NANG makarating sa Spain at makabalik sa Mansion ni Thunder ay agad siyang naupo sa bakanteng sofa at doon hinilot ang sentido. Palaging nanakit ang ulo niya at napapadalas iyon ngayong mga nagdaang araw, siguro dahil sa mga pinoproblema niya.
Napatigil siya sa paghilot nang sariling sentido nang makita ang dalawang tao na lumabas galing ata sa Dining Area. Kumunot agad ang noo niya pero agad na inalis iyon at blangko ang mukhang tinignan ang dalawang nagtatawanan. Mukhang hindi pa siya napapansin nito kaya naman nanatiling nakamasid siya.
Sinundan nang mga mata niya ang paghaplos nang kamay nang babae papunta sa braso ni Xander pababa sa dibdib at abs nang magaling niyang asawa.
Matatalim ang mga mata niyang tinignan ang asawa na ngayon ay sobra kung makangiti habang nakatingin at nakikinig sa kung anumang sinasabi nang pesteng higad na nakadikit dito."Thank you Babe for this, I like it talaga." Tinignan niya ang bag na hawak nang babae at tumaas ang kilay niya. Cheap.
" Cheap. " Napatingin siya sa nagsalita at nakita doon si Maheras na masama ang tingin na nakatingin din sa dalawa.
" Do you like it?" Napangisi siya at mapait na natawa sa sinabi nang asawa niya.
" Give me a gun." Inilahad agad sakanya ni Maheras ang baril na siguro ay suportado ang kung anumang binabalak niya. Hindi parin tumitingin sakanila ang dalawa kaya naman nang akmang hahalikan nang babae ang magaling niyang asawa ay agad niyang pinadaan sa gitna nang mga ito ang bala. Narinig na lamang niya ang pagkabasag nang vase na siguro ay siyang tinamaan nang bala.
Agad na napatingin sakanya ang dalawa at mas tumaas ang kilay niya nang parang wala lang iyon kay Xander. Pero ang babaeng higad ay napakasama nang tingin sa kanya. Pinaputukan niya pa ulit ito sa may paanan kaya napamura ito napayakap sa asawa niya.
" Are you crazy? Who are you bitch?" Tumayo siya at pinaikot sa mga daliri ang baril at sa palad bago ibinigay kay Maheras, nahihilo pa siya at talagang masama ang pakiramdam niya at heto pa ang dadatnan niya.
" Leave." Magaspang na tumawa ang babaeng higad pero malamig lang niya itong tinignan.
"Who are you to——
" She's my wife. " Napatingin siya sa nagsalita at lumabas mula sa kung saan ang magaling niya ring kaibigan. Naglakad ito papalapit sakanya at agad na yinapos ang bewang niya, naghatid iyon nang kiliti sa bewang niya paakyat sa braso niya. Nakikiliti ako! "She's pregnant to my baby, so if you don't mind, leave. Ayaw kong maging kamukha mo ang magiging baby namin. " Nadapo ang mga mata niya sa asawa niya na ngayon ay madilim ang mukhang nakatingin sa kamay ni Thunder na nakahawak sa bewang niya. Nahihilo na siya kaya naman napahawak siya sa braso ni Thunder.
"B..." Naramdaman ni Thunder ang paghihina niya kaya puno nang pag-aalala itong tumingin sakanya, pero talagang nahihilo na siya at pakiramdam niya ay inaantok siya nang sobra.
" Hey, hey, are you okay B?" Matutumba na sana siya nang masalo siya nito at agad na siyang nawalan nang malay.
NANG magising siya ay nakita niya si Xander na nakaupo sa tabi nang kama niya at nakatingin sakanya nang masama.
" Now your awake." Puno nang sarkasmong sabi nito. Akmang babangon siya nang pigilan siya nito. " Don't. Move. " Wala siyang nagawa kundi ang mahiga ulit. May kinuha itong gamot sa may side table at agad iyong ibinigay sakanya. "Take this." Inalalayan siya nitong makaupo para mainom ang tubig at pinahiga ulit.
BINABASA MO ANG
HE IS MY HUSBAND 2 (COMPLETED)
RandomPagkatapos pagtabuyan ng lalaking minamahal ay umalis nang Pilipinas si Eunice Gray Lawrence , dala-dala sakanyang sinapupunan ang kanilang anak na hindi man lang maalala ng kanyang asawang si Alexander. Nawalan ito ng alaala at nagka- amnesia at an...