AUTHOR'S NOTE

1.4K 38 5
                                    

A/N: So, one to go. Tapos ma rin sina Xander and Gray. I know that it's not good and not the best, hindi rin ito mapapabilang sa masasabing maganda at nakakalig na story. Pero, masaya ako kasi, kahit papaano may nagbabasa at nagtitiwala na kahit ganito lang ay may sumusuporta lang. Aregato, thank you everyone for reading my story. Kapag wala akong ginagawa nagsusulat ako kasi pakiramdam ko, kahit papaano may nakakasama ako. Mula bata pa lang, sanay na akong mag-isa, hindi naman kasi ako ang favorite child at walang may paborito saakin. Palagi lang akong nasa tabi at nakatingin lang sa pamilya ko na masayang magkakasama habang wala ako. Naging mailap ako sa pamilya ko, actually, kinamumuhian ko sila. My life became so miserable and lonely. Habang lumalaki ako, hindi ko namamalayang gumagawa na pala ako nang sariling mundo sa utak ko. Kapag wala akong ginagawa, nakatulala lang ako sa kung saan at nag-iisip nang isang tagpo kung saan masaya ako at may nagmamahal saakin. Daydreaming sometimes can help us to sustain our mental health to avoid breakdown. For me, daydreaming save me in sanity. Hindi ko alam na hanggang ngayon, yun pa rin ang ugali ko. Kapag nahihirapan ako, gusto ko ring maglaslas, o di kaya magpakamatay, pero di ko magawa. Hindi ko magawang saktan ang sarili ko, kaya umiiyak na lang ako, pagkatapos nag-iimagine ako nang isang lugar kung saan nagiging komportable ako at nawawala ang sakit. Gaanu ko kadalas gawin yun? Always. Kasi, palagi akong mag-isa, nakakahiya mang sabihin pero, no one wants me to be their family members. Naalala ko, sabi nang nakababata kong kapatid, 'Walang may gustong makasama ka, ayaw sayu nang lahat pinagsisiksikan mo lang ang sarili mo' , nakakatawa diba? Pero, kahit hindi na nila sabihin, noon pa man , alam ko na, alam na alam ko na. Minsan nga naiisip ko magsulat na din sa MMK malay niyo ma-featured 😂😂😂😂. I'm not good in anything, anything. But this one, I feel so good, although, pampalipas oras ko lang tuh, one thing in my life that I become so genuinely happy. Kaya lang, sa una lang yun.  Habang binabasa ko lahat nang story ko, ni hindi ko magawang maging masaya, kasi, napakalungkot, para saakin ang lungkot nang bawat gawa ko. Kapag nagsusulat ako nang dramatic moment, umiiyak talaga ako, feeling ko ako yung mga bida at ako yung nasasaktan. 😂😂😂😂😂 Lt. Someday magsusulat ulit ako, pero masaya na. Na kapag binasa ko ang ginawa kong story hindi ko mararamdaman yung lungkot.

Tatapusin ko lang ang ilang story ko, ang ilan, ilalagay ko na muna sa draft, kapag natapos ko na tuh, I maybe stop writing.  Mas okay na lang ata na maging reader na lang ako, kaysa maging isang bagay na hindi naman ako magaling.

Salamat sayu, dahil binasa mo tuh. Thank you.

Pero kapag tinupak ako, gagawa pa rin ako nang isturya😂😂😂😂kala niyo ah! Pangit man , wala akong paki😂😂😂,

Gusto ko lang sabihin na, kung nahihirapan ka sa sitwasyon mo, wag mong isipin ang negatibo, kung malalaman mo ang buhay ko , baka ang itanong mo saakin ay bakit buhay pa ako. Basta! Fighting! Wag susuko! Kaya mo yan! Lahat nang bagay darating yan sa tamang oras, ako, naghihintay lang. At habang naghihintay ako, mas pagbubutihan ko pa ang pagsusulat ko at gagalingan ko pa lalo. Wag niyong isipin mga sinabi ko sa naunang stanza, nagdradrama lang ako😂😂😂 see? I hate drama!

HE IS MY HUSBAND 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon