Jamais Vu (I)

570 14 1
                                    

Paalala ng manunulat: Ang kuwentong ito ang mumulat sainyong mga mata na hindi lahat ng kwentong pag ibig ay natatapos sa masaya at matamis na pagmamahalan ng dalawang karakter. Maraming aspeto ang pag ibig at hindi iisa ang sentro nito, wala akong paki kung dadami ang bashers ko basta ako masaya akong nagsusulat. Ang mga pangalan ng karakter, lugar at konsepto ng kuwentong ito ay masasabi kong gawa-gawa lamang ng aking imahinasyon. Ang kuwentong ito ay isang Bromance kaya kung wala kang kamalayan sa dyanra na ito ay maaari mong lisanin ang akdang ito.

iMarjaynari
@kaminari amanashi

Jamais Vu

見たことがない

Kasalukuyang naglalakad ako sa isang diretsong kalsada bagamat wala namang ibang makikita kundi nagtatayugang mga puno at halos hindi makapasok ang sinag ng araw sa kakahuyang kinaroroonan ko. Ibayong kaba at pagtataka ang namayani saaking kaibuturan kung bakit nandito ako sa lugar na ito. Patuloy ako sa paglalakad hanggang sa tuluyan na nga akong makalabas sa loob ng gubat, bumungad sa akin ang nakakasilaw na sinag ng araw kaya naman napatakip ako ng aking mga mata hanggang sa unti unting bumalik sa normal.

Minulat ko ang talukap ng aking mga mata at bumungad saakin ang isang napakagandang bahay na naka tirik sa isang malawak na lote. Hindi ko namamalayan at bigla nalamang ako pumasok sa loob ng bahay. Bumungad saakin ang mga mamahaling kagamitan at talaga namang punong-puno ng koleksyon na mga antigo, malawak ang bulwagan ng bahay ngunit nakapag tataka kung bakit wala manlang mga tao dito sa loob. Magpapatuloy pa sana ako nang makita ko ang isang lalaki na naka upo habang kalong ang isang binata, duguan ito kaya naman halos mapa-atras ako at mapa-takip ng labi. Duguan ang sahig dito sa kusina at naririnig ko ang paghikbi ng lalaki.

Patuloy ako sa pag atras hanggang sa may matabig akong bagay at halos magulantang ako sa malakas na tunog ng pagbasag ng malaking plorera kaya naman dali-dali akong tumakbo palabas ng bahay. Kumaripas ako ng takbo hanggang sa mapatid ako at mapahandusay sa lupa.Dito, Naka tingin ako sa malawak at maulap na kalangitan. "Si-sino siya? si-sino ako?"naguguluhan kong tanong hanggang sa tuluyan nangang bumagsak ang butil ng ulan kasabay ng pagbagsak ng mainit na luha na nagmumula sa aking mga mata.

KABANATA 1: ANG SIMULA

"Kung pagbubutihin mo ang pag-aaral mo bibilhin ko iyan para sayo, ang dami mo nangang gadgets dadag dagan mo pa hanep kang bata ka"sabi ni Kuya habang titig na titig ako sa bagong advertisement sa T.V ang bagong labas na Nintendo Switch na kung saan sikat ito sa buong bansa. Ibayong saya ang aking naramdaman at tila gusto ko itong makuha ngayon.

Napatingin ako sa kanya at inirapan. "Pinag bubuti ko naman kuya kaso ang hirap kasi ng General Inogranic and Organic Chemistry, anong kinalaman ng kurso kong Journalism sa mga elements na iyan sakit lang sa ulo."depensa ko naman saka binagsak ang aking katawan sa malambot na kama.

Narinig ko itong tumawa ng marahan. "Ang sabihin mo, talagang tamad kalang mag aral, hindi mo naman maiintindihan ang isang bagay kung hindi mo ito pag-aaralan. Ikaw mismo ang mag initiate matuto kang tumayo."

Jamais VuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon