Kabanata 19

85 4 0
                                    

Rebound

Naging mas maayos ang mga araw ko. Hindi ko man aminin pero ngayon lang ulit ako nakaramdam ng saya, I am happy while I was with Elli and her family but right now I am very much happy.

Pero kapag tinitigan ko ang calendaryo unti unti din akong bumabalik sa reyalidad na hindi ito magtatagal, na magtatapos din ang lahat ng ito. Na ang kasiyahan kong nararamdaman ngayon ay permanente lamang.

"Sky..." tawag sa akin ni Hercules habang kumakain kami ng lunch dito sa roof top. Bumaling ako sa kaniya at napatigil ako sa pagkain.

"Ano?" I asked.

"This coming week my world tour kami.." napatitig ako sa kaniya.

This coming week? It means wala siya sa last week namin? This is our last week of our deal. Hindi ko alam pero nasasaktan ako sa sinabi niya. Nakakaramdam ako ng pangungulila kahit hindi pa naman talaga nangyayari.

"Buong banda kayo?" I asked like it's nothing. Sumandal siya sa kaniyang upuan at pinagkatitigan ako.

"Yes, ayaw ko sanang pumunta." Diretso niyang sinabi. Agad akong napatigil sa sinabi niya. He can't do that. Hindi niya dapat tanggihan yun!

"Pumunta ka Hercules." I convinced him. His serious eyes bore onto mine. Mukhang alam ko na ang iniisip niya.

"Ayaw mo akong makasama?" He asked out of nowhere. I stared at him for a moment. His eyes is now furrowed. He looks irritated.

"Dapat kang sumama Hercules." Tanging nasabi ko. Lalo pang kumunot ang noo niya.

"You know how much this week means to us right?" He asked now frustrated. Kitang kita ang dilim sa kaniyang mata na para bang unti unti nang nagagalit sa akin. Siguro iniisip niya na walang halaga ang lahat ng ito para sa akin kaya siya ganiyan maka react? Hindi niya alam ba sobra akong nalulungkot. At hindi ko yun sasabihin sa kaniya. Mas mabuti na ring ganito dahil mas mai-reready ko ang sarili ko.

"Hercules, banda mo yan. Maaapektuhan ang banda kapag hindi ka pumunta." Mariin kong sinabi. Nakita ko ang pag igting ng kaniyang panga.

"But I wanna spent this whole week with you, you don't like it?" He asked a bit calm now. Pumikit ako ng mariin dahil nasasaktan ako sa tono ng kaniyang pananalita. God knows how much I want to be with you Hercules. But I know we can't. Pinagbibigyan ko lang ang sarili ko sa isang buwan na ito dahil pagkatapos nito it's over. Everything is back to normal.

"Mas mahalaga ang banda Hercules." Sabi ko at tumayo na para makaalis dun dahil hindi ko na kinakaya ang usapan na ito.

Nakatalikod na ako ng marinig ko anh bigo niyang boses.

"So it's not important to you.." he said.

Hindi na ako nagsalita at nagtuloy tuloy na sa paglalakad. Siguro ay galit na sa akin ngayon si Hercules. Pero kahit anong sabihin ko. Gustuhin ko man ang panatagin ang loob niya sa huli naiisip ko na hindi rin naman ito permanente. Ang lahat ng ito ay magtatapos. Maybe our last week is not meant to be for us. I need to accept it or I'm just gonna hurt.

Nang matapos ang klase ay walang nagpakitang Hercules sa akin. Naisip ko na rin ito kanina. Maybe Hercules realized that I did not care for him. Hercules think that I did not fall for him. But the truth is...he won. I fall for him. I love him. I want to be with him. But we can't.

"Ayos ka lang Sky?" Elli asked me while I'm putting the orders from the kitchen. Napansin niya siguro ang mga kilos ko. Hindi ko nga magawang ngumiti sa mga customer eh.

"Oo naman. I need to be okay Elli." I said. Nabigla siya ng magsalita ako ng ingles. Wala na akong pakielam. Sa panahong ito wala na talaga akong pakielam. Makilala nila ako bilang Echavaria wala akong pakielam! Makita nila ang totoo kong mukha wala na akong pakielam!

I am so tired of hiding! I am so tired of hurting! Ayaw ko na!

"Sky.." narinig ko ang awa kay Elli. Hindi ko kasi napansin na tumulo na ang mga luha ko kaya hinila niya ako patungong CR, ng mai-lock niya ito ay agad ko siyang niyakap doon ako humagulhol.

