CHAPTER 33

1.6K 41 4
                                    


A/N: Thanks sa read! Nung nakaraan 2.8k palang kayo, ngayon naman 3.28k na! So happy! Haha baka gusto niyong magvote? If you want lang, nakapasok kasi ako sa mga nominated sa watty award, wala lang share ko lang, hindi ko pa sinasubmit yung application, by the way. Jowain niyo naman si Thunder, pahiram nang name, kung sinu man jan ang may gustong magpahiram nang names nila, just comment lang baby girl. Thank you, Aregato! ❤️❤️❤️

MASAMA ang loob niyang pumasok at ini-lock ang pinto, parang dinurog ang puso niya sa nakita. Hindi niya matanggap iyon, agad siyang naghubad nang damit at nagpalit nang pantulog saka naupo sa may vanity table niya.

Bigla na lang pumatak ang mga butil nang luha at hindi niya alam kung bakit, ang mahinang pag-iyak ay nasundan nang malakas niyang hagulhol, nasasaktan siya at hindi niya alam ang gagawin.

Tinignan niya ang singsing na isinuot lang sakanya nitong nakaraan, pero mukhang nagbago na naman ang ikot nang isturya at heto nagkakagulo na naman sila.

Marahas na bumukas ang pinto at mula sa salamin nang vanity table niya ay nakita niyang pumasok mula doon si Xander, padabog nitong isinara ang pintuan at nang makita akong umiiyak ay agad itong nanghina at nawala ang madilim nitong mukha at agad iyong nanlambot.

Agad ako nitong yinakap kaya mas naiyak pa siyang lalo. Umiyak siya sa may dibdib nito hanggang sa maubos ang mga luhang pumapatak galing sa mga mata niya, walang salitang lumalabas sa bibig nilang dalawa at nanatili lang si Xander na nakayakap sakanya nang mahigpit.

Nang bumalik ang alaala nang babaeng yun na nakatapis ay para siyang binuhusan nang malamig na yelo, ayaw niyang maniwala kahit na nakikita naman niya, ayaw niyang maniwala kasi nagtitiwala siya dito. Pero, kailangan niya parin nang sagot.

Sasagutin niya kaya?

Bumagsak ang balikat niya at itinaboy si Xander, umiiyak siyang naglakad papunta sa higaan niya at agad na inalis ang singsing na nakalagay sa daliri niya at itinapon iyon kay Xander.

Kalukuhan! Walang tunay na pagmamahal! Kasinungalingan lang iyon, isa iyong kasinungalingan na pilit pinagpipilitan nang mga tao.

" Gray.. b-babe, please, t-take this."  Agad siyang nahiga sa kama at nagtakip nang kumot at sa ilalim nun ay umiyak nang umiyak. Naramdaman niya ang paglubog nang kama at ang mabigat na bagay na dumagan sakanya.

Inalis nito ang kumot na ibinalot niya sa sarili at naramdaman na lamang niya ang yakap nito, pinilit niyang kumawala mula sa pagkakayakap nito sakanya pero di niya magawa dahil nanghihina na siya.

Isiniksik ni Xander ang ulo nito sakanyang leeg at napapikit na lamang siya sa sensasyong ibinibigay nun sakanya.  "Nothing's happened like what you think babe, please, maniwala ka sa——

" Pagod ako, matutulog na ako."  Hindi pa niya handang makinig sa kung anuman, puno nang pagdududa ang puso niya at hindi pa siya handang alamin ang kung anumang nangyare dahil alam niyang hindi niya lang iyon paniniwalaan. Masakit mang isipin, pero ito ang love story na meron sila. Hindi pwedeng maging masaya gaya nang iba, kailangan nilang palaging patunayan ang pagmamahal nang isa't isa bago tuluyang maging masaya.

SIMULA nang mangyare ang gabing iyon ay hindi na niya kinausap pa si Xander, lumalapit ito pero talagang dedma siya at walang pakialam, dumaan rin ang mga araw at mas nagiging busy siya. Kaya naman hindi niya rin namamalayan ang mga bagay-bagay sa gitna nilang mag-asawa, hindi na niya nakita pa ang babae pero, palaging wala si Xander at mas ikinadadagdag iyon nang hinala niya at ang galit na nararamdaman niya. 

HE IS MY HUSBAND 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon