GRAY POV...NAANDITO kami ngayung sa bahay nina Luke, nasa iisang mesa lang kami nina Seth and Thunder. Si Spark naman ay hindi ko na sinama kasi baka gabihin kami masyado, maantukin pa naman yun.
" Hi guyz!" Napalingon kami sa nagsalita, and I saw the Anaconda. " Andito rin pala kayu? Nung una niyung dating hindi tayu nagkausap-usap , mabuti naman at nagkita ulit tayu dito. I'm glad! " Tinaasan ko ito nang kilay. So plastic!
" Ang ganda mo na Emily! Mukhang masyado ka atang gumanda after six years!" Napangiwi ako sa sinabi ni B. Tuwang-tuwa naman si Emily na napahawak pa sa bibig at ngumiti. Psh.
" Yeah, you're beautiful like a barbie doll." Saad ni Seth kaya napalingon kami ni Thun sa sinabi niya. Deritsiyung nakatitig ito kay Emily, mukhang nahiya naman si Emily kaya medyu na-shock ito at hindi pa nakapagsalita.
" Really? Thanks!" Ngumisi naman si Seth.
" Yeah, beautiful but plastic. " Napanganga si Emily sa sinabi ni Seth habang kami ni Thun ay nagkatinginan muna bago tumawa.
" Excuse me?" Mataray na saad ni Emily, natigil naman kami sa pagtawa. Nasa gitna ako nang dalawa kaya naman ay madali kaming nagkakatinginan at nagkakatawanan. Sira kasi itong si Seth.
" Truth hurts? I know." Inirapan naman ni Emily si Seth sa mga pinagsasabi nito. Ako naman ay natatawa lang at nanatiling nakamasid. Hanggang si Xander at nadatnan ang pagtawa namin kay Emily. Agad nitong hinawakan si Emily sa mga balikat nito, at nang makita naman ito ni Emily ay agad itong yumakap kay Xander. Tinignan naman kami ni Xander isa-isa. Natigil ang paningin nito saakin. Naalala ko pa ang nangyare kaninang umaga. Gulat na gulat ako, at talagang hindi ako nun makakilos nang maayos.
Iniisip ko na bak, na baka may pag-asa pang bumalik ang alaala niya, na baka hindi pa huli. Na baka may pag-asa pang gumaling si Xander, na baka maalala niya pa ako.
Pero sa nakikita ko, mukhang malabo, at baka maging dahilan pa iyon nang pagsakit ng ulo niya at baka ikapahamak niya pa. Natatakot ako baka sa pagpumilit ko ay ikapahamak niya pa iyon nang sobra.
" Anung ginawa nila?" Nanahot na tanong ni Xander kay Emily, puno iyon nang pag-aalala sa dalaga na ikinaiinis ko naman ng sobra. Napaka naman ng Emily na ito psh.
" Wala naman babe. Tara doon na lamang tayu?" Tinignan ni Xander ang mesa namin at may apat pa iyong reserbang upuan. Tapos tinignan niya ako at si Seth. Wala iyong emosyon pero may kakaibang emosyon ang mga mata nito na hindi ko maipaliwanag.
" Bakit pa tayu lalayo? Dito na tayu sa mga kaibigan natin." Pagdidiin niya sa salitang kaibigan. Nagkatinginan na naman kami ni Thun at hindi maintindihang tinitigan si Xander nang ayusin nito ang mga upuan at pumagitna saamin ni Thunder, kaya naman ang naginh seste ay nasa gitna ako ni Seth at Xander at si Emily naman ay sa gitna nina Xander at Thun. Napaurong na lang si Thunder at napailing-iling. Naandun na naman ang nakakunot na noo ni Xander na parang palaging may iniisip na kung anu sakanyang isipan. Agad na lumingkis si Emily sakanyang mga braso at nagngitian naman ang dalawa.
Lamay ito! Gusto ko iyang isigaw pero pinipigilan ko ang aking sarili. Psh. Mas lalo pa akong nainis nang halikan ni Emily si Xander sa mga labi nito, na-badtrip naman ako sa nakita ko kaya naman ay napahawak ako kay Seth nang wala sa oras at agad itong yinakap. Ewan kung bakit ko iyun ginawa, basta isiniksik ko ang aking mukha sa leeg nito. Naramdaman ko namang parang hindi nakagalaw si Seth sa pagsiksik ko sa leeg nito, pero agad din itong yumuko at ibinaon ang kanyang mukha saaking leeg gaya nang ginawa ko. Wala naman akong imik, kaysa naman sa makita ko ang dalawa na naglalandian.
BINABASA MO ANG
HE IS MY HUSBAND 2 (COMPLETED)
RastgelePagkatapos pagtabuyan ng lalaking minamahal ay umalis nang Pilipinas si Eunice Gray Lawrence , dala-dala sakanyang sinapupunan ang kanilang anak na hindi man lang maalala ng kanyang asawang si Alexander. Nawalan ito ng alaala at nagka- amnesia at an...