Kabanata 4

106 4 0
                                    

Let's play

"In fairness ang gwapo ng banda ni Aries!" Tuwang tuwa na sinabi ni Elli habang nakahiga kami sa sarili naming kama. Ngumisi ako sa sinabi niya.

"May crush ka doon ano?" Natatawa kong tanong.

"Wala ah! Ikaw nga diyan ang natulala kay Hercules eh!" Pang aasar niya. Ngumuso ako sa sinabi niya.

"Hindi ako natulala! Sus! Mas madaming gwapo dun!" Sabi ko. Tumawa siya sa sinabi ko.

"Ingat ka Sky! Babaero daw yun si Hercules. Tsk! Pinaglalaruan niya lang ang mga lalaki!" Natatawa niyang sinabi. Kumunot ang noo ko.

"I'm not here to have that kind of romance, actually I don't have a plan at all." I said to stop her from joking around.

"Sabagay, sa lagay mo mahirap ang magkaroon ng relasyon." She said.

Her words keeps playing on my mind in that night. Tama si Elli. Hindi ko kailangan ng ganiyan para magpatuloy sa buhay. At isa pa problema ko lang yan. I have so many secrets and I'm not ready to tell it to someone.

Kinabukasan ay agad akong pumasok sa first class. At nang dumating ang hapon ay dumaan kami ni Elli sa faculty para magpasukat ng uniform. Our uniform are different from the others. It will be all white dress uniform.

Nang pumasok ako sa last class ay agad akong nakaramdam ng pagod. Marami ng pinapagawa ang mga professor kahit simula pa lang ng klase, iniisip ko tuloy na baka mas mahirap pa sa mga susunod na year. Kinakabahan na tuloy ako.

Sumasakit na talaga ang ulo ko. Shit! Pakiramdam ko ay magkakasakit pa yata ako!

Umupo ako sa isang kiosk para maghintay kay Elli para sa pag uwi. Pero nag text siya sa akin na matatagalan siya kaya pinili ko munang pumunta sa library para magbasa. Agad akong dumiretso sa bookshelves at mas lalo ko lang naramdaman ang kirot ng aking ulo.

Nang may makitang libro na tungkol sa medicine ay agad ko itong nakuha pero pagkaharap ko patungo sa table ay agad kong nakita si Hercules na nakaharang sa daraanan ko. Nakacross ang mga braso at nakangising nakatingin sa akin. Halos lumabas ang puso ko sa kaniyang ayos.

"Hello Miss Valentino." Mapaglaro ang kaniyang tinig. Ano bang kailangan ng lalaking ito sa akin? Bakit lagi na lang siyang sumusulpot sa harap ko? Atsaka paano niya nalaman ang apelyido ko? Tss. Nakalimutan ko kanila nga pala ang school na ito.

"Wala akong panahon para kausapin ka." Malamig kong sinabi at nilampasan ko siya. Napapikit ako dahil sa pagkirot ng aking ulo.

"Whoa! Why are you so snob Miss?" At talaga namang umupo pa siya sa harap ko. Hindi ko siya sinagot, binuksan ko ang libro na hawak ko at nagbasa doon.

"Do you know why I'm here?" He asked again. Huminga ako ng malalim. Manhid ba siya? Ayaw ko siyang kausap kaya bakit hindi pa siya umalis?! Binagsak ko ang aking libro sa gitna naming dalawa at tumingin sa kaniya ng mariin.

"Hindi ko alam at wala akong balak alamin." Mariin kong sinabi. Imbis na magalit ay mukhang natutuwa pa siya sa sinabi ko. Ganito ba talaga ang mga playboy? Hello? Hindi niya nakikita ang ayos ko? I am fair and have a pointed nose but hindi niya ba nakikita ang bangs at thick eye glasses ko? Hello! Hindi mga kagaya ko ang tipo ng mga lalaking katulad niya!

"Suplada.." he mocked. Hindi ko siya pinansin at binaba na ang tingin sa aking libro.

"Maniningil lang kasi sana ako eh.." tawa tawa niyang sinabi. Napatigil na naman ako sa pagbabasa. Tumaas ang kilay ko. This guy is now getting on my nerves.

"Wala akong natatandaang utang ko sayo." Usal ko. Humalakhak siya. Damn it! Why is he so...

"Miss, ipapaalala ko lang sayo...mahal ang presyo ng sampal mo." Bulong niya habang nakalapit sa aking mukha. Pinilit kong wag kabahan pero iba ang kaba na nararamdaman ko ngayon! Ibang kaba sa mga lalaking nagtangka sa akin noon. What is the difference? I don't know.

Padarag akong tumayo at kinuha ang aking libro, pumunta ako sa bookshelves, naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin. Huminga ako ng malalim.

"Magkano?" I asked. Kung ito lang ang paraan para tigilan niya ako. Nakita ko ang ngising tagumpay sa kaniyang mga labi.

"I'm not accepting any money...Sky." he said. Damn! Napalunok ako dahil sa sinabi niya lalo na nang banggitin niya ang pangalan ko.

"Ano?" Mahinahon kong tanong kahit pa sobrang nagwawala na ang puso ko.

"Date me."

Natigilan ako sa sinabi niya. Napatingin ako sa kaniya. He's now serious and his brow is now furrowed. Tiningnan ko siya ng seryoso. Kahit matangkad ako ay hanggang baba niya lang ako. At hindi ako makapaniwala na sinabi niya ang mga salitang yun. Hindi siya ang unang nagsabi sa akin nan pero...bakit parang iba ang dating ngayong galing ito sa kaniya?

"Nagpapatawa ka ba?" Hindi ko alam kung bakit bigla akong nainis sa kaniya. He's a playboy. I know he wants me to date him because I'm now one of his experiments. Nakakatawa naman kung ganun. Siguro nga ay bulag siya.

"Mukha ba akong clown?" Nagtaas kilay siya sa akin. He's funny and witty. Punong puno rin ng confidence ang kaniyang katauhan. Umatras ako inirapan siya.

"Hindi ako pumapatol sa isang katulad mo." Sabi ko at nilampasan siya.

Pero mukha yata siyang pursigido dahil sinundan niya ako hanggang sa makalabas ng library. Mabuti na lang at kaunti na lang ang tao.

"What? Tss. Sa isang katulad ko? I am Hercules Noah Miss Valentino. Wala pang tumatanggi sa offer ko!" Sabi niya na mukhang nainis sa sinabi ko kanina. Humarap ako sa kaniya at malamig siyang tiningnan.

"Pwes ngayon may tumanggi na sayo. Tandaan mo ang araw na ito...ang isang Sky Valentino ay tinanggihan ang isang Hercules Noah Campbell." Sabi ko. I saw how his jaw clenched.

Hindi ko alam kung anong nakita niya sa akin at bigla siyang nag offer ng ganun. My disguise is to hide my beauty from the guy like him at ngayon, hindi ko maintindihan na lumalapit siya sa akin ngayon. Hindi man ako sobrang pangit tingnan pero guy like him wants the beauty of Precious Sky Echavaria and not Sky Valentino.

"Bakit mo ba ginagawa ito? Didiretsuhin na kita ha? Hindi ako ang tipo mo at alam kong pinaglalaruan mo lang ako at hindi ako ang tipo ng babae na nagpapalaro." Muli kong sinabi.

His funny aura is gone now. He looks mad and a bit irritated. Minsan lang ang ganito niyang mood. At hindi ko alam na may mas gagwapo pala kapag galit!

"Then let's play Miss Sky Valentino and if you lose you'll date me." He said before he left me dumbfounded.

Wait! What did he say?

To Break the Chains (TCB#5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon