MAGHAHATING-GABI na pero wala pa si Xander na siyang kinaiinis niya. Lumabas siya nang kwarto at agad na naramdaman ang lamig nang makatapak siya sa labas nang harden.
Nakita niyang natutulog sina Thunder sa sahig dahil sa sobrang kalasingan. Kumuha siya nang kumot at nang makita siya nang mga kasambahay at ilang bantay sa paligid ay tinulungan siya nitong linisin ang sahig na kinahihigaan nina Thunder.
Nang matapos ay agad niyang hinanap si Xander na natagpuan niya sa botanical garden. Doon ay tahimik na umiinom ito nang alak at nakatanaw sa isang manmade lake sa loob nang Mansion ni Thunder.
Nilagyan niya nang kumot ang balikat ni Xander na ikinagulat nito dahilan para tumingin ito sakanya. Ngumiti lang siya at tumabi dito sa pagkakaupo.
Hindi gumalaw si Xander at nanatiling ang likod nito ang nakaharap sakanya. Pumasok siya sa loob nang kumot at yinakap si Xander mula sa likod at ipinatong ang kanyang ulo sa malapad nitong likod.
" Nagagalit ako Gray." Alam ko. Alam ko Xander. Hindi mo kailangang sabihin. " Pero hindi ko magawang magalit sayo nang lubusan. Pilit kong iniintindi ang dahilan mo, pero hindi ko pa rin matanggap." Yinakap niya lang ito nang mahigpit.
Humarap na ito sakanya at inayos ang kumot na sakanya na nilagay ni Xander. Hinaplos nito ang kanyang mukha. " Sorry, nasigawan kita. Hindi ko sinasadya." Paghingi nito nang tawad sakanya.
Tinitigan niya lang ang asawa kasabay nito ay ang pagbaba niya nang strap nang lengerie niya. "Malamig, anu bang ginagawa mo?" Tanong nito sakanya.
Naandun na naman ang pagkakakunot nang noo nito na parang nakasanayan na talaga nito na siyang namana ni Spark. "Lahat nang miyembro nang organisasyon ay may insignia, isa iyong marka na nagsasabing kasapi ka o miyembro nang organisasyong iyon." Tinignan nito ang balikat niya. " Wala akong insignia Xander. Hindi ako kasapi nang Underworld," nagtataka namang tumingin sakanya si Xander.
" Kanina pa lang ay sinabi mong isa ka sakanila, ngayon naman ay idene-deny mo, wag mo nang palawakin pa ito. Matatanggap ko rin ang katotohanan——
" Pwede ba makinig ka?" Naiinis siya, siya itong buntis pero kung makapag-inarte ang asawa niya ay daig pa siya.
" Hmp!" Sinamaan niya ito nang tingin. "Okay. Anu bang sasabihin mo huh?" Huminga siya nang malalim, talagang nagtitimpi siya sa ugaling ito ni Xander.
" Hindi ako kasapi sa organisasyong ito, ibig sabihin ay malaya ako. Hindi ako nakatali dito at kahit anung oras man kung gugustuhin ko ay kaya kong umalis at bumalik. May tungkulin ako bilang isang unang tagapagmana na ilagay sa tahimik ang lahat sa kamay ni Thunder, kaya naman ay nasa likuran ako ni Thunder sa lahat nang oras dahil iyon ang natitira kong tungkulin.
BINABASA MO ANG
HE IS MY HUSBAND 2 (COMPLETED)
RandomPagkatapos pagtabuyan ng lalaking minamahal ay umalis nang Pilipinas si Eunice Gray Lawrence , dala-dala sakanyang sinapupunan ang kanilang anak na hindi man lang maalala ng kanyang asawang si Alexander. Nawalan ito ng alaala at nagka- amnesia at an...
