CHAPTER 21

1.9K 48 0
                                    


A/N: HI, MATAGAL TALAGA AKO MAG-UD KAYA SORRY, AND KAPAG MAY LOAD KASI AKO PURO AKO KAY SAKURAGI MY LHABS EH, IF YOU KNOW HIM, DIE NOW HIS MINE CHOUR! INYO NA LANG SI RUKAWA, AKIN SI SENDOH TAPOS SI HANAMICHI SAKURAGI. KAYA PASENSIYA NA JAN SA MGA NAGHIHINTAY NANG UD KO AH? PINAGBIBIGYAN KO KASI SI SAKURAGI MY LHABS, YOU KNOW NAMAN, HE MISS ME DAW HAHAHA UGH! KAY HARUKO PALA, KAYA KAY SENDOH NA LANG AKO. BTW, SKL KO LANG HAHA.

PSYCHOLOGY FACT :
WOMEN WITH HIGH IQ'S HAVE A HARDER TIME FINDING A MATE. INTELLIGENT WOMEN WOULD RATHER REMAIN SINGLE THAN BE WITH THE WRONG PERSON.

HIRAP PALA TALAGA PAGMATALINO, BAKIT AKO? BOBO NAMAN WALA RING KA-MATE UGH! IT SUCKS! 😂😂😂✌️

  — Miss Black.

MALAPIT NANG MAGDILIM at heto parin kami ni Xander panay ang asaran at inisan, hindi naman ako naiinis, eh sa seloso siya kaya mas lamang ako sa laban.

" Lumayo ka nga Sethyden! Get away from my enemy! She's mine! She's my enemy! Find yours!" Angil nito kay Seth na tumabi saakin sa pagkakaupo dito sa mahabang leather sofa.

Imbes na pakinggan ang pananakot ni Xander ay iniakbay pa ni Seth ang mga braso niya sa balikat ko.

" Hi best friend! Sinu ba yang nagsasalita? Kilala mo ba yan?" Natawa naman ako nang masulyapan ang itsura ni Xander, wala pang kalahating araw ay mukhang susuko na ito.

" Hmm," tinitigan ko si Xander at inayos pa ang reading glass ko at sinara ang binabasang libro bago sinagot si Seth na nakangisi. "I don't know him, hmm do I know you?" Mas lalong sumama ang timpla ni Xander at nagdadabog na umalis at umakyat ata at pumunta sa kwarto namin.

Nang makaakyat ito nang tuluyan ay humagalpak kami nang tawa ni Seth, lumapit naman sa harapan namin si Spark at pinaglayo ang braso at kamay namin ni Seth.

" Dad will be mad at you Mommy, and Daddy Seth, don't do that again." Pananaway ni Spark kay Seth na halatang kumakampi sa ama hindi lang magawa dahil takot rin saakin.

" We're just teasing your father." Komento ni Seth at humagalpak na naman nang tawa. Si Spark naman ay umiling lang at bumalik sa harap ni Herod na naglalaro kasama si Mahe nang snake and ladder na si Spark ang nagtuturo, hindi kasi marunong ang dalawa na lumaking hindi ganyan ang nilalaro.

" Hmm, kailangan ko nang lumayo, baka hindi makapagpigil si Great at namalayan ko na lang ang bumubulusok na kutsilyo, psh. Ang gwapo kong mukha ang nadidihado, sayang ang mga babae, iniiyakan ito kapag nasusugatan." Inilingan ko na lang ang kapreskuhan nito ni Seth at iniisip ang susunod na gagawin kay Xander.

" Parang iniiyakan nila kasi pumangit ka na naman, pangit ka na nga mas pumangit pa lalo, nakakaiyak talaga iyon." Pang-aasar ko rin kay Seth. Sumama agad ang tingin nito saakin.

"  Akala ko ba ay ang asawa mo lang ang kaaway mo? Ba't nasali ako sa pang-aasar mo huh?" Kinuha ko lang ang librong nailapag ko sa tabi ko at tinawanan si Seth.

" Truth hurts eh?" Mas lalong sumama ang tingin ni Seth saakin at nagdadabog akong tinitigan hindi matanggap ang narinig.

" Bawiin mo yun! Nakuuu! Ako pa ang sinabihan mo nang pangit! Alam mo bang ang lahat nang depenisyon nang kagwapuhan ay Seth Falco ang kahulugan?" Natawa lang ako.

HE IS MY HUSBAND 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon