MATAPOS NANG MGA NARINIG ko ay hindi na rin ako nagtanong pa, siguro nga ay tama si Belle, it's okay na wag na lang akong makialam, na mas mabuting wag ko na lang alamin ang ang totoo, dahil baka ikamatay pa namin, ikamatay ko pa. Pero ngayon, paano pa ako hindi makikialam? Sa kabila nang nalaman ko, mukhang hindi ko kayang manahimik lang.
Everything is a lie..
Paano nila nagagawa iyon? Napakagaling nila talagang lahat, kakaiba at nakakabilib.
Napangisi ako at mapait na napangiti, sana, sana sa hinaharap, kung anu man ang pinaplano niyo ay mapanindigan ninyo ang lahat.
" Mommy?" Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Spark, may hawak itong cookies at halatang napansin na naman ang pananahimik ko. "Are you okay Mom?" Nginitian ko ito para hindi na ito mag-alala.
" Mom is okay, may iniisip lang. " Tumango si Spark at umupo sa tabi ko, hinaplos ko ang buhok nito at masayang tinitigan ito habang kumakain.
As long as my family is safe, hindi ako mangingialam. Wag nilang kalimutan, lahat kami may sari-sariling sungay.
" Tulala ka ata jan Pangit?" Napalingon ako kay Seth at may hawak rin itong bowl nang cookies, naandito na kami sa entertainment room at ang lahat ay may kanya-kanya nang pwesto para sa panununuorin.
" Hmm, may iniisip lang ako. Ikaw? Okay ka lang?" Kumunot ang noo nito sa klase nang tanong ko.
" Hmm, I'm okay?" Patanong na sagot nito, napansin siguro ang pagkakaiba nang tanong ko sakanya, lahat ba kami maglulukuhan? Alam kong labas na ako sa mundong ito, pero wag ako ang makanti nila, dahil kaya ko silang ibaon sa empiyerno kung saan kami nanggaling.
Demonyo sila, demonyo rin ako.
KANINA KO PA NAPAPANSIN ang pananahimik ni Gray at heto nakatingin lang ako sakanya habang kumakain kami nang popcorn, sinusubuan ako nito at panay lang ang buntong-hininga nito, si Spark naman ay tulog na sa tabi nito ako naman ay naandito sa kanan niya.
Nakakailang horror at action movie na kami at parang lahat ay hindi pa inaantok. Hindi inaantok o pareho lang may iniisip kaya hindi makatulog.
Alam kong marami ang hindi ko alam sa nagdaang anim na taon, at alam kong may tinatago saakin ang asawa ko, hindi ko naman magawang makialam o magtanong dahil alam kong sasabihin niya rin iyon saakin. O, hinihintay lang niya na kumilos ako, bago sabihin ang lahat.
Nakita ko ang ilan na tutok sa panonood, at sa unang tingin, akala mo ay nakatutok talaga sila sa movie na pinapalabas, pero alam kong lahat sila may kanya-kanyang iniisip, sadyang, magagaling lang talaga sila sa mga bagay-bagay, na kahit sa ganito ay kaya nilang itago.
Yinakap ko ang asawa ko na ikinagulat nito, isiniksik ko ang aking mukha sa tiyan nito, kung sana ay nasa kwarto na lang kami, edi sana ay inaalog na namin ang kama, hindi dito na utak ang inaalog.
" Hmm, antok kana?" Rinig ko tanong nito, sa wakas ay nawala na rin ang laman nang isip nito, naramdaman ko ang mga daliri nitong humaplos sa braso ko pataas sa tenga ko papunta sa batok ko at hinaplos ang buhok ko, nakakagaan nang pakiramdam ang ginagawa niya, dahilan para maramdaman ko ang antok at tuluyan nang linamon nang kadiliman.
MALALIM NA ANG PAGHINGA ni Xander na ngayon ay natutulog sa lap ko, inayos ko ang higa nito at kinumutan sila ni Spark. Nagkatitigan kami nang mga gising pa at lahat magsiiwas nang tingin.
Ang tulog na ay si Spark, si Xander at si Maheras na nakahiga sa tiyan ni Herod, ang mga gising naman ay ako, si Daisy, si Belle, si Aiko, si Seth and Thunder at si Herod.
BINABASA MO ANG
HE IS MY HUSBAND 2 (COMPLETED)
RandomPagkatapos pagtabuyan ng lalaking minamahal ay umalis nang Pilipinas si Eunice Gray Lawrence , dala-dala sakanyang sinapupunan ang kanilang anak na hindi man lang maalala ng kanyang asawang si Alexander. Nawalan ito ng alaala at nagka- amnesia at an...
