CHAPTER 2

5K 120 7
                                    


GRAY POV...

NAKASUNOD na lamang ang aking mga mata sa magkahawak na kamay ng dalawa. Ngumiti na lang ako at tinignan si Spark, his enjoying the company of the gang. Nakakabilib siya kanina, hindi ko akalaing sa edad niyang iyon ay magagawa niyang magsalita ng ganun.

" Ayus ka lang?" Ngumiti naman ako bago ko sinilayan si Seth. Tinitigan ko ito at binasa ang laman ng mga mata nito. Agad itong nag-iwas ng paningin at bumuntong-hininga. " I hate to see you looking at him like that..." Hindi ako manhid, alam ko at batid ko ang nararamdaman ni Seth para saakin. Kung pwede lang nga ay papakasalanan na ako nito eh. Pero hindi, kung sana ay mas nauna ko siyang nakilala kesa kay Xander ay baka siya ang laman ngayun ng puso ko. Wala ka nang mahihiling pa sa isang Seth Falco, mayaman, mabait at maaruga, hindi ka iiwan at sasamahan ka sa kahit anung kalukuhan. Napakasarap niyang mahalin, at magmahal. All in one na siya, pero hindi ko maibigay ang guato niya. Hindi ko kayang tumbasan iyon, wala na akong nararamdaman kay Xander, pero ganun paman ay hawak niya parin ang puso ko. Selyado iyon at  mahirap palitan. Natutunan kong kalimutan, pero hindi ang tuluyan.

" Ikakasal na siya, psh. Baka malaman na niyang kasal siya sayu."  Mapait na ngumiti si Seth. Parang may ini-imagine aiyang isang bagay na hindi maganda dahilan ng pagiling-iling niya. Dumarami na rin ang tao dahil sa alas-otso na rin ng gabi. Nagkita-kita kami ng mga magulang nina Luke at ilang kaibigan  pa namin at kahit na malungkot ay napagaan iyon ng kaunting biruan. Nalaman ko ring kasintahan pala ni Raven ang kapatid ni Luke. Nakakaawa man pero kita kong bumabangon siya at pinipilit niyang lumaban. At maka-ahon sa sakit. Natutuwa akong, ang dating isang Raven Fernandez na sobrang tahimik ay ngayun ay natuto nang magmahal, kaya lang ay iniwan din siya nang maaga. Pero alam kong masaya siya sa mga taong nakasama niya ito. Masaya ako para sakanya.

" Nakikinig ka ba huh Gray?"

" H-Huh?" Tanong ko kay Seth, mukhang napalalim ata ang pag-iisip ko at di ko na namalayan pa ang mga sinasabi ni Seth.

" Anu ba ang iniisip mo huh?"

" Wala naman. Natutuwa lang ako kay Raven. Anu nga ulit tanong mo? "

" Psh. Akala ko iniisip mo na naman ang dati mong asawa na hanggang ngayun di ka parin matandaan. "

" Seth. " May pananaway sa boses ko.

" Hindi mo ako masisisi Gray... " Magsasalita pa sana ako ng lumapit na si Spark kay Seth at nagpakarga. Inaantok na ata.

" Are you two arguing about Mr. Alexander?" Nagkatinginan kami ni Seth sa uri ng pagtawag ni Spark sa kanyang ama. Naawa ako sakanya, alam ko bilang isang ina kung anu ang nararamdaman ng aking anak. Alam ko nababasa ko sakanyang mga mata na gusto niya pang makasama ang kanyang ama. Alam kong bata rin ang anak ko na naghahanap sa kanyang tunay na ama.

" Nag-uusap lang kami ng Mommy mo anak. Inaantok kana ba?" Saad ni Seth at pinahiga sa bisig niya si Spark at bahagyang inayos ang buhok nito.

" Kamukhang-kamukha niya si Alex." Natigilan kami ni Seth at napatingin sa ama ni Luke.

" Sir..." Mahinahon kong saad dito. Ngumiti ito saakin at bahagyang ginulo ang buhok ni Spark na nakapikit na pala.

" Natutuwa akong kinaya mo ang lahat ng iyon hija. To go back at see him again was the bravest thing you did. I'm so happy, that you have a smart but kind son. Be a good mother to him, always. "  Ngumiti naman ako at tumango na lamang. Umalis din ito pagkatapos ng ilang kamustahan. Nagpaalam na rin muna kami ni Seth na iuuwe na namin si Spark. Sumama na rin sina Daisy, Aiko and Belle saamin, si Thun ay hinayaan na muna naming mag-enjoy. Si Seth naman ay sinabing ihahatid na muna kami at babalik na lamang ulit.

HE IS MY HUSBAND 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon