Do not flirt
Sa mga taon na nagdaan hindi pa ako nakakaramdam ng ganito sa kahit sinong lalaki na nakakasalamuha ko. Kadalasan takot lang ang nararamdaman ko dahil ilang beses akong napagtangkaan ng mga lalaki noong bata ako. Ilang lalaki ang gustong makakuha sa akin and also because of me why my parents died. Kaya ngayon hindi ko alam kung anong kaba itong nararamdaman ko kay Hercules.
Alam kong hindi ito kaba dahil sa takot, it is something else at natatakot akong ito ang maging dahilan sa pagkakatigil ko sa mga plano ko sa buhay.
My plan is to break the chains that's keeping me unwanted. The chains are the bad memories I had in the past. Gusto kong malaman ang lahat kung bakit ganun na lamang ang galit at kagustuhan ng mga taong yung kung bakit nila pinatay ang mga magulang ko. Gusto kong malaman...kung bakit ako nagtatago...kung bakit wala akong kalayaan. At itong nararamdaman kong ito ang magiging hadlang sa mga plano ko.
Gusto kong maging successful at ganap na malakas para pag dumating ang araw ay mahanap ko ang hustisya para sa mga magulang ko. Sobrang tagal ko ng iniintay ang panahon kung saan mahaharap ko ang mga masasamang taong yun at ako mismo ang magdadala sa kanila sa impyernong pinasok ko. I will make them suffer, I will have my revenge no matter what. I will lock the chains around them and let them experience the sufferings.
"Hay! Second sem na! Kailan mo kukunin ang grades mo?" Tanong ni Elli habang nandito kami sa counter ng restaurant, wala gaanong customer kaya nakatambay lang muna kami.
"Baka bukas, ikaw?" I asked back. Nakita ko ang malalim niyang pag iisip.
"Sasabay sana ako sayo, ayos lang ba sayo na kasama si Elton?" She asked.
"Walang problema." Sagot ko.
It's been months since I last talked to Hercules and that was heated. Siguro natauhan siya sa mga sinabi ko. Siguro naisip niya na wala naman talaga siyang mapapala sa akin. Siguro na guilty na siya sa ginagawa.
Since then hindi ko na siya nakita, ang tanging balita ko na lang sa kaniya ay ang mabilis niyang pagpapalit ng mga babae. Kahit sa labas ng school ay alam ito. His fans are very willing to be his girl, at nasisiyahan pa sila dito.
Tama na rin siguro yun, tama lang ito. Dapat lang na lumayo siya dahil hindi siya karapat dapat sa magulo kong buhay. His life is perfect, with the people who loves him so much, he is perfect.
Alam kong isa lang ako sa mga babaeng dinaanan niya, at maswerte ako dahil hindi ako nagpadala sa kaniya pero...
Hindi ko maintindihan kung bakit nalulungkot ako. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing naririnig ko ang balita na may bago siyang babae ay kumikirot ang puso ko? Baliw na siguro ako. Tanga siguro ako. Bakit ako masasaktan gayong tama lang naman ang lahat ng ito? Alam kong hindi pa ito malalim at hindi na dapat palalimin pa.
Nang matapos ang aming shift sa trabaho ay agad kaming nakatulog pag uwi ni Elli dahil sa pagod. Kinabukasan ay agad naman kaming nag ayos para kuhain ang grades namin at mag papaenrol na rin kami para sa second semester.
I am wearing my sleeveless shirt top and high waist jeans paired with a sneakers while Elli is wearing her crop top and jeans with her rubber shoes.
Maraming estudyante ang bumungad sa amin sa araw na yun. Ang iba ay masayang masaya sa grades na nakuha nila. Hindi naman ako kinakaban sa grades ko dahil tiwala naman ako na maayos kong natapos ang semester na ito.
"Elton!" Tawag ni Elli kay Elton na nag iintay sa amin sa gate. Ngumiti ito sa amin kaya ganun rin ako. This guy is also handsome hindi nga lang pansinin dahil tahimik ito.
"Kanina ka pa?" Tanong ni Elli. Nakita ko ang pagsulyap sa akin ni Elton bago sumagot kay Elli.
"Hindi naman." Sagot nito.
BINABASA MO ANG
To Break the Chains (TCB#5)
Romance"Sufferings, hatred and loneliness is like a chains that lock you in a dark place, it forbid you to see the light, but there's someone who will break those chains and let you see the light freely." -Precious Sky Echavaria
