CHAPTER 10

4.3K 107 10
                                    


NARINIG NIYA ang magaspang na pagtawa ni Ymar. Umiiling ito at halata ang pagkadismaya sa sinabi niya.

" We know how afraid you are,, we know that! But , do you think, it's better to stay away from him? Why don't you try?" Mapait siyang napangiti.

" And then after trying? Makikita ko na naman siya sa loob nang hospital namimilipit sa sakit yun ba ang gusto mong gawin ko?"  Natahimik si Ymar pagkuwan ay tinignan ang anak niya.

" Paano si Spark? Kailangan niya ang tunay niyang ama, nakita mo ba kung gaanu kasaya si Xander nang makasama kayu ulit? Nakita mo ba yun? Pinipilit niyang ibalik ang nawala niyang alaala para sayu! Kahit hindi niya alam kung imahinasyon niya lang ba iyon o sadyang nawalan lang siya nang alaala, Gray, hindi lang ikaw ang lumalaban, lumalaban din si Xander! Pwede bang samahan mo siya sa paglaban na yun at wag mong talikuran na lang dahil sa takot na baka mawala sayu nang lubusan ang tao? Kami yung nandito sa loob nang anim na tao, pero alam namin, ramdam na ramdam namin yung kulang sa kaibigan namin. Sa gabi ikaw ang sinisigaw niya, pero hindi ka maalala sa umaga. Alam mo ba kung anu ang masakit dun? Yung kahit na gustong-gusto namin nang sabihin ang totoo, hindi namin magawa dahil kahit kami takot na mapahamak na naman siya. Pero Gray, six years na! Anim na taon na! Kailan mo ba wawakasan ang paghihirap nang kaibigan namin? Kailan mo ba siya ipaglalaban nang harapan?" Hangga't kaya ko, kung hanggang saan pwede ang bawat 'kailan' .

" Ayaw ko lang siyang mapahamak." Tinalikuran na niya ito at pumasok na sa loob nang van na maghahatid sakanila sa airport.

Unti-unti na namang pumatak ang mga luha niya at hindi napigilan ang emosyong nararamdaman. Binuksan niya ang envelope at nang makita ang laman nun ay napatigil siya sa pag-iyak at binasa ang sulat na kasama nun.

Babalik ako, at ipapangako kong ikaw ang una kong babalikan pagnaibalik ko na ang mga naiwala ko. Alam kong sakin ang singsing na yan, hawakan mo muna, at muli mong isuot saakin pag naayos ko na ang lahat.

Nakagat niya ang pang-ibabang labi at bumuhos nang tuluyan ang luha niya, yinakap niya ang sulat at umiyak nang umiyak. Nakakagat niya ang pangibabang labi para pigilan ang pag-iyak niya pero hindi niya kayang pigilan iyon. Yinakap niya ang sulat at kinuha ang singsing na tanda na silang dalawa ay nanatiling nakatali pa sa isa't isa.

Tinuyo niya ang mga luha at huminga nang malalim para makahinga nang maayos. Kinuha niya ang kwentas niya at inilagay roon ang singsing at tinitigan ang dalawang singsing na matagal na pinaglayo nang panahon, at ngayon ay magkasama na. Pero ang mga taong nagmamay-ari sakanila,, ay matagal nang nawala.

" Hihintayin ko ang mga sinabi mo. Hihintayin ko ang pangako mo Xander, hihintayin ko." Yinakap niya ulit ang mga iyon at inilagay sa wallet niya ang sulat ni Xander at doon inipit.  " Please Xander, bumalik ka na saakin, kasi hindi ko na rin kaya..." Bumagsak na naman ang mga luha niya at hinayaan ang sarili na umiyak nang umiyak sa loob nang van.

Bumalik kana mahal ko,,, bumalik kana. 

" Mommy?" Naputol ang pag-iyak ko nang makita ang anak ko na nakatingin saakin. Hindi ko man lang namalayan na naandito na ito.

" Mommy? Are you okay? Why are you crying?" Agad aiyang nilapitan nang anak at yinakap. Yinakap lang niya ito nang mahigpit. Nang huminahon na siya ay tinuyo niya ang sarili luha at nginitian ang anak.

" Mommy is okay." Ngumiti siya. "Nakapagpaalam kana ba sa mga Uncle mo and sa mga Grandparents mo?" Tumango ito, ginulo na lang niya ang buhok nang anak at tinignan si Seth na nakatayu parin sa labas nang van at nakatitig sakanya. Nagaalala siya nitong tinitigan.

HE IS MY HUSBAND 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon