GRAY POV...PAGKATAPOS nang pag-uusap namin ng ina ni Xander ay pumasok si Mommy sa loob ng kwarto ko.
" Hinihiling nila na sana ma-ipasyal naman nila si Spark kahit isang araw lang." Tinignan ko si Mom at alam kong sang-ayun siya sa bagay na yun.
" Psh. "
" Anak, karapatan din ni Spark makilala ang ilang pamilya niya. Wag sana nating ipagkait yun sa bat!"
" Wala akong pinagkakait kay Spark Mom. Ayaw ko lang makitang masaktan ang anak ko sa huli, ayaw kong umasa si Spark sa pamilyang sa huli iiwan siya."
" Pero anak--
" Pwede ba Ma? Ako ang ina ni Spark. Ako ang nakakaalam ng mas nakakabuti kay Spark. Hindi niyu kailangan pang pagsabihan pa sa kung anu ang dapat kung gawin."
Pagkasabi ko nun ay lumabas ako ng kwarto ko at iniwan si Mommy. Kinuha ko ang susi ng kotse ko at pununta sa lugar kung saan natapos ang lahat.
Nang makarating ako roon ay nakita kong nakasarado iyon at may iilang security guard ang nakabantay. Nanatili ako sa malayo at tinitigan ang bahay namin ni Xander. Yung bahay na minsang pinangarap naming mabuhay na magkasama habang buhay, ang hirap, napakahirap. Gusto kong sabihing miss ko na rin siya, pero wala akong karapatan. Kasi kapag sinabi ko ang totoo na nagka-amnesia siya at nakalimutan niya ako at ang anak niya ay madedelikado naman siya. Wala na nga atang hihigit pa sa isang taong nagmamahal ng sobra para sa taong mahal niya. Hanggang ngayun, kinukwestiyon ko kung mahal nga ba ako ni Xander, kasi bakit sa lahat ng tao sa buhay niya, ako pa ang kinalimutan ng utak niya. Akala ko ba mahal niya ako? Bakit ako yung kinalimutan mo?
" GRAY! Saan ka galing?" Tanong saakin ni Belle, kakarating ko palang kasi nang bahay at mga nasa alas-kwatro na nang hapon. May hawak tung barbeque kaya naman kumunot ang noo ko.
" Kanina pa ba kayu dumating?" Tumangi ito. Humakbang ako papasok, napatingin ako sa parti ng pool dahil parang nagkakatuwaan doon.
" Andito pala sina Yman , Yxcel, and Zendrick. Kasama sila nina Seth and Thunder nang umuwe."
" Si Spark?"
" Ahm kasama si Alex."
" What?" Bulalas ko sa sinabi nito anung kasama ni Spark si Alex?
" May bibilhin ata muna sila at sinama ni Alex si Spark. Mukhang gumagana yung luksong-dugo ah? Geh balik na ako doon." Paalam nito na mas ikinakunot ng noo ko. Napapunta ako sa pool area at pinuntahan ang dalawa.
" Hi Gray!"
" Hi Gray! Wow ganda mo na ah?" Saad ni Zen.
" Hindi naman. Kanina pa ba kayu rito?" Tanong ko kay Zen.
" Kinda? Haha di mo naman sinabing andito kana pala, kung hindi pa magsipuntahan ang mga baliw na ito sa race track di ko pa malalaman!"
" Haha kasalanan ko ba yun Zendrick?" Nagpout ito tapos tumahimik na, hanggang ngayun medyu isip bata pa rin siya. Naalala ko kung paano siya noon nasaktan ng umalis si Daisy and Thunder. Sana nakaget-over na siya, nakakaawa din si Zen, napakabait niya, kaya lang ang babaeng minahal niya ay pagmamay-ari na nang iba, na hindi niya kailan man pwedeng angkinin.
BINABASA MO ANG
HE IS MY HUSBAND 2 (COMPLETED)
RandomPagkatapos pagtabuyan ng lalaking minamahal ay umalis nang Pilipinas si Eunice Gray Lawrence , dala-dala sakanyang sinapupunan ang kanilang anak na hindi man lang maalala ng kanyang asawang si Alexander. Nawalan ito ng alaala at nagka- amnesia at an...