LITERAL NA NANLAKI talaga ang mata ni Zhia nang makilala kung sinu ang kaharap niya, hinagod ng kanyang mata ang kabuuan ko at kinukwestiyon kung ako ba talaga ito o kamukha lang.
Nakita ko si Daisy sa likuran nito na inutusan ang mga bodyguard na gawin ang dapat nilang gawin.
Nagsalita ang mga ito sa Spanish na sinagot naman sa English ni Zhia. Hindi parin maalis ang tingin nito saakin, halata ang kaba sa mga mata nito. Pinagbigyan niya ang mga bodyguard ko na suriin siya. Nang masuri ay agad niya akong tinitigan nang mabuti.
" I-Ikaw ba yan E-Eunie?" Huminga ako nang malalim at tinignan si Daisy nang makitang parang naiinip na ito.
" Mauna kana, reserve two for me please?" Saad ko kay Daisy, tumango ito at umalis na, nanatili ang mga bodyguard ko sa aking likuran.
" Zhia! Long. Time. No. See." Mahihimigan iyon nang sarkasmo. Nagbaba nang tingin si Zhia at laking gulat ko na lang nang yakapin ako nito, para bang nawala lahat nang galit ko dito at nanlambot ang puso ko para sa kaibigang, minsan ay tinuring kong isang tunay na kapatid.
" I'm sorry Eunie, I'm sorry." Pinagtitinginan na kami nang mga tao.
" Let's have a seat first." Malamig na turan ko. Nakita ko naman si Daisy na may kausap na waiter, nang makalapit ako ay tinuro nito ang malapit na mesa sakanya at doon kami pinaupo ni Zhia, may lumapit saaming waiter at laking gulat nang makita ang kaharap, nagbow ito kay Zhia.
" It's my cafe," nahihiyang ani nito saakin. Ito na ang nag-order nang kakainin namin, at habang hinihintay ang order ay tinitignan lang namin ang isa't isa, wala pa akong balak magsalita kaya naman ay nakatitig lang ako sakanya.
Ilang taon na ba mula nang hindi ko siya nakikita? Halos magsasampong taon na rin, simula nang mangyare yun saamin ay hindi ko na ito nakita pa, ang balita ko ay pumunta ito sa ibang bansa.
May tumawag naman saakin at nakita kong si Thunder iyon kaya agad kong sinagot. "Hmm?" Napatingin saakin si Zhia, nang makitang may kausap ako sa cellphone ay nag-iwas ito nang tingin.
"Bumili ka nang cake, I'm craving." Napailing na lang ako, kung makapag-utos akala mo naman utusan ako.
" Baliw ka ba B? Anu mo ako utusan?" Pagtataray ko na tinawanan lang nang nasa kabilang linya.
" Sige na! Anjan lang naman daw kayo sa cafe eh!" Napairap ako sa hangin.
" At bakit ako tinawagan mo? Kasama ko si Daisy, hello!?" Pagtataray ko, pwede namang si Daisy ang tawagan niya eh. Tumawa lang ito na mas ikinainis ko.
" Best friend mo naman ako eh!" Paglalambing nito.
" Eh anu naman kung best friend kita?" Natawa naman ako nang marinig ang boses ni Xander sa kabilang linya at kinukwestiyon kung bakit kausap ako ni Thun.
" Sige na! Damot!" At pinatayan ako nang tawag. Tatawa-tawa naman ako nang ibinaba ang tawag, nagkatinginan kami ni Daisy, siguro ay narinig niya ang pangalan niya na binanggit ko kanina lang.
Senenyas ko namang wala iyon kaya hindi na ito nangialam. Nang tumingin ako kay Zhia ay nginitian ko ito na ikinagulat niya.
" Anung best cake niyo dito? Pwede ba akong magpa-reserve? Nagrerequest kasi ang kaibigan ko. " Wala akong intensiyon sa sinabi ko, sadyang yun lang ang tamang salita na gagamitin ko.
" A-Ah Oo, m-meron." Utal-utal na saad nito, dumating naman agad ang order namin at inutusan na rin nito na kunin ang order ko, magbabayad na sana ako nang sabihin nitong libre na raw para saakin.
Hindi naman ako umangal at nginitian nalang ito. "Kamusta?" Tanong ko, dahil parang walang balak na magsalita ito.
" A-Ayus naman." Hindi pa rin ito makatingin saakin.
BINABASA MO ANG
HE IS MY HUSBAND 2 (COMPLETED)
RandomPagkatapos pagtabuyan ng lalaking minamahal ay umalis nang Pilipinas si Eunice Gray Lawrence , dala-dala sakanyang sinapupunan ang kanilang anak na hindi man lang maalala ng kanyang asawang si Alexander. Nawalan ito ng alaala at nagka- amnesia at an...