Jamais Vu (XVII)

79 6 0
                                    

iMarjayNari
@kaminari_amanashi

Jamais Vu

見たことがない

Kabanata 17: Alapaap

Dalawang araw ang nakalipas magmula noong may concert sa campus namin bilang isang Event para sa paglilikom ng pondo para sa out reach program. Muling nangyari sa akin ang pananaginip ko nang gising at sa pagkakataong iyon ay nakausap ko ang taong palaging nakikita ko doon.

Isang napakalaking palaisipan ang kanyang sinabi sa akin at hanggang ngayon naaalala ko parin ang mga katagang iyon. "Itigil mo na yang paglalaro mo, dalawang oras ka nang naka babad diyan."narinig kong wika ni Kuya.

"Tsaka na! may tinatapos lang akong level dito sa adventure mode. Malapit ko na itong matapos saglit nalang."sagot ko naman.

"Hindi ka pa nag take ng gamot mo!"wika nito sa aking harapan sabay hugot ng saksakan sa nilalaro kong Ps4. Napakamot naman ako ng ulo sabay tayo papunta sa kusina.

"Huwag ka ngang mag dabog hindi nakakatulong ang pagmamatigas mo ng ulo! Uminom ka ng gamot mo para hindi ka na kwento ng kwento tungkol sa nangyayari sa'yo. Sinasabi ko nanaman sayo na kagagawan nanaman yan ng cellphone at gadgets mo."sabi pa ni Kuya pero hinayaan ko nalang siya.

Pagkatapos kong uminom ng gamot ay nag tungo ako sa balkuhahe upang mag pahangin. Malapit na namang matapos ang tag lagas at paparating nanaman ang tag lamig. Kaya naman simutin ko na itong panahon dahil hindi na ako makakalabas pa ng bahay sa winter season.

Umupo ako dito sa beranda at tanaw na tanaw dito ang malawak na kalye sa baba. Medyo malamig din ang hangin dito kaya naman nawili akong tumambay dito pansamantala.

Habang sa ganoong posisyon ay napansin kong may naka tayong tao doon sa labas ng tarangkahan kaya naman inusisa ko ito kung sino. Awtomatikong ngumiti ang aking labi at nakaramdam ng kung anong tuwa noong masilayan ko si Eiji mula sa labas ng aming tarangkahan. Halos manggigil ako sa tuwa noong makita ko siya sa labas at tumitingin tingin pa ito sa loob. Gusto ko syang tawagin at kumaway pero parang nanigas ang aking labi at naka ngiti nalang ito.

"Saan ka naman pupunta, kakain na tayo malapit nang matapos itong niluluto ko. Alam kong nakita mo na gulay ito kaya siguro lalabas ka nanaman ng bahay."sabi ni Kuya noong pumapanhik ako pababa ng hagdan. "Hoy Mako! Saan ka pupunta!"

Pagkalabas ko ng apartment ay inamoy ko muna ang aking hininga para naman maging presko ako kapag kakausapin ko si Eiji. "Ma-magandang umaga. Bakit nandito ka?"hindi ko maitago ang saya noong malapitan ko ito.

Natawa si Eiji sabay kamot ng kanyang batok na para bang nag papa cute sa harap ko. "Ay hehe, nasabi kasi sa akin ng isa mong kaibigan ang adress mo kaya hinanap kita. Nais sana kitang ayain na kumain tayo sa labas... ibig kong sabihin kahit mamasyal lang tayo tol, walang malisya ah!."sabi nya dahilan para kagatin ko ang aking dila dahil sa sobrang gigil at kilig na nararamdaman. Parang naniniwala nanaman ako sa teorya ko, na baka kaming dalawa ay para talaga sa isat-isa.

Mabilis akong nag tungo sa loob at nag paalam kay Kuya. Hindi na ako kumain subalit nag dala ako ng pera at doon nalang ako sa pupuntahan namin ni Eiji kumain ng tanghalian. Ayos na ayos si Eiji. Naka suot siya ng itim na t-shirt na hapit na hapit sa kanyang katawan at mas lalo pang lumalabas ang kanyang kakisigan. Pinaresan nya ito ng puting shorts.

"Tara na tol!"excited nitong wika. Para naman akong isang dilag na susunduin ng kanyang kapareha tulad ng napapanood ko sa T.V. Pakiramdam ko tuloy mahihimatay ako dahil sa sobrang kilig habang naka akbay siya sa akin at hindi naalis ang matamis na ngiti sa kanyang labi. Naka titig lang ako sa kanyang namumungay na mata na halos mahulog na ako ng tuluyan. Pero, kahit ganon ay hindi ko pinapahalata sa kanya at kumilos lang ako ng normal.

Jamais VuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon