Authors Note: Isa nanamang kuwento ang naibahagi ko sa taong 2020, taus puso akong nagpapasalamat sa mga taong sumusuporta sa akin at sa taong nagbigay ng inspirasyon upang makagawa ako ng ganitong dyanra. Malayo man ito sa tunay na kuwento ngunit tiyak ko naman na napatawa ko kayo at nabigyan ng libangan ngayong panahon ng pandemya. Umaasa po ako na sana suportahan niyo pa ang mga susunod pang kuwento, lubos akong nagpapasalamat sa inyo. Mahal ko kayo mga ambon!
@iMarjayNari
mula kay: kaminari amanashiwattpad presents
Jamais VuKabanata 29: The place where we met
Nandito ako ngayon sa parke kasama ang aking mga kaibigan, ramdam ko ang malungkot na atmospera dito sa paligid. Walang imikan at bakas sa aming mukha ang lungkot. "Hindi ka na mag t-take ng exam?"tanong ni Cairo habang nakaupo sa duyan.
Umiling ako. "Hindi na kailangan, para saan pa ang makukuha kong scores kung mawawala din lang ako dito sa mundo diba. Hayaan niyo na ang lungkot ang mabuti pa ay punuin natin ang araw na'to ng saya."sagot ko.
"Mako. Hindi napipilit ang emosyon, hindi natin kailangang magpanggap na masaya para lang malaman natin na okay lang tayo, minsan mas mabuting hayaan natin ang ating emosyon. Ang pag papanggap na masaya ay ibig sabihin ng kalungkutan."tugon naman ni Paris.
Pumakawala ako ng isang malalim na buntong hininga. Hindi ko mawari ang aking damdamin, tila gusto kong takasan ito at magpakasaya ngunit hindi ko magawa. Parang pinapatakbo ako nito na nais niyang umiyak ako, ganito ba ang kapangyarihan ng utak at puso? Na kahit gusto mong tumakas sa reyalidad ay pilit na pinapamukha sa'yo ang katotohanan.
Tumingin ako sa aking mga kaibigan at ngumiti. "Anong oras ng exam niyo? Galingan niyo a, pagkatapos non ay pupunta tayo sa bagong milktea-an malapit lang dito sa parke. Masarap pa naman ngayon ang libre."pag-iiba ko ng usapan.
Tumingin si Clover sa kanyang suot na smart watch. "Alas diyes ang exam namin. Tsaka ipangako mong hindi ka aalis. Ibig kong sabihin huwag ka munang mawawala dahil ililibre mo pa kami."
Natawa ako. "Oo naman basta galingan niyo"sabi ko.
"Saan bang milktea-an? Yung Funtea ba?"tanong ni Roma.
Tumango ako at napatakip ng bibig si Dedee na wari'y nagulat. "Oh gosh! Can't wait to post our groupie na talaga madaming nag aabang sa instagram at twirrer ko. Hashtag funtealicious!"maarteng wika nito.
Napangiwi si Roma. "Twirrer talaga? Akala ko twitter."tanong nito.
Umirap naman si Dedee, "Gosh! Sa henerasyong ito ay kailangang maarte ang pag bigkas ng mga salita. Kawawang Roma napagiwanan ng panahon pero hindi iniiwanan ang kanyang fats."sagot naman ni Dedee sabay tawa dahilan para mapatayo si Roma ngunit agad itong inawat ni Cairo at Kisara.
"Fats your face! Do you know na ang mga fats ay tumutulong sa katawan ng tao upang hindi ginawin? Now you know ulol!"sigaw ni Roma at pilit na pinapakalma ni Kisara at Cairo.
Sa halip na umawat kami ay natawa nalang kami sa dalawa. 9:30 noong napagpasiyahan nilang pumunta sa school, pinagmasdan ko silang paalis ng parke hanggang sa makalayo na sila ng tuluyan at mawala sa aking paningin.
Lumipat ako ng pwesto at nagtungo sa upuang gawa sa kahoy sa tabi ng cherry blossom. Malamig ang hangin at dinuduyan ang mga bulaklak sa paligid.
Naaaliw ako sa panonood sa mga batang naglalaro sa playground at hinayaan kong mahulog sa aking ulo ang mga bulaklak ng Sakura. Muling umihip ang malamig na hangin kasabay non ang paglitaw ng isang binata sa aking harapan na nakatilod sa akin. Walang iba kundi ang aking katauhan.
![](https://img.wattpad.com/cover/211966451-288-k375368.jpg)
BINABASA MO ANG
Jamais Vu
Novela JuvenilSimula noong nakita kita nag-iba ang takbo ng buhay ko. Nakakabaliw nga ba talaga ang unang pag-ibig o sa sadyang baliw ako sa'yo. Kung may misteryo nga namang dapat malaman ay iyon kung bakit nahulog ako sa'yo.