ito! Kasalanan itong lahat ni Hercules! Ang sama talaga ng ugali niya! Hindi man lang niya naisip kung anong mangyayari sa akin kung sakaling makilala ako ng mga patay na patay niyang fans!

"O-Oo.." sabi ko. Tuwid akong tumayo doon. Relax Precious Sky wala kang ginagawang masama.

"You're working here? You're poor?" Maarte ang pagkakatanong nung isang medyo revealing ang uniform. Umawang ang labi ko sa mga tanong niya. Gusto ko silang barahin. Ano naman kung mahirap ako? Does it matter?!

"Nagtatrabaho ako dito." Malamig kong tugon.

"Usap usapan na may relasyon ka kay Hercules pero niloko mo siya kaya galit siya sayo. Hercules is a playboy you know that at hindi matanggap ng lahat na ang isang katulad mo ang manloloko kay Hercules. Ang kapal naman talaga ng mukha mo?" The girl with a red lipstick said. Nagngitngit ang aking mga ngipin. I don't want to cause a fight.

Hangga't kaya ko ay kaya kong manahimik, isipin na hindi ko sila naririnig kahit sa loob ko ay gusto kong lumaban. I want a peaceful life here.

"Hindi totoo yan. Wala akong relasyon kay Hercules, at hindi ko rin siya niloko. Siguro ay nagkakamali lang si Hercules. Hindi ako yun." Sabi ko at tumalikod na para umalis.

Buong buhay ko madalas akong mangarap ng payapang buhay. Yung walang problema. Pero sa mundong ito mahirap yata yung makamit. This world is cruel, if you are weak you'll lose without fighting.

Tahimik akong nagbabasa sa loob ng library dahil wala kaming professor ngayon, tamang oras din ito para gumawa ng mga assignment dahil may trabaho pa ako mamaya. Kaya naman ginugul ko ang oras ko doon. Dahil sa tuwing nasa gitna ako ng maraming tao sa loob ng school na ito wala akong naririnig kundi ang posibilidad ng relasyon ko kay Hercules.

How many times do I have to tell them that we don't have any relationship? They will not believe me. That's human nature, the more you want to believe them the more they will close their mind from the truths.

"Let's talk Sky Valentino." Isang pamilyar na boses ang narinig ko sa aking harapan. Tumaas ang tingin ko dito at nakita ko ang kaniyang abong mga mata. Those are the eyes that I once adore but right now I just want to close my mind to erase those feelings.

Umiwas ako ng tingin sa kaniya. Pero umupo lang siya sa harap ko. I ignore his presence even though it's hard. My heart is pounding harshly inside my chest, kahit ang paghinga ay nakalimutan ko na yata.

"Who's that boy?" He asked. Hindi ako tumingin, nanatili ang mata ko sa librong hawak ko kahit wala namang pumapasok sa utak ko sa aking pagbabasa.

Boy? Si Elton? Bakit? Anong pakielam niya? Why is he asking?

And why is he here? Mas lalong dadami ang usap usapan kapag nakita kami ditong magkasama!

"Goddamn it Sky! Answer me!" Halos mapatalon ako sa sigaw na yun. Kunot noo ko siyang tiningnan. The librarian just look at us but when she saw Hercules agad na umalis, napansin ko din ang nakasaradong pintuan ng library, probably kaya walang pumapasok na ibang tao.

"Hindi ko obligasyong...sagutin ang mga...tanong mo." Malamig kong sinabi at niligpit ang mga gamit ko. Pero inipit niya ang mga libro gamit ang kaniyang mga kamay para hindi ko ito maayos. Matalim ko siyang tiningnan pero ang kaniyang mata ay sumisigaw ng awtoridad.

Why is he like this? I am trying to stop everything and put everything into it's right places but why is he not cooperating?!

"I get it! You don't like me? Why? You like that boy instead?" He asked mockingly. Nagtagis ang bagang ko. Hercules is soft and funny but when he's angry like this he's becoming a monster, a beautiful monster.

"Ano naman yun sayo? Paano kung sabihin kong oo! May magagawa ka ba?!" Hindi ko na napigilan ang pagsabog. His eyes is remained that way, dark and hot. It's raging on fire.

"Hercules wag kang magpanggap na para bang gustong gusto mo ako gayong alam kong mahilig kang maglaro! At alam mo ba..." I swallowed hard. I looked at him as same intensity with his.

"...tahimik ang buhay ko eh! Lumapit ka lang sa akin gumulo na ang lahat! At hindi ako makakapayag na sirain mo ang buhay ko! Wag mo akong itulad sa mga babae mo!" I shouted in rage.

Pinilit kong wag maiyak kahit pa gustong gusto na nitong kumawala. Nakita ko ang pagpikit niya ng mariin at pagtagis ng kaniyang bagang. Nang magmulat siya ay hindi ko inasahan ang pagpungay ng kaniyang mata...na para bang...hindi niya kinaya lahat ng sinabi ko.

Totoo ang lahat ng sinabi ko! Imposibleng sa ilang buwan lamang ay nahulog na siya sa akin?

"I'm not treating you like the other girls.." he said softly. Para akong matutumba sa malambot niyang boses. Konting konti na lang mabubuwag na ako sa kinatatayuan ko. Konting konti na lang bibigay na ako.

"I like you. And to tell you honestly...I am new to do this. I am very fucking new to this. It's not even in my fucking vocabulary..." he said a bit disappointed for himself. I bit my lower lip.

Is that true? Paano kung...

"And I'm sorry for dragging you into this mess. You're right...I have no right to be jealous..." nakita ko ang pagpikit niya ng mariin na halos magpakirot sa aking puso.

"But I am so sorry...because I am fucking jealous.." he almost whispered.

Hindi ko na kinaya lahat ng sinasabi niya. Bago pa pumatak ang aking mga luha. Mabilis kong kinuha ang aking mga gamit at patakbong umalis sa library. Pumikit ako ng mariin habang tumatakbo.

Just run Precious Sky. Forget what you heard, consider it as a nightmare, a painful nightmare.

To Break the Chains (TCB#5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon