CHAPTER 26

1.5K 37 1
                                    

A/N: HOOO 2.32K agad! Hahaha bilis natin ah? Thanks sa inyoooo!!!!

"LUMAYO KA NGA SAAKIN ALEXANDER! ANU BA YAN! DIKIT NG DIKIT EH!" Singhal ko sa abnormal kong asawa.

Isang araw na rin ang nakararaan mula nang pasabugin namin ang mga HQ nang Hades at ilang mga malalaking kompanya nang mga pamilyang tumutulong dito.

And now, here we come to the abnormalities of this man named Alexander.

Hinawakan na naman nito ang braso ko sabay lagay nang baba niya sa balikat ko. Agad ko naman itong siniko dahilan para maigik ito sa sakit.

" Sabi nang layo eh! Isa pa talagang lapit mo, pupugutan talaga kita nang ulo!" Nagtawanan ang mga kaibigan namin na nagsisikain nang barbeque.

Sumimangot si Xander tapos kumuha nang upuan at pumwesto sa may likuran ko. Tinignan ko ito nang masama habang ito naman ay agad na nagtaas nang mga kamay.

" Hindi ako nadikit! Ikaw jan baboy ah!" Inirapan ko ito at pinagpatuloy ang paglagay nang barbeque at napatingin sa asawa ko na tumatalon-talon habang nakaupo sa silya at may hawak na plato papalapit saakin.

" ARAY!" Sigaw nito nang mahulog ito sa semento dahil sa kalukuhan nito. Sinimaan ko lang ito nang tingin at pinagpatuloy ang pag-iihaw.

Si Thunder at Camus naman ay nagkakantahan at sina Kairis at Hanous naman ay sumasayaw at panay lang ang tawanan dahil sa mga pinag-gagawa nang mga ito.

Habang si Seth naman ay pinaglalagyan ang mga ulo nina Thunder nang party hat na SpongeBob ang theme. Napailing na lang ako nang lumapit ito kay Xander at nilagyan din nang party hat.

" Sige, ilagay mo yan sa ulo ko at puputulan rin kita." Seryuso kong sabi kay Seth nang lumapit din ito saakin. Dahan-dahan itong naglakad patalikod at hindi nagsalita nang kahit anu basta kumaripas lang ito nang takbo at nagsumbong kay Daisy na sinamaan lang ang abnormal niyang pinsan.

Sinulyapan ko naman kung anung ginagawa nang abnormal kong asawa at nakita ko itong inaayos ang tali nang party hat niya at nang maayos ay nakita akong nakatingin tapos ngumiti nang malapad.

Inirapan ko na lang ito at tinignan nang masama.

" Penge!" Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko itong may plato sa dalawang palad at humihingi saakin nang barbeque, napatingin naman ako kay Spark na panay ang tawa dahil kay Seth dahil pinapangaralan na ito ni Daisy.

" Isa pang tingin mo kay Seth, mawawala na talaga ako sa paningin mo." Seryusong sabi ni Xander. Ito na naman po tayo

" Psh. I'm looking at Spark, idiot." Sumimangot si Xander at kumunot ang noo na palaging ginagawa.

" Still looking at him. Nasasaktan ako wife, so please, don't look at him." Malungkot na sabi nito. Napailing na lang ako at nilagyan nang barbeque si Xander sa mga plato nito at nilagyan nang beer sa harap.

" You're always like that, kahit na tumingin ako sa iba, hindi magbabago ang nararamdaman ko para sayu. Higit ka parin sa kahit na sinu." Tumingin saakin si Xander at yumakap sa bewang ko dahil nakaupo ito at nakatayo naman ako sa harap nito.

" I love you." Bulong nito. Hinawakan ko ang buhok nito at marahang hinaplos iyon.

" Alam ko, patay na patay ka nga saakin eh." Humiwalay ito sa yakap at nginiwian ako.

" Psh. Yabang. " Natawa na lang ako at nag-ihaw ulit. Habang ito naman ay nasa tabi ko lang at doon na kumakain.

" Doon kana Xander, wag ka dito mausok." Tinignan ako nito nang masama.

HE IS MY HUSBAND 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon