A fool to believe
Bumalik ako sa aking opisina at doon kinalma ang sarili pero wala pang minuto akong nakaupo ay isang tawag na ang natanggap ko.
"Ma'am, Sir Campbell need the report for today's shifting, bawal daw pong magpabukas." His secretary called me.
I gritted my teeth when I saw the time. It's already 5 pm and he's asking me to do his fucking report?! Is he asking me to over time?! At bawal ipagpabukas really?!
"Tell him I will." Sabi ko at in-end ang call. Nagpupuyos ang dibdib ko sa galit. Padabog kong binuksan ang aking laptop at doon at nanggawa ng report. Nagpaalam na sa akin si Diana na aalis ay hindi pa rin ako tapos. Napapikit ako dahil kumirot ang sentido ko. Damn! Mamamatay ako sa inis!
Halos mag aalas niyebe na ako natapos sa report! Wala pa rin yung van at mga bodyguard ko kaya nag grab na lang ako patungo sa E-TECH, medyo kinabahan pa ako dahil hindi naman ako sanay, pero wala namang ibang nangyari kaya ligtas akong nakarating sa E-TECH. I saw the security guards kaya doon ako lumapit.
"Nandiyan pa ba si Mr. Campbell?" I asked.
"Opo ma'am, nasa opisina niya." They said. I nodded before I proceed in the elevator. I sighed. I missed Noah. I wanna hug him right now. Gabing gabi na, susunduin ko pa siya kina lolo Dencio.
Nang makarating sa tamang palapag ay dumiretso na ako sa office niya. Kahit ang kaniyang secretary ay wala na! Sino pa bang baliw na tao ang nagtatrabaho sa ganitong oras sa opisina? Sino pa ba? E di si Hercules lang!
I knocked on his door before I heard his cold voice,
"Come in." He said. Hinanda ko ang sarili ko at binuksan na ang pintuan. I saw him sitting on his swivel chair and in front of him is his laptop. Medyo dim ang lights ng kaniyang office kaya kitang kita ang kaniyang mukha dahil sa liwanag ng laptop. His perfect jaw is very perfect on his handsome face. His deep and gray eyes is very serious, wala kang makikitang humor dito na noon ay punong puno. Ang dami na talagang nagbago. Pero sa kabila ng lahat ng pagbabago ay hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman ko para rito. I fell in love deeply and I don't know how to survive anymore.
"This is the report you were asking me to do." I said in a very serious tone. Nilapag ko sa kaniyang mesa ang folder. Walang tingin tingin niya itong inabot. Hindi ko alam pero naiinis ako. Sobra ba talagang importante ang nasa laptop niya at hindi niya man lang ako magawang tingnan?
I saw how his brow furrowed when he read my report. Binasa niya ito mas lalong nagdilim ang mga mata. Napaayos naman ako ng tayo ng inilipat niya sa akin ang kaniyang tingin.
"What is this? A fucking report or an essay?" He asked a bit annoyed. I gritted my teeth. How dare him! Alam naman niyang wala akong karanasan dito tapos ganiyan siya makapag tanong?
"I told you wala pa akong experience sa trabahong ito! Atsaka late na ng sabihin mong gawin-"
"Revise it." Walang emosyon niyang sinabi at binaba muli ang tingin sa kaniyang laptop. Nagtagis ang bagang ko sa inis. Revise it? Baliw ba siya? It's already 9 pm!
"It's already late! Bukas ko na ito gagawin!" Pag alma ko. Tumigil siya sa pagtipa sa kaniyang laptop at matalim akong tiningnan.
"Do it or I will end that freaking contract? You choose." He said in a very dark tone. Nag alab ang galit at iba't ibang emosyon sa akin. Parang gusto kong sumabog at umiyak. Hindi ko na alam ang gagawin. Dapat ko ba itong tanggapin? Ito ba ang revenge niya? He said that he won't be contented until I am lost and nothing? Ito ba ang paraan niya?
"Fine! Pahiram ng laptop!" I said trying to calm my nerves.
Itinuro niya ang mini salas niya sa office at doon ay nakita ko doon ang laptop. Padabog akong pumunta roon at binuksan yun. This laptop is new. Mukhang hindi pa nagagamit dahil kaunti lang ang files na nakikita ko. Doon ko nga ginawa ang report. Kahit medyo inaantok na ako ay wala akong magawa kundi ang tapusin ito.
BINABASA MO ANG
To Break the Chains (TCB#5)
Romansa"Sufferings, hatred and loneliness is like a chains that lock you in a dark place, it forbid you to see the light, but there's someone who will break those chains and let you see the light freely." -Precious Sky Echavaria
