NANG matapos ang seremonya ay agad din akong pumunta sa Lawrenceville para kunin si Spark pabalik sa Spain. Lawrenceville is our hometown, sina Mom and Dad ang naninirahan dito. Minsan bumibisita kami, pero hindi ko talaga magawang manatili dito.
"Did you know where your husband?" Tanong saakin ni Thunder nang makapasok na ang sasakyan namin sa entrada nang Bahay namin. Medyo malayo pa dito ang kinalalagyan nang bahay nang mga magulang ko kaya naman nakapag-uusap pa kami.
"Yeah, of course." Mahina kong sagot sapat na para marinig niya. Tumingin na lang ako sa labas nang bintana at ibinaba iyon para malasap ang preskong hangin nang Valencia.
"Where he is? Hindi na ba kayo magkakabati? You know B, sometimes, men like me need——
" I don't care." Pagpuputol ko sa anumang sasabihin nito. Narinig ko na lang ang pagbuga nito nang malalim na hininga.
" Paano na ang mga magiging anak niyo? You know that they need their father right? And, paano na lang ang mga bata? Gusto mo bang lumaki silang walang ama sa tabi nila dahil ang mga magulang nila ay piniling magdivorce kaysa ang patawarin ang sarili nila? B," hinawakan nito ang kamay niya. " Ayaw kong magaya saakin si Spark at ang magiging kapatid niya pa, you know my story right? I grow old without father in my side, and I'm telling you... It's traumatizing."
Huminga siya nang malalim at hinarap si Thunder, kinuha niya ang kamay nito at nginitian. "I know, but B, you need to understand me and the situation. Hindi mo alam kung gaano yun kasakit para saakin."
" But, how about the children? Can't you forgive Xander, even for the sake of the children?" Nag-iwas siya nang tingin at hindi nakapagsalita. Hindi na rin nagsalita pang muli si Thunder hanggang sa makarating na sila bahay nang mga magulang.
Tumambad sakanila ang mataas na pader at napakagarang Mansion, mula sa labas ay naghuhumiyaw ang kayamanan nang nakatira dahil sa mga ginto na palamuti at magarang entrada nang bahay.
Nang makababa sila sa sasakyan ay agad niyang nakita ang mga magulang at ang anak na kakalabas palang na galing sa kung saan. Agad itong tumakbo papalapit sakanya at agad na yumakap.
" Mommy! I miss you Mom!" Pinagpantay niya ang mukha nilang mag-ina at yinakap nang mahigpit ang anak. Masaya siyang makita ito ulit, sa loob nang halos tatlong linggo na hindi ito nakita ay parang pinapatay ang puso niya. Ganitu ata talaga kapag isa kang Ina.
"I miss you too baby.. good boy ka ba kina Lola and Lolo?" Masayang tumango-tango ito.
" Yes, yes I do! I'm cool and good Mom! I told you! But I really miss you Mom..." Nagtawanan naman sila dahil sa sinabi nito, inalalayan siya ni Thunder para makatayo.
Hinarap niya ang mga magulang na katabi ang Ate Sandra niya at ang Kuya Ken niya kasama ang mga anak nito.
"Hey baby Euni!" Agad siyang yinakap ng Ate Sandra niya sumunod naman dito ang Kuya Ken niya at ang mga pamangkin niya na malalaki na. Napangiti siya nang makita nang mata niya ang hinahanap niya.
May suot itong flower crown at may mga make-up sa mukha inaalis nito ang makapal na lipstick at nakakunot ang noo habang nakatingin sa maliit na salamin. Baliw.
" Sinung nagmake-up sayo?" Nang marinig nito ang boses niya ay agad itong tumingin sakanya at nanlaki ang mata. Hindi ito nakagalaw sa kinatatayuan at agad na nanunubig ang mga mata nito. Mahina siyang natawa. OA.
"Baboy?" Malapad siyang ngumiti lalo na nang tawagin siya ulit nito at tinakbo ang pagitan nilang dalawa at yinakap siya agad. "BABOY! BABOY!" Binatukan niya agad ito. Kahit kelan walang kwenta talaga, walang ka-sweetan sa katawan! Panira palagi nang moment!
BINABASA MO ANG
HE IS MY HUSBAND 2 (COMPLETED)
RandomPagkatapos pagtabuyan ng lalaking minamahal ay umalis nang Pilipinas si Eunice Gray Lawrence , dala-dala sakanyang sinapupunan ang kanilang anak na hindi man lang maalala ng kanyang asawang si Alexander. Nawalan ito ng alaala at nagka- amnesia at an...