"I am so tired Elli. I wanna quit. I don't want to hide anymore. I want to be free..." i whispered while sobbing. Tinapik niya ang aking likod at pinatahan ako. Right now I am so damn drained. Pagod na ako. Physically, mentally and emotionally.

"Ano bang nangyari?" Nag aalalang tanong ni Elli. Nanatili akong nakayakap sa kaniya.

"I...love Hercules." I whispered. Kasabay ng mga salitang yun ay ang pagtulong muli ng mga luha ko. Those words makes my heart ache.

"Sky...stop crying..it'll be okay." She assured me.

Nang makauwi kami sa dorm ay hinayaan na ako ni Elli na magpahinga. Siguro dahil sa pagod at pag iyak kanina kaya mabilis akong nakatulog sa gabing yun. At para akong bumalik sa mga panaginip ko. My dream is about my nightmares. My mother and father in the arms of the bad guy but the different is...I saw Hercules...looking at me with his soulful eyes.

Nang magising ako ay para akong nawalan ng hininga. Pero agad ko ding kinalimutan ang panaginip na yun ng sabay kaming pumasok sa school ni Elli. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang pag aalala ni Elli pero hindi na siya umimik.

Ramdam ko na ang malaking pagbabago sa araw ko dahil hindi ko man lang nakita ang anino ni Hercules simula kanina. Alam kong hindi pa sila nakakaalis sa World tour dahil alam kong next week pa yun. At siguro ayos na rin ito. Mukhang napaagap ang pagtatapos ng isang buwan namin parehas. Marahil ay nakalimutan niya na ako. Siguro'y naka move on na siya at hindi niya na ako kailangan. The purpose of that one month is for us to forget our feelings pero mukhang mas lumalim pa ang nararamdaman ko.

Hercules is a playboy, his feelings will not last long it will eventually fades.

Sumama ako kay Elli at Elton sa lunch. I was quite the whole time, si Elli at Elton ang madalas nag uusap about sa subjects nila.

Pero ang hindi ko inaasahan ay ang pag iingay ng mga kababaihan sa cafeteria. Isang dahilan lang kung bakit umiingay ang cafeteria. Nandito ang Constellation band! Dinagundong ako ng kaba. Nanahimik din si Elli at Elton na para bang alam nila pareho ang aking suliranin. I swallowed hard. At sa huli napagdesisyonan kong wag na lang tumingin sa banda nila. I decided to quietly eat the fries in front of me.

"Sky...alis na tayo?" Aya sa akin ni Elli, nagsimula na siyang magligpit ng gamit si Elton naman ay nanatiling nakaupo at nakatitig ss akin.

"Ayos ka lang Sky?" Elton asked worriedly. Bakit ganun? Alam na alam nila parehas ang nararamdaman ko pero nagtatanong pa sila kung ayos lang ako? Of course not, I'm not okay but I need to.

"Okay lang ako. Mamaya na tayo umalis Elli, hindi ka pa nga tapos kumain." Pinilit kong tumawa para ipahiwatig sa kanila na ayos lang talaga ako. Tumango si Elli at marahang umupo sa kaniyang pwesto.

"Siya si Bernadette Cruz, right?" Narinig naming sinabi ng isang babae malapit sa amin. Kumunot ang noo ko. Narinig ko ang marahang mura ni Elli,

"Oo! Come back nila ni Hercules?! Mag ex sila di ba?!" OA na sinabi pa ng isa.

Sumubo ako ng fries at pinilit itong ilunok kahit parang may nagbabara sa aking lalamuna. My eyes wanted to look but my mind and heart couldn't.

"Oo nga! Ang alam ko dati siyang nag aaral dito! Pero ng naging artista ay lumipat ng eskwelahan! Bakit nandito siya ngayon?" The other girl asked.

"Kasi..ang alam ko kasama sa world tour si Bernadette Cruz dahil gagamitin daw ng isang movie ni Bernadette yung isang kanta ng Constellation."

"Pero....akala ko ba...si Sky Valentino ang girlfriend ni Hercules?"

That question made me still. Hindi na ako makalunok ngayon.

"Baka naging rebound?" Sabi ng isa kasunod nito ang tawanan. Pumikit ako ng mariin.

"Come on Sky, let's get out of here." Nabigla ako sa ginawa ni Elton dahil bigla niya akong hinila palabas ng cafeteria! Nanlaki ang mata ko dahil lahat pala ay nagmamasid sa akin!

Damn!

Pero bago kami makaalis ni Elton ay sumulyap ako sa table ng Constellation. And then I saw Hercules, looking at my direction with his charcoal dark eyes.

To Break the Chains (TCB#5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon