iMarjayNari
@Kaminari_amanashiJamais Vu
見たことがないKABANATA 5: INSTRUMENTO
Nagising ako dahil sa malakas na boses ni Kuya, kaya naman minulat ko ang talukap ng aking mga mata at napa tingin sa sliding glass sa aming kama at bumungad ang nagtatayugang mga gusali. Isama mo pa ang maulap na kaulapan at tila may nagbabadyang malakas na ulan anumang oras. Nakaramdam padin ako ng antok kaya naman muli akong nag talukbong ng kumot.
"Ano di ka pa babangon diyan? Tanghali na! Puyat pa dahil sa selpon na yan!"muling sigaw ni Kuya kaya naman bumangon na ako at muling napa tingin sa malaking bintana. naka bukas nadin ang mga kurtina kaya naman suray-suray akong naglalakad papunta sa kusina.
Hindi naman sa galit na galit si Kuya parang naninita lang. Sadyang malakas lang ang boses nya na kayang gumising ng isang compound. Naka tingin lang ako sa naka handang pagkain sa aking harapan, naaantok pa ako kaya naman humigop muna ako ng mainit na gatas.
"Bago ka pumasok sa school mo magdala ka ng payong mukhang uulan mamayang hapon. Kumain ka na dyan at aalis na ako madami akong gagawin sa opisina."ani ni Kuya sabay halik sa aking pisngi kaya napa tingin ako sa kanya at ngumiti.
SA SCHOOL...
"Bago ako mag umpisa ang ating klase nais ko munang ipakilala sa inyo ang magiging ka-klase nyo sa subject kong ito."sabi ni Ma'am Sunari teacher namin sa Special Characters: Level 2 kanji at umalingaw ngaw ang buong klase. Ilang sandali pa ay pumasok ang isang babae, medyo maganda naman pero madami siyang pimples na nagpa pangit sa balat niya sa muka.
"Hi guys ako si Ate Dimple Yuriko, Grade 12 sa room 9 at may isa akong subject na kailangan punain. Galing ako sa Hiroshima at lumipat kami ng aking babaeng kapatid upang dito mag-aral. Sana maging close tayo kahit dito lang sa subject ni Ma'am"naka ngiting pagpapakilala nito sa buong klase.
"Maaari ka ng umupo Miss Dimple, humanap ka muna ng mauupuan mo"sabi ng aming guro. Napatingin ako sakaniya ng tuwid habang naglalakad papunta sa pinaka likod tila nakaramdam ako ng tuwa noong may ka klase akong galing sa klase ni Eiji at sigurado akong madami syang masasabi at ma oobserbahan kapag ginawa ko syang espiya. Nagsimula na nga ang aming klase samantalang ako ay hindi na makapag hintay na kausapin si Ate Dimple. Hindi ko alam ngunit tila may kung anong sayang namayani saaking dibdib at parang nabubuhayan ako ng loob dahil titibay na ang koneksyon ko kay Eiji.
Pagkatapos ng klase ay mabilis akong nagtungo sa kinauupuan ni Ate Dimple, paalis na din sya kasama ang guro namin kaya naman mabilis akong lumapit sakaniyang pwesto. Ngumiti ako at nilahad ang aking kamay."Hi ate ako si Mako De luna, nabanggit mo kanina na galing sa G-12 room 9. Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, may kilala kang Eiji San Miguel?"
Kumunot ang noo nito at parang nag-iisip. "Hindi ko matandaan ang kanilang pangalan eh, pero hayaan mo aalamin ko bakit ba?"
Ngumiti sakaniya."Wala lang ate, basta yung medyo maitim at may hitsura."
Muli itong napa isip at tumingin saakin ng tuwid. "Yung matangos ba? Oo naaalala ko na sya. Bakit crush mo noh?"mapang asar na tingin nito saakin ngunit hindi ako nag pahalata. Bagkus tinignan ko lang ito ng blankong ekspresyon. "Hindi noh!"pagtanggi ko ngunit muli itong tumingin ng nakakaasar na animo'y hindi naniniwala. "Sige na nga, pero sekreto lang natin ito ah! Nais ko sanag obserbahan mo sya kung maaari, kung nag r-recite ba sya o kung mabait sya sa klase"
Natawa naman ito at tumango-tango. "Sige gagawin ko iyan para sa'yo. Bakit mo sya naging crush?"nagtatakang tanong nito saakin.
"May kakaiba sakaniya na hindi ko makita sa iba. Ibig kong sabihin unique kasi sya"tugon ko dahilan para matawa ito. Tinignan ko lang sya ng masama kung bakit sya tumawa. "Alam mo ba kanina pinagalitan sya ni sir Ji, pinag r-recite kanina pero ayaw niyang tumayo. Ang tigas ng ulo niya halos lahat nga ng ka klase namin nainis sakaniya kasi pinapatayo nanga sya ng guro namin, ayaw pa niyang tumayo."salaysay nito kaya naman nakaramdam ako ng kung anong awa kay Eiji.

BINABASA MO ANG
Jamais Vu
Teen FictionSimula noong nakita kita nag-iba ang takbo ng buhay ko. Nakakabaliw nga ba talaga ang unang pag-ibig o sa sadyang baliw ako sa'yo. Kung may misteryo nga namang dapat malaman ay iyon kung bakit nahulog ako sa'yo.