CHAPTER 14

3.4K 75 6
                                        

ILANG SANDALI pa ay narinig ko na ang mga hilik nang katabi ko. Natawa naman ako at iiling-iling na tinignan ang mga itsura nito. Nakanganga ang mga ito at nakayakap sa isa't isa.

Kinuha ko ang camera na kanina'y dala ni Spark at kinuhanan ang mga ito nang litrato, sumabay din ako at nakangiting nagpeace-sign sa camera.

Napagdesisyunan kong lumabas muna para ipaghanda sila nang hapunan. Maaga pa naman, siguro ay mga nasa alas-tres palang nang hapon.

Kinuha ko ang coat ko at hinalikan sa noo ang mga ito bago lumabas nang silid. Nakasalubong naman niya sa pasilyo si Seth. May dala itong cookies na ikinakunot naman niya.

" Andito na si Daisy?" Tanong niya rito. Tumango ito habang may cookies sa bunganga.

" Kakarating palang, hehe and she made me cookies, nagkukusa na talaga siya , I'm proud at her." Yinakap pa nito ang mga cookies na hawak at parang sira na yinakap ang mga ito.

" Whatever." Nauna na siyang maglakad.

" Saan si Spark? Tsaka si Alex? Wala ang mga iyon sa labas o sa mga kwarto nila eh." Tanong nito sakanya. Sumabay ito sa paglalakad.

" Nasa kwarto ko sila." Narinig na lang niya ang malalim na buntong-hininga ni Seth.

" I miss Spark, siguro ay hindi na ako favorite Daddy niya." Malungkot na saad nito at natigil sa pagkain. Bagsak ang mga balikat nito at bakas ang kalungkutan sa mukha.

Tumigil siya sa paglalakad at nginitian si Seth. "Ikaw pa rin ang idol niya Seth. Kaya lang, syempre, ama niya si Xander, at wala tayong alam sa nilalaman nang utak ni Spark. Pero alam kong, ikaw parin ang best daddy niya. Maniwala ka Seth, pagseselosan ka nang husto ni Xander." Natawa naman si Seth at umiling pa sa huli niyang sinabi.

" Ah, maybe, I can get my revenge , using Spark. Wahahahhahahaha!" At panay na ang tawa nito at may binubulong-bulonh sa sarili na para bang may masamang binabalak.

Weirdos

Mas bagay sa kanila ang tawag na yun.  Pinaghalong kabaliwan at kaabnormalan, mga weirdo. Ikinailing na lang niya ang naisip at nahinto sa paglalakad nang maramdaman ang hipo nang asawa niya sakanya kanina. Napatikhim siya at agad na winaksi ang alaalang kanina lamang naganap.

" Lalim naman nang iniisip mo. Be careful, I know you trained well in martial arts, pero kahit si Jackie Chan at Bruce Lee ay nahuhulog pa rin sa hagdanan kapag ang layo nang lipad nang utak. " Napatingin ako sa nagsalita at nakahinga nang malalim. Hindi niya namalayang nakarating na rin siya dito, isang hakbang na lang ay paniguradong babagsak siya paibaba dahil ang akala niya ay nasa patag pa siya.

" Salamat Seth." Tinitigan siya ni Seth nang maigi na para bang kinikilatis ang kalagayan niya.

" May iniisip ka ba? May problema ba?" Agad na tanong nito. Agad naman siyang umiling at humakbang na pababa nang hagdanan na napakalaki.  " May hindi ba ako nalalaman Gray?" Tanong nito ulit sakanya.

" Wala naman. May iniisip lang ako." Saad niya at nagpatuloy sa paglalakad.

" Tulad nang anu?" Huminga siya nang malalim para sagutin ang mga tanong nito at tinignan ito, kaya naman ay nahinto sila sa paglalakad sa kalagitnaan nang hagdanan.

" Tulad nang kung paano ko sisimulan ang buhay na kasama ulit si Xander, matagal na panahon kaming hindi nagkasama. Napakatagal nun at ngayun ay parang nangangapa ako sa mga nangyayare, hindi ko alam ang gagawin ko o ang tama kong gawin. Naguguluhan ako, ibang-iba ang buhay na meron kami noon sa buhay na meron kami ngayun.

" Noon, panay lang ang away namin at maya-maya ay mag-uusap at magkakabati, cycle lang ang nangyayare saamin, magagalit at paulit-ulit lang ang mga senaryo nang buhay namin noon, nakakasawa at nakakaboring sa tingin nang iba, pero, masaya iyon, dahil napatunayan ko noon na kahit anung mangyare, sa dulo nang araw, pagkagat nang dilim, bumabalik parin saakin si Xander, bumabalik pa rin kami sa isa't isa. Sabay pa rin kaming mahimbing na natutulog, Oo, panay ang away namin, nagkakasakitan dahil sa mga salitang lumalabas sa bibig namin, at dahil iyon sa edad na meron kami. Napakabata pa namin nang ikasal kaming dalawa, hindi ko alam kung paano maging asawa, kaya hinayaan ko na lamang si Xander na gawin ang gusto niya sa loob nang halos tatlong taon, noon ako si Fat ugly duckling na ikinahihiya niya, dumating pa ang isang taon at tuluyan na niya akong nakita, parang isang panaginip ang lahat nang nangyare, handa na noon ang divorce paper naming dalawa, sa murang edad ay sinubok kami nang panahon at ang pagsasama naming dalawa ay walang katulad, kami-kami lang ang nagsasakitan, ilang luha rin ang iniluha ko at ilang sakit din  sa dibdib ang tinitiis ko gabi-gabi.

HE IS MY HUSBAND 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon