Buwan ng Marso
Natapos ang taglamig at pinalitan ito ng tagsibol. Nagsisimula nanamang mahulog ang mga cherry blossoms sa buong Japan. Ngunit, tila may kung anong lungkot ang namamayani sa aking dibdib habang nakaupo ako dito sa aking mesa.
Ang dating naka-winter suit na mag-aaral ay napalitan ng magandang uniporme ng Saint Rose Academy. Masaya lahat ang aking mga ka klase, wala pa kasi yung teacher namin kaya nag uusap pa silang lahat.
"Excited na ako sa paparating na Lunar Eclipse. Ito daw ang pinaka unang Buwan na magkakaroon ng ganito."bungad ni Paris sabay kuha ng upuan sa kabilang mesa at tumabi sa akin.
Bigla akong kinabahan sa narinig ko. Para akong natuod dahil sa narinig, kailangan ko pa bang sabihin sa kanila ang mangyayari sa akin? O huwag nalang dahil mawawalan din ito ng saysay dahil mabubura lang ako sa kanilang memorya.
Natauhan ako no'ng pumitik si Paris sa harap ko. "Sabi ko na nga ba hindi ka nakikinig sa akin. Uulitin ko, nagaaya si Roma para sa dadating na Lunar Eclipse, mag sasagawa daw tayo ng Moon viewing gusto mo ba?"pag-uulit ni Paris na ngayon ay nakatingin na ako sa kanya.
Tumango tango ako at ngumiti. "O sige game ako diyan!"ang tanging nasabi ko.
Kumunot ang noo ni Paris at tumayo. "Ang wierd mo ngayon. Pero aasahan ka namin doon daw sa bakuran ng aming bahay isasagawa ang moon viewing. Gagawin natin itong exciting at para mas maganda ay mag ku-kwentuhan tayo ng mga campfire tales"sambit niya sabay ngiti ng malapad.
Aalis na sana si Paris nang biglang gumalaw ang aking kamay upang pigilan siya. "Paris wait lang" at tumingin ito sa akin.
"Bakit?"
Umiling ako at binitawan ang kanyang kamay. "Wala excited na ako sa magaganap na Moon viewing natin"
Kumindat lang ito sabay thumbs up saka naglakad papunta sa upuan niya. Ayokong sabihin sa kanila ang tungkol sa Lunar Eclipse, nasasaktan ako sa tuwing iisipin kong mawawala na ako ng tuluyan. Paano nalang yung magagandang alaala na binuo namin? Maglalaho nalang ba na parang bula?
At tsaka naguguluhan pa ako kay Eiji, gusto kong malaman ang kasagutan sa mga ginagawa niya. Gusto kong malaman kung para saan yung sising na laruan. At gusto kong malaman kung bakit bigla siyang nagbago at napansin sa paligid niya.
Ayoko namang mabura nalang ako na hindi ko nalalamang mahal na pala ako ni Eiji...
Nakangiting lumapit si Roma sabay upo sa aking mesa habang kumakain ng cheese cake. "Aasahan ka namin Mako. Gusto ko kompleto tayong magkakaibigan, bubuo tayo ng masasayang alaala sa bahay habang pinapanood ang buwan. Huwag kang mag-alala ipapaalam ka namin sa kuya mo."wika nito sabay kagat ng kinakain niya.
Parang natuhog ang puso ko noong marinig ko ang "bubuo tayo ng magandang alaala". Parang gusto kong mag reklamo! Bakit ang unfair ng buhay ko! Bakit ako pa ang naging ganito?
Ngumiti ako ng pilit at tumingin sa mata ni Roma. "Hindi ko maipapangako pero susubukan ko." Tugon ko naman.
Tumayo si Roma at kinuha ang pagbaunan ng tubig ko. "Basta aasahan ka namin, kahit anong mangyari kami ang BFF mo."sabi pa nito sabay inom ng tubig.
Tumingin ako kay Roma habang umiinom, ito ang mamimiss ko, ang Roma na kukuha nalang basta-basta, ang Dedee na puro pagpapaganda ang alam, Clover na maaasahan at Kisara na sobrang tahimik.
Bigla akong tumayo at lumabas ng classroom nang makasalubong ko si Clover, "Maks! Ito na yung pinagawa mo sa akin. Tapos na yung kontrata ko pag-usapan nalang natin mamaya yung bayad"bungad nito sabay abot sa akin ng isang maliit na brown envelope. Tinignan ko ito at binuksan. "Sa-Saalamat"sabi ko sabay yakap sa kanya ng mahigpit. Dito naramdaman kong nangigilid ang mga luha sa aking mga mata kaya agad akong bumitaw at nagtatakbo paalis ng classroom.

BINABASA MO ANG
Jamais Vu
Подростковая литератураSimula noong nakita kita nag-iba ang takbo ng buhay ko. Nakakabaliw nga ba talaga ang unang pag-ibig o sa sadyang baliw ako sa'yo. Kung may misteryo nga namang dapat malaman ay iyon kung bakit nahulog ako sa'yo.