NAGISING AKO NANG MAAGA dahil sa pagsusuka ni Baboy, kaya naman ay halos hindi na ako nakatulog, halos isang linggo na siyang ganito at ako na ang nahihirapan para sakanya.
" Oh, inumin mo ito." Inabot ko sakanya ang tubig na agad naman ininom ni Baboy. "Kamusta baboy ang pakiramdam mo? Nagugutom ka ba?" Umiling naman ito. Inihiga ko lang ito sa kama at inayos ang kumot. Pagod na pagod ito at halatang nanghihina na nang sobra.
" Anung oras na Manunusok?" Tinignan ko ang orasan.
" 3:45 am, gusto mo bang hilutin ko ang ulo mo Baboy?" Tumango naman ito.
" Yes please. " Agad akong pumunta sa tabi nito at isinandal sa lap ko ang ulo niya at doon ipinatong ang ulo niya.
" Sana ako na lang ang nahihirapan, I can't see you like that, how I wish I can take all the pain from you. " Ngumiti naman ito na ikinainis ko. "Wag kang ngumiting Baboy ka! " Singhal ko dito.
" Alam mo manunusok, minsan, may sense ka rin palang kausap. Hahaha! " Napairap na lang ako, nang mga nagdaang araw mas nagiging bully siya, lalo na saakin. Mas mabuti na iyon kaysa sa patulugin na naman niya ako sa ibang kwarto.
" Alam mo Baboy, nalulungkot ako at nagagalit sa sarili ko."
" Hmm why?" Huminga ako nang malalim at pinagpatuloy ang pagmasahe sa sentido niya.
" Because I'm useless, looking at you like this, at sa isiping mas higit pa rito ang naranasan mo noon kesa ngayon ay dinudurog na ang puso ko. Napakawalang-kwenta kong asawa."
" Wag mo nang isipin ang mga bagay na nangyare sa nakaraan, nakaraan na yun. Ang mabuti ay ang ngayon, ang isipin mo at ang pahalagahan mo ay ang ngayon, dahil ang nangyare sa nakaraan, wala ka nang mababago doon, ang magagawa mo na lang ay ang wag hayaang mangyare yun ulit. Tsaka kahit anung mangyare, alam ko namang babalik ka saakin. " Natigilan ako at bahagyang kumunot ang noo ko.
" Hmm bakit? " Tanong ko, tumawa naman ito bago idinilat ang mga mata at tinitigan ako.
" Because you're my Husband. Marami ang depenisyon nang salitang Husband, pero saakin ang kahulugan noon ay lalaking nagmamahal nang lubos sa iisang babae. Iisang babae lang, na kahit na paglayuin man sila nang babaeng yun gagawa ang lalaking iyon nang paraan, makabalik lang sa minamahal niya. Husband is a definition of a man, who truly love his girl, his wife. The word that I want to say," ngumiti naman ako.
" Hahaha! At anu naman iyon baboy? " Ngumiti lang ito. At tinitigan ako.
" That you, is my Husband. If anyone wants you to take away from me, they'll go to hell, while saying 'He is my Husband'. " Hindi ko na napigilan pa ang mapangiti at mapasubsob sa leeg nito.
Puta! Kinikilig ako!
NATAWA NAMAN AKO sa naging reaksiyon ni Xander, akala ko ay magyayabang ito. "Hahaha! Nakakakilig anu? Kapag may lumapit sayu sasabihin ko lang, 'He is my Husband, leave or die. ' " Mas isinubsob pa nito ang mukha sa leeg ko na ikinatawa ko na naman nang malakas.
Ganito si Xander kapag kinikilig at ayaw iyon ipakita saakin. At syempre, saakin lang siya pwedeng kiligin. Baka makapatay ako.
" Magtigil ka na ngang baboy ka! Alam ko namang patay na patay ka saakin, kaya alam ko na yan! " Singhal nito nang tumawa ako nang malakas. Nakatingin na ito nang masama saakin ngayon.
" Hahahaha! Ikaw kaya patay na patay saakin, nagustuhan kita nung ikinasal ka lang saakin eh, eh ikaw simula nung mga bat——
" Titigil ka o papakainin kita nito!" Natigilan naman ako nang ipakita nito saakin ang mansanas na hawak niya, lakas na naman nang tawa ko.
BINABASA MO ANG
HE IS MY HUSBAND 2 (COMPLETED)
RandomPagkatapos pagtabuyan ng lalaking minamahal ay umalis nang Pilipinas si Eunice Gray Lawrence , dala-dala sakanyang sinapupunan ang kanilang anak na hindi man lang maalala ng kanyang asawang si Alexander. Nawalan ito ng alaala at nagka- amnesia at an...