CHAPTER 1

7.9K 137 19
                                    

GRAY POV...

AFTER 6 YEARS...

ILANG taon na ang lumipas at masasabi kong wala na ang dating Eunice Gray Lawrence Dela Vega, ang nandito na lamang ay si Gray Lawrence. Matagal ko na yung pinatay at pinapatay sa mga oras at sandali na lumalabas siya sa sistema ko. Natutunan kong mabuhay mag-isa at maging matapang sa lahat.

" Daddy Seth naman eh! You told that were having a race now! Kainis naman eh! " Reklamo ng anak ko si Spark. Lumabas ako ng kusina at nakita ang dalawa na nag-uusap, nakakunot na naman ang noo nito at naka-crossed arm habang nakaupo sa solo sofa at nakatingin kay Seth na nagtitipa ng gitara niya.

" Yeah, I told you that."

" So, what are we doing now huh? It's supposed to be we are now in the race track of Daddy Thunder! "

Napailing na lang akong bumalik sa kusina at pinagpatuloy ang pagluluto ko. Nanay Belen was on the other dishes while me cooking the favorite dish of my son. Sinigang, that reminds me a lot of his father. Yes, my son survive and never leave me, akala ko noon mawawala siya saakin tulad ng daddy niya, pero hindi, kumapit siya hanggang sa mailuwal ko siya sa mundo. Dito na kami nanirahan sa Nebraska after kong manganak, may mga bago kaming business na itinayo dito at talagang lumago ng lumago iyon. I don't know what happened but I'm so happy, not for being successful, but to have my child in myside.

Hindi na rin ako bumalik ulit sa Pilipinas, at balak ko nang kalimutan ang Pilipinas. Wala akong inilihim sa anak ko, wala ring inilihim sina Seth and Thunder, sila ang tumayong ama sa anak ko at labis ang pagpapasalamat ko sa mga bagay na iyon. Wala namang sina-sabi si Spark about his father, he's a smart kid. Adventurist and cold. But a sweet, caring, loving and kind kid. Karamihan ng ugaling meron siya ay sa ama niya nakuha, sa looks, sa tindig, sa abnormalities, sa mood, at sa pagkakakunot ng noo. Kaya parang hindi rin nawala sa paningin ko si Xander, parang naandito parin siya kasama ko, sa katauhan ni Spark. Alam kong galit siya sa daddy niya, pero dahil sa matalino siyang bata ay lamang ang pag-unawa niya sa mga bagay-bagay. Ayaw na ayaw niya akong nakikitang umiiyak kaya naman hindi siya nagtatanong about sa ama niya na ikinababahala ko minsan.

Wala na rin akong naging balita kay Xander, ang alam ko lang ay hindi na nga bumalik pa ang kanyang alaala.

" Daddy T!!!!!!" Katulad ko ay namuha rin ni Thun ang loob ng anak ko, kaya lang mas close talaga si Spark kay Seth. Masasabi kong, si Seth ang talagang tumayo bilang ama sa anak ko. Thunder was busy in Italy, minsan nasa Mexico siya minsan nasa Rome, kadalasan nasa Barcelona dahil sa posisyong pinanghahawakan niya. Naging malaya rin ako sa organisasyon at hindi na pinakialaman pa. Namatay si Adolfo, sinu ang pumatay? Si Daisy. Nakatakas ito at siya nga ang Mastermind sa pagpapasabog ng kotse namin ni Xander noon na naging dahilan ng pagkawasak ng relasyon naming dalawa.

" May problema ba Bro?" Tanong ni Thun ng hindi ito umimik at tinignan lang si Spark at malungkot na hinawakan ang buhok ni Spark at tumingin kay Seth, labas ako at nakita si Thun, nang makita ako nito ng tuluyan ay alam ko ng may problema.

" I think I have to go upstairs." At nagkatinginan na lang kami ng makita naming umakyat sa taas si Spark. Pagkatapos ay sabay-sabay kaming napatawa.

" I am having a goosebumps because of that kid. He reminds someone to me." Malungkot na saad ni Thun , hindi man niya sabihin alam ko kung sinu ang tinutukoy niya.

" Na inabandona ang pamilya niya." Mapait na saad ni Seth at tinipa lang ang B chord ng gitara.

" I have a news." Malungkot na saad nito. " Luke's younger sister died yesterday."

HE IS MY HUSBAND 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon