LOST CHAPTER

2.2K 55 5
                                    

LOST CHAPTER

"WHAT the hell!"  Sigaw ni Xander sa mga magulang niya. "And who is this fucking girl that I have to marry huh?"  Galit na singhal nito.

Tumayo ang Daddy nito at ipinakita ang litrato ni Gray, natigilan si Xander at hindi nakapagsalita.

Matagal na niyang hinahanap ang batang ito tapos ngayon bigla na lang niyang malalaman na magiging asawa na niya pala?

"We need you to marry this girl son——

" Where's the contract? "  Agad na tanong nito sa mga magulang na halatang nagulat sa naging reaksiyon niya.

Agad naman ibinigay sakanya ang marriage contract at agad yung pinermahan. You will be mine now.

_____

"I'm sorry Emily, we need to end this. I'm married."  Kaaagad siyang nakatanggap nang malakas na sampal mula sa dalaga at walang sabi-sabing iniwan siya nang kasintahan.

Akala ni Xander mapupunan nito ang pagmamahal na nararamdaman niya para sa batang babaeng yun na bumihag sakanya ilang taon na ang nakararaan, pero nang makita niya ulit ang mukha nito, biglang nagbago ang lahat.

Akala niya tuluyan na niya itong nakalimutan pero nagkamali siya, maling-mali siya, dahil hanggang ngayon mahal na mahal niya parin ang batang babaeng yun.

_____

Siguro nga katangahan ang isa sa pinakamalaking rekado kapag nagmamahal ka.

Akala niya magiging masaya na siya nang tuluyan ngayong hawak na niya ang babaeng pinapangarap noon pa man. Akala niya magiging masaya na siya nang lubusan.

Pero nagkamali siya, parang kinulong lang niya sa isang hawla ang dalaga, parang ginawa niya lang itong ibon na nakakulong sa magandang kulungan pero wala namang kalayaan.

"Nay Belen, nasaan po ang asawa ko?"  Tanong niya sa Mayordoma nang kanilang bahay. Na siyang pinakamalapit sa kanyang asawa na si Eunice.

"Nasa taas po Sir Alex. Bakit po?"  Ngumiti lang siya at tinignan ang hawak na maliit na box.

"Wala ho Manang, sige po, akyat na ako sa taas."  Pagkatapos magpaalam ay agad siyang nagtungo sa silid nang dalaga naedyo nakaawang ang pintuan.

May kausap ito sa cellphone kaya naman hindi niya naituloy ang paghakbang papasok sa loob.

"Mom! I want to be free. H-Hindi ko pa kayang maging isang asawa, h-hindi pa ako handa."  Nang marinig iyon ni Xander ay unti-unting nawala ang malapad niya ngiti at napatingin sa hawak niyang regalo.

Unti-unti niyang inihakbang ang mga paa papalayo at pinilit na wag masaktan sa narinig. 

Hindi niya ba talaga ako kayang mahalin

Simula nang marinig niya ang mga salitang iyon mula sa babaeng pinakamamahal ay napagdesisyunan niyang lumayo at wag na itong pakialaman.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 23, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HE IS MY HUSBAND 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon