Ilang taon na rin ang nagdaan, ilang taon ko ring pinilit na kalimutan ka.
Ilang beses kong tinangkang bumalik para makita ka.
Ilang maraming beses kitang iniyakan pero wala na.
Natuto ang puso kong kalimutan ka, para sa kaligayahan ng buhay ko kasama ang anak nating dalawa na kasama sa mga alaalang kinalimutan mo.Tanggap ko nang hindi kana babalik pa saakin, tanggap ko ng wala ng akin.
Makalipas ang ilang taon ikaw ay naging alaala na lang na nasa panaginip ko nabubuhay, gaya ng nasa nakaraan, na minsan mo akong minahal ay isang panaginip lamang.
Handa na ba talaga akong palayain ka, at makitang makasama ang iba? Anim na taon ang aking tiniis, anim na taong wala ka, anim na taon.
Sa loob ng anim na taong wala ka, labis na nagluksa ang puso ko, buhay ka nga't nakakagalaw, munit wala naman ka naman saaking tabi. Wala akong karapatang husgahan ka, sigawan ka, dahil ako lang naman ang may kasalanan.
Sa pagbabalik ko ba, maalala mo na ako? O tuluyan mo na ngang nilimot ang alaala nating dalawa, na minsan nating pinaglaban at pinahalagahan.
To be continued...
BINABASA MO ANG
HE IS MY HUSBAND 2 (COMPLETED)
RandomPagkatapos pagtabuyan ng lalaking minamahal ay umalis nang Pilipinas si Eunice Gray Lawrence , dala-dala sakanyang sinapupunan ang kanilang anak na hindi man lang maalala ng kanyang asawang si Alexander. Nawalan ito ng alaala at nagka- amnesia at an...