Season 2 Jamais Vu (XXV)

69 11 0
                                    

iMarjayNari
@kaminari_amanashi

JAMAIS VU
見たことがない

Kabanata 25: I love you on Winter

Mula dito sa aming balkunahe ay tanaw ko ang nagniningning na ilaw sa mga gusali doon sa gitna ng siyudad. Ibat-ibang kulay at nakakaakit sa mata, banayad na humahaplos ang lawiswis ng hangin na nagbibigay ng kapayapaan sa aking buong kaibuturan. Lumingon ako sa loob at abala si Kuya sa panonood ng T.V, nakakatuwa siyang pagmasdan at napaka inosente niya sa lahat ng nangyayari sa kanyang paligid. "Nabura talaga ang alaala mo kuya, pero ako, nandito at dala ko ang kakaibang lungkot na parang gusto kong takasan. Pero ang nakatakda para sa akin ay handa kong harapin. Ngunit sa ngayon, hayaan ko muna ang bagay na 'yon at lubusin ko muna ang natitirang oras ko dito sa mundo."bulong ko sa hangin habang pinagmamasdan ko si Kuya.

Medyo lumalamig na ang paligid kaya pumasok na ako ng apartment, sinalubong ako ng mainit-init na temperatura dito sa loob dahil sa heater namin. "Kuya bili mo ako ng bagong phone"nagpapaawa kong sambit nang irapan lang ako nito. bastos!

"Wala akong pera, bumili ako ng groceries at nag bayad ako ng apartment. Nag bayad din ako ng kuryente at bill sa tubig."sagot ni Kuya habang tutok na tutok sa pinapanood na anime.

napasimangot ako at humarang sa pinapanood niya. "Eto naman ka kuripot, sige na nga load nalang 250 oh! 240 nalang bawas sampu na"hirit ko nang bigla itong tumayo at pumunta sa pinaka harap ng T.V

"Kuripot nga!"

Napangiwi nalang ako kay Kuya at pumunta ako sa aming silid. Binuksan ko ang sliding window at hinayaang  pumasok ang malamig na simoy ng hangin at mariin kong naririnig ang malumanay nitong tunog. Humiga ako sa aming kama at napatitig sa kisame, aantayin kong dalawin ako ng antok.

9:00 PM
Ayan ang nakalagay sa cellphone ko nang i-check ko yung oras. Kalagitnaan na ng gabi ngunit hindi parin ako dinadalaw ng antok samantalang si Kuya ay tulog na, napagpasyahan kong magtungo sa kusina upang uminom ng isang basong gatas. Ilang gatas na ang aking nainom ngunit talagang ayaw akong patulugin kaya naman pumunta ako ng sala upang manood ng T.V

Habang sa ganoong panonood ko ay nakarinig ako ng mahinang katok mula sa balkunahe kaya agad akong tumayo at dahan-dahan akong naglakad. Sumilip ako sa may kuwartina nang makita ko ang isang lalaki na nakasuot ng turtle neck jacket na kulay itim at mahabang coat. Inusisa ko ito nang biglang lumapit ito at sumilip din dahilan para mapaigtad ako sa gulat. Biglang napuno ng kakaibang tuwa ang aking puso dahilan upang ito'y lumundag at makaramdam ako ng kilig.
"Anong ginagawa dito ni Eij? Gabi na ah."bulong ko sa aking sarili at binuksan ang salamin na pinto dito sa balkunahe. Sumalubong ang malamig na hangin kasabay ng isang matamis na ngiti na naka usli sa madilim na parte ng balkunahe bagamat nasisinagan ito ng ilaw mula sa loob. "Hindi ako makatulog parang ayaw akong dalawin ng antok."bungad ni Eiji.

Natawa ako, parehas pala kaming hindi makatulog. "Ako din, hindi ko makuha ang tulog ko kaya heto manonood sana ako ng T.V pero nagulat ako sa'yo at bigla-bigla ka nalang kumakatok. Sana nag message ka nalang."tugon ko naman.

"Hindi na kita inabalang padalhan ng mensahe. Gusto kong sorpresahin ka."

Natuwa naman ako sa sinabi ni Eiji kaya naman napayuko ako ng ulo at kinagat ang pang-ibabang labi. "Talaga ba? Anong pinunta mo dito? Tsaka bakit mo alam na gising ako?"

Natawa si Eiji at lumapit sa akin sabay gulo ng aking buhok at naramdaman kong nakasuot siya ng guwantes. "Ang dami mong tanong. Tara mamasyal tayo sa Parke may pailaw doon, nabalot ngayon ng LED lights ang buong puno sa Parke at iba pa."

Jamais VuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon